Kabanata 17

7.3K 157 20
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng tyan ko sa gutom. At para akong may heartburn.

Tumayo ako at nahilo. "Aray, ansakit..."

May nakain ba 'ko? Di naman ako nagpaulan? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

Bigla ay may naramdaman ako sa tiyan ko. Mabilis akong tumakbo papuntang CR at naduwal.

Suminghap ako. Namasa ang mata ko sa sakit ng pagduwal.

Nag-istay akong nakaupo sa harap ng bowl hanggang sa makalma. Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinunasan ko ang mukha at bibig ko habang nakatingin sa repleksyon ko. Gulo-gulo ang buhok ko at malamlam ang mga mata ko. Sinara ko ang gripo pagkatapos.

Bakit ako dumuwal?

Lumikot ang mata ko at inisip ang lahat ng posibidad. Di pa ako dinatnan!

Bigla ay kinabahan ako. Baka late lang? Baka... Pero pano kung... ? I bit my lip. Kinakabahan na talaga ako.

Agad kong di-nial ang numero ni Shani. "Shani, asan ka?"

"On the way, ikaw?" rinig ko pa ang tunog ng tren.

"Shani, pwedeng dumaan ka muna sa apartment ko?" I said as I quickly tapped the table beside me.

"Bakit? Teka, nakalagpas na 'ko ng station. Saka nauuna ka sakin lagi ah? Naka-leave ka ba uli—

"Shani! Shani, makinig ka. Daan ka muna please." I bit my lip.

"Feeling ko buntis ako..."

~•~

Si Shani ang bumili ng pregnancy kit. Tatlo at iba-ibang brand ang binili niya. Para sigurado kami.

"Ang mamahal pala! Oh, i-try mo." inabot niya. Ako naman ay nanginginig na kinuha ang mga iyon. Uminom ako ng maraming tubig bago siya makarating.

I peed on the sticks and waited for them. Hindi ko muna tinignan habang naghihintay. Mabibigat ang hininga ko.

My mind is in chaos.

Kung buntis ako, paano ko sasabihin kay Thanatos?

Paano kung lalaking walang ama ang bata? Paano kung hindi niya tanggapin? Handa na ba akong magpalaki ng bata? Am I gonna be a good mother?

Paano kung wala lang? At di naman ako buntis?

My thoughts are destructing me. Naramdaman kong tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

I mustered my strength and lifted all the pregnancy tests.

Napahawak ako sa bibig ko. The door opened and Shani saw me.

"I-I'm pregnant." Maluha-luha kong saad.

Nanlaki ang mga mata niya at tinignan kung totoo nga. She checked all three and they were all positive!

"Hindi man lang kayo gumamit ng condom?!"

"Sa pagkaalala ko, hindi eh."

"Ano ba 'yan! Bilyonaryo si Thanatos tapos ni condom hindi magawang bumili?! Daig pa siya ng mga kabataang tambay diyan sa kanto eh," pagtalak ni Shani.

"Myghad, Shani... oh my God..." hindi pa rin ako makapaniwala.

She looks like she's gonna cry dahil di niya alam kung paano ako pakalmahin. "Okay, okay.. breathe. I know you're in shock."

"I am taking pills naman as you suggested. I.. I don't know..." naghabol ako ng hininga.

"Nagchukchakan kayo syempre, alangan cupcake ang mabuo?! Pero don't worry, he can't call you irresponsible. Boss ko 'yon pero sasampalin ko yan talaga pag minaltrato ka!" galit na anas niya.

The Perfect TandemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon