CHAPTER 16: YES, I DID

24 11 1
                                    

Chapter 16: Yes, i did

_____

Nakangiti akong lumabas ng kotse. I can't believe it! Ang bilis ng panahon, first day of class na. I spent summer with my cousins and also Alec. Kaya lang parang nabitin ako. Kainis! Bakit ba kase ang bilis ng panahon? Charot.

Naglakad ako papunta sa klase ko. I felt my phone vibrated. Hawak-hawak ko lang naman kaya tinignan ko. It was Nate.

From: Nathan G.

Where na u?

Bahagya akong natawa sa pangalan na nakalagay. Si Mariah may pakana nito dahil sa inis n'ya kay Nate. Nathan G, stands for Nathan Gago.

To: Nathan G.

School.

From: Nathan G.

Bilisan mo gurl.

Nagmamadali si pare tsk. Agad akong naglakad papunta sa building namin. My goodness! third floor pa talaga. Pagtingin ko sa elevator maraming estudyanteng nakaabang kaya nag stairs nalang ako.

Nang makarating ako sa floor namin tumigil muna ako sandali para huminga ng malalim. Nastress ang beauty ko sa stairs. When I felt better I continued walking.

Then I saw someone familiar. I blink few times. Wait— Alec? What is he doing here? May klase s'ya diba? He's leaning against the wall while talking to Nate. Halatang hindi ako napansin ng dalawa. Since nakatalikod sakin si Alec. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila para surpresahin silang dalawa.

At dahil epal si Nate. Nang makita n'ya 'ko agad s'yang bumati na ikinainis ko.

"Hi Cle, Goodmorning!" He smiled and wave his hand. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Panira ren eh.

Liningon ako ni Alec. I gave him a questioning look. Agad akong lumapit sa kanilang dalawa.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko kay Alec.

"Boo! Wala man lang goodmorning d'yan?" Ani Nate. I playfully punched him, but he just laughed.

"Epal ka talaga eh noh?" Inis na sabi ko.

Tinawanan lang ako ng gago, "Alis na 'ko." Nate stepped back and wave his hand. "Ang aga-aga naglalandian," Nate stated before walking away. Inirapan ko lang s'ya.

"Goodmorning" Alec said. I looked at him and raised my brows.

"Wala kang pasok?"

"Mamaya pa," He replied. I scoffed and crossed my arms over my chest.

"Oh tapos? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "'Di ba pag may klase sa weekends lang tayo magkikita?" Pagpapaalala ko sa kanya. He pouted and slowly nodded.

We made a deal that once classes starts, he'll visit me every weekend. Since sa condo s'ya nags-stay para malapit lang sa school n'ya and that takes almost an hour drive from here.

And I know he'll be busy with his acads and I will be busy with school works too. We had to compromise and also give time for each other. Kahit hindi pa kami nami-miss din namin ang isa't-isa.

"Let me hug you once, after that I'll leave." He looked at me, his eyes were clearly pleading. I chuckled and looked at him in disbelief.

"'Yan lang talaga ang pinunta mo dito?"

He nodded like an obedient kid. I sighed heavily and looked at him. So adorable. 'Kala ko ako ang magiging clingy samin dalawa.

"Come here," I said and opened my arms. He closed the distance between us and hugged me tightly.

Love Will Remember (DLS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon