Sobrang nag-enjoy ako sa two-day leave ko!
Nag-swimming kami at kumain sa waterfall restaurant. Kunwari di ko sinisilip 'yung katawan ni Thanatos pag nagsiswimming.
Tapos pasimpleng landi pa siya lagi. Buti nga di kami nahahalata. Laging nakadikit! Ang dami kasing foreigner minsan na nag-aaproach. Minsan kinakausap ko rin para lalo siyang maasar.
Kinwento ko kay Shani. Tawang-tawa siya. Nagtanong kasi bakit daw absent ang boss namin. Tapos halata naman daw na sumama sa'kin.
"Gurl, napakaseloso naman ng hubby mo!"
Inirapan ko. I don't want to welcome that idea. Magseselos lang 'yun kung may feelings siya sa'kin. Eh wala naman. Ako din wala.
We're just really a great tandem that's why we stick together. Compatible pero not necessarily a couple. Kaya siguro sa lahat ng babae ay ako ang inaya.
I wonder, kung 'yung babaeng mahal niya talaga, paano niya tatratuhin?
Medyo mapait sa lalamunan. Siguro sobrang swerte niya.
"Pero girl, dapat lagi kayong umaalis! Hayahay ang buhay namin for two days e!"
Napailing na lang ako.
~•~
Pumunta ako sa stockroom ng kompanya. I'm always amazed with it. Lahat ng stack of papers ay dito nakalagay. It's like a one big file room. Syempre, self service dito. Ikaw maghahanap kung may hahanapin ka. Tapos may ilang photocopy at printer machines din. Noong unang kong beses dito, medyo bano ako eh.
We have a meeting at 10 AM and it's 9 AM already. Magpiprint lang ako ng reports. Anim na copy kahit tatlo lang ang ka-meeting ni Sir Thanatos.
I was about to clip one stack of paper nang mahulog at magkalat ang mga papel. Jusko! Buti na lang may numbering!
Nagulat siya nang may ibang pumulot ng mga papel. Nagkatinginan kami. He smiled and his dimple showed! Nawala din ang mga mata nito sa pagngiti nito.
"Uh.. salamat." tanging nasabi ko lang. Nakain ang dila, teh?
Tumayo kami at inabot nya ang mga papel. "No problem."
"Empleyado ka dito?" tanong nito saken. Wait, he isn't an employee? Bakit di niya ako kilala?
"Uh.. oo." Bakit ang mahiyain ko ngayon?
"I'm Bernard." he extended his hand and smiled. Nakakahawa naman ang ngiti nito. Di katulad nang iba na bugnutin. Ay! Bat may pag-compare? I hate my thoughts!
I received his hand and shook it. "Aleera."
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. How come he doesn't know me? May ID naman ito ng kumpanya.
"Just... printing some copies of report." I checked my watch.
"Ah. Lagay mo na dito." Tinulak niya ang pushcart na may laman ding matataas na stack ng papers. "Saan ka ba?"
"Sa office ng CEO." nilagay ko na doon. Mukha naman siyang harmless.
Nagsimula kaming maglakad. Sinilip ko siya. Taga-dito ba talaga ito? "What's your job?"
"Ah. Utusan lang ako dito." he smiled. He reminded me of a basketball player na very charming. "Pero temporary lang." habol niya.
"Ay, teka. Baka kailangan ka na sa pupuntahan mo." tukoy ko sa mga dala dala niya.
"Hindi na. Unahin muna kita." I just nodded. "Naiistress ka ba dito? Ako, ilang araw pa lang, naiistress na 'ko eh. Ang dami palang ginagawa! Buti na lang hindi ito 'yung tunay na work ko. Kung di ko lang talaga kailangan..." umiling pa siya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Tandem
RomanceAleera Natividad takes pride in being an efficient secretary of the one of the biggest CEO in the country. She's always one step ahead, which is something you should possess if you're working with a meticulous and ruthless boss. Apparently, she didn...