[Olivia's POV]
Naibagsak ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Hindi ako makapaliwanag sa narinig.
"S-Saang hospital po siya ngayon? "
"Kagabi siya dinala sa Liveria hospital. "
Tumayo ako at mabilis na lumabas ng bahay. Tinatawag nila ako pero mabilis na nagmaneho ako papuntang hospital.
"Miss? Ano po ang room number ni Draco Liveria? "
Pagkasabi niya ng room number ay agad na tinungo ko ito. Nanginginig ang kamay na kumatok ako at si Griffin ang nagbukas.
"K-Kamusta na si Draco? Please tell me his condition. "
Umiiyak na ako sa harap niya. Dinala niya ako sa canteen at kinausap.
"May nangyari ba sa inyo na nasaktan si Draco emotionally? As far as I know ikaw lang naman ang dahilan ng pag-iiyak niya. Hindi kita sinisisi, Olivia. Pero hindi mo ba alam na ito ang ikalawang beses simula nang nakilala ka niya na nagtangka siyang tapusin ang buhay niya? "
Namutla ako dahil sa sinabi niya.
"H-How? "
Nagsimula siyang ikwento ang lahat at puro iyak lang ang nagawa ko. Kinuwento ko din ang naging away namin ni Draco o hindi pagkakaintindihan.
"S-Sorry. Sorry. "
"Hindi ka dapat sakin humingi ng tawad, Olivia. "
"I know. K-Kamusta na siya? Gusto ko siyang makita. "
"Buti na lang daw at nadala ko siya sa hospital kaya agad na naagapan siya. Ilang beses na ding nag flat line ang heart beat niya pero na revive naman agad. As you can see Olivia, lumalaban pa din si Draco kasi mahal na mahal ka niya. Sana sa susunod papaliwanagin mo muna siya. Hindi ka non kayang lokohin. Saksi ako sa pagmamahal niya sayo. Medyo mahina pa ngayon ang tibok ng puso niya at hindi pa siya nagigising. "
"Pwede ko ba siyang makita? "
"Sure"
Sinamahan niya ako sa room ni Draco at umiiyak na niyakap ko siya.
"H-Honey? Please don't give up ha? I'm very sorry. It's all my fault. Sorry for everything. I-Ikaw lang talaga ang mahal ko. H-Huwag kang matulog ng m-matagal ah? "
Hinalikan ko siya sa noo at naupo sa gilid niya habang hawak ng mahigpit ang kamay niyang naka dextrose. Ganito na ang routine ko sa mga dumating na araw. Hindi pa din siya nagigising epekto na din ng sleeping pills na nainom niya. Unti-unti na ding tumitibok ng normal ang puso niya.
Kinakausap ko ang tulog na si Draco ng biglang bumukas ang pinto. May isang babae na pumasok at salubong ang kilay na tiningnan ako. Nasa likod niya si Griffin. Pamilyar sakin ang girl pero hindi ko maalala kong saan ko nakita.
Tumayo ako at magpapakilala na sana pero napaawang ang labi ko sa ginawa niya.
"Pia! "
"Don't stop me, Griffin! Kasalanan ng babaeng to kung bakit nandito ang pinsan ko! "
Hawak ang kanang pisngi ko na pakiramdam ko namumula na sa lakas ng sampal niya. Hinawakan ko siya sa kamay pero tinapik niya lang ito.
"I-I'm sorry. A-Alam kong kasalanan ko ang lahat. "
"Bakit nandito ka pa?! "
"Mahal ko siya at girlfriend niya ako kaya ako ang mag-aalaga sa kaniya. "
Tumawa siya ng nakakainsulto.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi ka man lang nakaramdam ng guilt na ang taong binabantayan mo ay nakaratay diyan dahil sa kagagawan mo! "
"Nagsisisi na nga ako! "
Lumakas ang pag-iyak ko dahil sobrang nagsisisi talaga ako sa kagagahan ko.
"Tandaan mo to, Olivia! Pag hindi pa rin nagising si Draco, may kalalagyan ka sakin! "
Dinuro niya ako na pinigilan naman ni Griffin. Tiningnan ako ng huli at binigyan ng tingin na parang humihingi ng tawad sa nagawa ni Pia. Nginitian ko lang siya. Kasalanan ko naman talaga kaya may karapatan siyang magalit.
Nauwi sa ngiwi ang ngiti ko nang maramdaman kong sumakit ng sobra ang puson ko.
"Ahhhhh!!! "
Napakapit ako sa tiyan ko ng mas sumakit to.
"Olivia? Anong nangyayari?! "
"Griffin! Tumawag ka ng Doctor!!! Gosh! S-She's bleeding! "
Nakita ko pang may dumaloy na dugo sa hita ko bago ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
This Moment Now (COMPLETE ✅)
Fiksi RemajaThis is the story of Draco and Olivia 😊 Read Big Heart Of Mine first 😉🥰