Kabanata 25

6.6K 133 15
                                    

#ThePerfectTandemWP | 25

Blanko at walang emosyon ang mukha ni Thanatos. CEO mode siya ngayon. Or kahit di naman CEO mode, ganyan naman 'yan. I have my professional face on.

Nasa conference room kami. The representatives of Ardous Holdings, a.k.a the Herreras, are in front of us.

We had three people each. We have our company lawyer with us. Then Mr. Herrera, his daughter, and his right hand.

We're ready.

I started giving out the copy of proposals and I prepared orange juice as per request. Pinaghirapan namin 'yang proposal na 'yan. I made the half, and Thanatos created the ruthless parts. We had our attorneys review it. Then it was ready to go.

Unang pahina pa lang ay nakita kong nanggagaliti na ang kasalukuyang may-ari ng Ardous Holdings. He was bald, his stubbles are now white due to age, and he was chubby.

"We had a deal, Mr. Ambrosia." galit nitong sinabi. He motioned to his daughter beside him. "You will marry my daughter, or you give me 61% ownership of this company!"

"Ah, but I'm giving you a better deal. Please read the third page." My husband told him. Madali nitong binasa ang ikatlong pahina. "Once you're done reading, my wife will help you sign the last page."

I flipped the stack of paper to its last page without emotions. Nagtaas ito ng tingin at nanlaki ang mata. "Ito?!"

I showed him my wedding band.

I was smirking inside.

Tumingin muna ito sa'kin bago kay Thanatos. "She's just a secretary!" nanginig ito sa galit.

Nagpilantik tenga ko.

Just ka dyan?! Ikaw nagpapasweldo sa'kin?!

Itinapon niya ang mga papel sa harap niya. Tumayo ito at dinuro si Thanatos. "Demonyo ka! I'll sue you! Anong akala mo, mauutakan mo 'ko? Hindi ka sumusunod sa usapan! Mag-ingat ingat ka dahil babalikan kita!"

Anong nilalaman ng mga papel? Panggigipit.

Nahanapan sya ng butas ni Thanatos. Kinausap ang mga kasyoso ng Ardous Holdings at ninakaw ang mga ito ng patago. Ngayon, marami palang atraso ang Ardous Holdings sa mga kasyoso nito. Ako ang nagsulat ng mga maaaring mangyari sa kumpanya niya kapag hindi sumunod sa nais ni Thanatos.

Isla, kumpaniya, personal assets.

Nakasaad rin doon na wala siyang magiging habol sa amin at hindi kami kakasuhan. To lighten the load, I made sure na may compensation pa rin siyang makukuha sa deal. Naawa ako sa conditions na binigay ni Thanatos. Pero either way, makukuha pa rin namin ang isla.

Think of it as a blackmail pero plantsado dahil nakaayon ito sa batas.

"Once you leave this room, you will suffer the consequences of not signing that agreement, Mr. Herrera." kalmado ngunit galit na sabi ni Thanatos. "I especially didn't appreciate you after shouting at my wife." Yan! Ginagalit mo kasi bebe ko!

"Dad..." his daughter held him and looked at him. Nagmamakaawa ang mata nito.

Umuusok pa rin ang mukha nito ngunit madiin niyang pinirmihan ang papel. Buti na lang marami akong copy. Bwisit na panot na 'to. Nagkalat pa. Padabog nitong tinapon ang ballpen.

His bodyguard, Elias, widely opened the door of the conference room para makaalis na sila.

Nilapitan ko si Thanatos.

"Grabe naman siya, binubugaw ang anak. Ang bata pa eh. Wag mong gagawin sa anak natin ah?"

He rolled his eyes na parang naaalibadbaran sa'kin.

"I won't. Baka ikaw dyan."

"We did great!" masigla kong sabi.

"Yes, we should celebrate."

Hmm. Parang ibang celebrate na naman ah.

~•~

We decided to eat at Zandro's restaurant. Muntik nako mapaiyak sa tuwa sa unang subo ng fetuccini alfredo.

"I didn't know it would be this easy. Sana hindi na lang tayo kinasal." wala sa isip na naturan ko.

Tumaas ang kilay ni Thanatos na parang na-offend. "It doesn't seem like you regret it, though?"

"Gago! Nabuntis pa tuloy ako."

He only smirked.

Okay, alam kong ang yabang namin pero we both know it's not the end. He would find a way to us — and we expected it. Hindi naman niyon basta basta igi-give up iyon, lalo na ngayong lantaran ang interes namin sa mga ari-arian niya. It's either he would die for the wealth he could generate from us or we would die claiming and going after nothing — which would not happen. Kami pa ba?

"I want you to stay safe in this whole ordeal, Aleera. You're carrying our baby." bigla ay naging seryoso siya.

"I know."

Once they got the island, ready na ang mga papeles para payagan sila ng ahensiya na legal na mag-operate. Mas papalaguin at papagtibayin ang agrikultura sa dalawang magkatabing isla. May projected profit na nga iyon for the next 10 years. Ganon ka-advanced mag-isip si Thanatos.

Business-wise, we are trained to plan ahead. Pero ang relasyon namin, hindi man lang namin mapag-usapan. Bigla ay nakaramdam ako ng pait. Aaminin ko, natatakot ako. Ayokong pakinggan ang magiging sagot niya. Sa lahat ng bagay, sa kaniya lang ako hindi sigurado.

Oo, may mansion siyang ipinatayo para sa magiging asawa niya. Pero umepal lang naman ako bigla dahil kailangan niya. Paano kapag nakahanap na siya ng tunay niyang gustong asawahin? Yung hindi dahil may motibong pang-negosyo. Yung tunay lang na mahal at pinili niya.

Bigla ay gusto kong suminghot kahit hindi ako umiiyak. Ang lungkot.

Kapit ka lang, baby ha. Ikaw lang din ang kinakapitan ko sa ngayon.

---x---

author's tots: thank you for the people who added this story to their reading lists! Keep on voting and leave comments to be included in my dedication list :) lab u all!

The Perfect TandemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon