Chapter 15 💝

46 8 0
                                    

[Draco's POV]

Ang liit na babae pero sobrang bigat. Pinasok ko siya sa sasakyan ko at aalis na sana pero hinila niya ako sa kwelyo.

"You'll leave me too? Tinakbuhan ako ng mapapangashawa ko shana. Alam mo yung shakit? Shobrang shakit ng pusho ko! Walang nagmamahal shakin! I'm alone! "

Hinawakan ko siya sa mukha at pinahid ang mga luha niya na walang tigil sa pagtulo.  Namamaga na din ito.

"You're not alone, Olivia. Kahit kailan hindi ako nawala sa tabi mo. Ako, mahal kita kaya huwag mong sabihin na walang nagmamahal sayo. Hindi mo lang talaga ako natututunang mahalin. Kung ako na lang sana. "

"Iiwanan mo din ako, Draco. Ilang beses mo na akong tinanggihan, iniwasan at sinaktan. Lahat na lang ba ng taong importante sakin nawawala? "

"Marunong ka din naman dapat minsang magpahalaga, Olivia. Minsan malalaman mo na lang ang worth ng isang bagay kung mawawala sila sayo. "

"D-Don't leave me, Draco. Ayaw ko nang maramdaman ang sakit sa p-puso ko kapag binabalewala mo ako. S-Sorry. Sorry kasi ganun pala ang nararamdaman mo kapag hindi ko inaappreciate ang mga efforts mo. I have this feeling of comfort when I'm with you. Huwag mo kong i-iwan, Draco. Huwag mo muna akong sukuan please? I-Ikaw na lang ang natitira sakin. M-May namumuo na akong p-pagmamahal para sayo. "

Hinawakan ko siya sa mukha.

"I wish you're not drunk. Alam kong makakalimutan mo din kinabukasan lahat ng mga sinabi mo. "

"Hindi nga kasi ako lasing! Bakit ayaw mo kong paniwalaan? Hindi na ba talaga ako mapagkakatiwalaan? "

"Stop it, Olivia. Let's go home. "

Pumasok ako sa sasakyan at nagmaneho na papuntang condo niya. Binuhat ko siya papasok sa loob dahil tulog na tulog na. Nilapag ko siya sa kama at iiwan na sana para kumuha ng tubig at towel pero pinigilan niya ako sa kamay. Akala ko ba tulog na to?

"Saan ka pupunta? "

"Sa baba. May kukunin lang. "

"No. Just stay here. "

"Kailangan mong maglinis ng katawan Olivia para mahimasmasan ka. "

"Don't leave me. "


Nagulat ako ng bigla niya akong hinila kaya napabagsak ako sa taas niya. Hinaplos niya ang mukha ko at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
















Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may humahaplos ng pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nasilayan ko ang pinakamamahal kong babae. May nangyari samin kagabi at natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat dahil himala na hindi siya nagwawala ngayon. Magkasama pa din kami sa kama na parang mag-asawa.


"Good morning. "

"G-Good morning. Am I not dreaming? "

Umiling-iling siya at niyakap ako ng mahigpit sabay subsob ng mukha niya sa dibdib ko. Niyakap ko siya pabalik dahil sa sobrang saya.

"H-Hindi ka galit? Hindi ka ba nagsisisi? Pananagutan naman kita. "

"No. Wala akong pinagsisihan, Draco. I like you and I'm starting to fall in love with you. "

"It's okay, honey. Don't rush things. Alam mo namang pagdating sayo kaya kong maghintay. I'm really happy knowing that there's already a possibility that you can reciprocate my feelings. I love you so much, honey. "

Mas sumiksik siya sakin. I kissed her forehead. Hindi niya man sa ngayon masusuklian ang sinabi ko pero I know na kunting panahon na lang ay mapapasakin na siya.




Nanonood kami ngayon ng TV at nagkukwentuhan.

"Ahmm... A-Anong naramdaman mo nong hindi ka sinipot ni Zing? "

"Sa totoo lang, wala akong gana sa kasal namin. I cannot see myself waiting on the isle na siya ang naghihintay. Noong una, I almost cannot sleep because of excitement about or wedding but then you came. "

"Anong dahil sakin?"

"Dahil sayo unti-unti akong namulat sa katotohanan na hindi mo kayang pilitin ang tao  na mahalin ka kung sa simula pa lang ay may mahal na ito. Naisip kong kailangan kong pahalagahan ang taong nandiyan para sakin at ikaw iyon. Sobrang nasaktan ako nang hindi mo na ako pinapansin. Doon ko na realize na may gusto na ako sayo. Ayaw kong makita ka na may kasama kang iba. Honestly, hindi ako nasaktan nong hindi ako sinipot ni Zing. Umiyak lang ako kasi natatakot ako na wala nang nagmamahal sakin. Si Zing na kababata ko iniwan ako. Tapos ikaw na lang ang meron ako pero pinakawalan ko pa. That's why I'm very happy kasi nandito ka pa din sa tabi ko. "

"Ikaw nga lang kasi ang babaeng mamahalin ko. Biro lang sana ang pagmamahal ko sayo eh. "

Nag-angat siya ng masamang tingin sakin. Namiss ko tuloy kasungitan niya.

"Kaso napikon ako eh! Kaya sineryoso ko. "

Kinindatan ko siya na siyang ikinapula niya.

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon