Chapter 5: Blood stain
____
I recieved Luke's dm yesterday saying we will have our meeting this afternoon after class together with the others. Kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ng ibang officers. I barely know them. Tahimik akong naglakad sa hallway mag-isa ng may biglang kumalabit sakin.
"Ay butiki!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, napapikit ako't nakahinga nang maluwang. Si Luke lang pala.
"Sorry nagulat ka ata." He smiled.
"Okay lang." I replied dryly. Wala ako sa mood, ewan kung bakit.
"Sabay na tayo," Aya n'ya sakin.
Matamlay akong tumango saka siya sinabayan sa paglalakad.
"Umm... kamusta ka naman Claire?" He asked, napatingin ako sakanya. Hmmmm Suspicious.
"Okay lang."
"S-si Blaire? Kamusta naman?"
Napatigil ako sa paglalakad saka siya sinulyapan, gusto kong mapairap sa tanong niya.
"Ask her yourself." Mataray na ani ko, napanguso naman s'ya.
"Ano ba talaga kayo ni Blaire ha?" Ako naman ngayon ang nagtanong, kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin.
"P-partner." Sagot niya, bakas sa boses niya ang pagdadalawang isip.
If I know may something sa kanilang dalawa indenial lang talaga.
Crush ko si Luke pero 'di naman ako magagalit o magtatampo kung may something talaga sila ni Blaire. I'll be very happy for them! Lately I don't feel butterflies with him anymore, 'di ko na ata s'ya gusto.
Nakikita ko naman na bagay silang dalawa ni Blaire.
"Tsk. Partner huh?" Hindi naniniwalang ani ko.
"O-oo! Partner lang kami nun walang something!" He spatted. I secretly smiled, such a bad liar. 'Wag mong lokohin ang manloloko rin. Don't me.
Tinitigan ko lang siya habang nakataas ang isang kilay. Tumango tango ako, "Sabi ko nga partners."
"Oo." He said almost whispering.
Bingo! May something nga sila, makiki-chika ako ay Nate mamaya, talagang indenial kayong dalawa ha. I flipped my hair and continued walking, sumunod naman agad sakin si Luke.
Si Luke ang unang pumasok sa loob. I can hear small talks inside, mukhang may mga nakarating na. I saw Alec in his table reading a book, nakita ko rin si Shaina at ang ibang officers. Nang mapansin nila ako,agad nila akong nginitian.
Ngingiti na ngalang peke pa, fake people. Tsk.
I smile back as fakely as I could.
"Upo ka Claire!" A girl with braid hair exclaimed pointing the seat next to her. One the fourth year students representative. Nahihiya ako tumanggi kaya kahit ayaw ko ay humakbang ako papalapit sa upuan.
I was about to take a seat nang may biglang humila sakin.
"Sit next to me." Anyaya ni Alec, agad bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi parin mawala sa'kin ang pagkailang at kaba kapag malapit siya.
"B-But-"
"No buts." He hissed, wala akong nagawa kundi ang sumunod.
"Okay," Dudugtongan ko pa sana ng 'Gavin' kaso baka may makarinig. Machesmes ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Love Will Remember (DLS#1)
RomanceEnjoy every moment you have, because in life, there are no rewinds. One of the best feeling is knowing that you're wanted. Knowing someone wants to talk to you, wants to know how you are doing, or wants to see you. It just feel really nice to know t...