CHAPTER 2: TWENTY MINUTES

79 41 0
                                    

Chapter 2: Twenty minutes

______

Papunta kaming school garden. I knew it. It's a quite place kaya madalas ako dito nakatambay kapag walang klase. Pero di parin maalis sa isip ko kung bakit kami mag-uusap, I clearly said SIR VESTIL, pero wala akong magagawa, si President to eh.

Nang tumigil siya sa paglalakad napatigil rin ako. Humarap siya sa akin, ayan na naman ang mga mata niya at awra na nakakaintimidate.

A moment of silence. Hindi siya nagsalita kaya nanatili akong tahimik, nakatutok siya sakin pero hindi ko magawang labanan ang titig niya kaya sumusulyap lang ako sa kaniya.

I wanna face palmed.

I don't wanna stay any longer kaya nagsalita na ako.

"Anong pag-uusapan natin?"

"About you being my assistant," He stated, as a matter of fact.

"Okay?" Yun na yon?

"I asked Sir Vestil to find someone who can help me in planning and making decissions during events, program, drills and everything," Napatango ako sa sinabi niya. He wants help. Pero bakit ako?

"Why me?" I asked him. Bakit nga ba ako? Marami naman siyang mga ka batch na matatalino. Kung wala, sa third year din meron. Why me? Im just a mere highschool student. Nothing special, pero pa special.

"You fit perfectly according to Sir. I hope you won't decline the position given." He said the word hope. But for me it sounded like a threat, Shems wala akong choice.

"You don't really have to be there wherever I go. And I also dont want to add more work to my co-members since they already are loaded. I want them to focus in their work to function well," He added. Ngayon lang ata siya nagsalita ng ganyan kahaba.

"Okay, I won't decline." I still can't look straight into his eyes.

"Very well, Ms. De Laurentis," He lift the side of his lips. Napatitig ako nang mga ilang segundo sa kaniya. To be honest gwapo talaga siya no? Kaya maraming nagkakagusto sakanya.

"Call me Claire." I managed to smile at him.

"Okay, Claire." Napaiwas ako ng tingin. He licked his lower lip. Shems feeling ko ang ganda-ganda nang pangalan ko sa pagbigkas niya nun.

Magsasalita pa sana ako pero tumunog na ang bell.

"I-I have to go now," Nagmamadali kong sabi.

Tumango lang siya sakin. Tumalikod ako at nagsimulang tumakbo. But I wanna do something before I leave so I faced him and waved my hand with a big smile on my face. Normal ang buhay ko kapag malayo siya sakin.

"See you when I see you, Gavin!" Magiliw kong ani saka tumakbo agad paalis, with poise syempre. As much as I want to see his reaction, malelate na ako.

Luckily nang makarating ako sa room ko wala pa si sir. I looked around and saw sir coming kaya agad akong pumasok at umupo.

I remembered what I did earlier. Napangiti ako, pero nawala agad ng magsalita si Nate.

"Maganda ata ang gising mo ngayon Cle." He teased me. Agad ko siyang pinalo sa braso at inirapan.

"Ikaw babae ka, mapanakit ka talaga." Sabi niya habang hinihimas ang kanyang braso.

We've been friends since elem kaya sanay na siya sakin. I have friends naman pero mas sanay ako mag-isa o kaya'y si Nate lang ang kasama, mas komportable ako sa kaniya kesa sa iba. Di kase 'to plastic.

Love Will Remember (DLS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon