Mia's POV
Sakto lang yung oras ng gising ko ngayon kasi pagdating ko sa terminal ng jeep wala pa sakay. Gusto ko yung ganito kasi nakakapamili ako ng pwesto, kayo din no?aminin! Hahaha
Mabilis lang din naman mapuno tong jeep kasi madaming studyante lalo na kapag umaga.
Alam nyo ba, ako yung tipo ng tao na hindi aalis ng bahay na walang suot or dalang earphones. Music is life para sa akin lalo na pag nasa byahe, nakakatanggal ng boredom tsaka nakakagoodvibes.
Nasa pangatlong kanta na ko ng magsimulang magsakayan yung mga pasahero, mostly studyante din gaya ko.
'Luh' nasabi ko sa isip ko.
Kasabay ko na naman kasi yung taga CEAT na nakakitang tumatawa ako magisa. So ibig sabihin taga dito lang din sya around sa amin at may pag-asang makasabay ko sya any day -_-
Hindi naman ako impokrita para hindi magwapuhan sa kanya kaso kasi nagsusumigaw sa itsura nya yung
'SIGE TINGIN KA?BAKA GUSTO MONG TUSUKIN KO YANG MATA MO'
Ewan ko ha kung judger lang ako pero yun first impression ko sa kanya eh. Iniwas ko na agad tingin ko sa kanya baka mamaya,kunutan na naman nya ko ng noo mabad vibes pa ko.
Gusto ko sana matulog kaso di naman ako inaantok. Itetext ko nalang si mika para may kachikahan ako habang nasa byahe.
Me: bebs annyeong! Nasa jeep na ko, san na you?
Mika: haluu bebs. Nasa bahay pa pero nakabihis na ko magbreakfast lang saglit.
Me: sana all nakakapagbreakfast pa :(
Mika: bat kasi ayaw mo pa magdorm? Ang layo lagi ng byahe mo papuntang school eh.
Me: bebs ngayon pa ba? Kung kelan 2 years na kong nagbabyahe.
Mika: Di ka tuloy nataba kakabyahe mo. Dalhan kita sandwich, loves kita eh.
Me: sige nga pls. Btw kasabay ko ulit yung taga CEAT
Mika: halaaaaa! Di kaya destiny kayo? <3
Me: wtf bebs, destiny my ass. Taga dito din yata sya around samin.
Nagitla ako ng may pakonting tumapak ng unahan ng sapatos ko. Pag tingin ko si kuyang taga CEAT, nakakunot na naman noo nya sakin. Problema neto??
Tinuturo nya ko, the eff. Ano ba ginawa ko? Tinanggal ko na earphones ko para kausapin sya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Yung flashlight ng cellphone mo, nakatutok sa mukha ko" kunot noong sagot nya.
SHUTA TALAGA TONG CELLPHONE NA TO. LAGI NALANG NAO-ON YUNG FLASHLIGHT, NAKAKAHIYA.
Pinatay ko naman agad yung flashlight huhuhu
"Sorry and thank you" yun nalang ang nasabi ko tinignan at tinanguan nya lang ako.
Lagi nangyayari to sakin, yung nago-on yung flashlight tapos magugulat nalang ako magrereklamo na yung nasa tapat ko. Samsung na keypad kasi tong pangtext ko, di ko nilalabas sa byahe yung touchscreen pero dun ako nagpapatugtog. Iwas holdap lang ba.
Mas mabilis ang byahe ngayo kumpara nung unang dalawang araw, sana mas bumilis pa kasi nahihiya pa din ako kay kuya dun sa nangyari. Winiwish ko nalang na sana wala na kaming susunod na encounter.
~
Mabilis na lumipas yung panahon. Nasurvive naman namin ang first sem at eto kami ngayon online enrollment na naman.
Banas talaga ko dito sa online enrollment kasi laging naghahang tapos yung mga subjects na naadd mo na mawawala bigla uulit na naman sa umpisa. Uggghhh!
"Bebs, yung history class sa CEAT nalang kunin natin kasi wala na sa CIH eh. Mabait daw mga prof dun" sabi ni Mika na nasa kabilang linya. Ganito routine namin kapag online enrollment para sure na magiging magkaklase kami.
"Sge bebs, anong araw ba pwede natin lagyan para makahanap ako"
"Yung monday bebs pwede 4:00-5:30 siguro okay na yun, basta hapon kasi tatlo na subject natin nun sa buong maghapon"
Agad naman akong naghanap ng pwede namin makuha. Daming pagpipilian kaso hindi swak dun sa binigay ni mika kaya naghahanap pa din ako.
At sa pagtyatyaga may nahanap din ako sa wakas, kokonti nalang slot nito kaya dapat maadd namin agad.
"Bebs meron ako nahanap, CEH215 yung code. Monday - Wednesday 4:00-5:30, eto nalang baka maubusan pa tayo slot eh"
"Sigesige yan nalang, add ko na. Send ko na din kanila alyssa"
"Okay sige. Antayin ko nalang din maadd to tapos proceed ko na sa enrollment"
Napakahirap talaga magayos ng subjects online, ubusan tapos dagdag pa yung mabagal na server at minsan pati internet sumasabay. Buti natapos na din kami ni mika, sana pati mga kaibigan ko tapos na din.
Hayssss.
Ayy shet oo nga pala, nakalimutan ko na magkwento ng tungkol sa first sem. Sorry, so eto na nga.
Alam nyo ba naging schedule na yung pagkakasabay namin ni Nathaniel sa pagpasok every Monday and Wednesday.
'Sino si Nathaniel?' for sure tanong nyo yan ngayon.
Si Nathaniel yung taga CEAT na masungit. Yung natutukan ko ng flashlight sa jeep.
'Pano mo nalaman pangalan nya?' ayan nahihiwagaan kayo jan, ako din promise!
Syempre sino pa ba si Mika ang kasagutan hahaha sabi ko nga sa inyo walang nakakalampas na gwapo sa babaeng yon. Sinuyod nya talaga yung univ page namin para dun.
Facts about Nathaniel: (based on my bebs stalking skills)
Nathaniel Vargas
5th year Architecture student
Varsity ng CEAT sa basketball
May kapatid na batang lalake at Jonathan ang pangalanOh ha! Amazed kayo no?? Dapat yata bigyan ng award si Mika na "Best campus stalker 2013" sa sobrang galing nya HAHAHA
So ayun, nakasabay ko si Nathaniel buong sem mon-wed. Pumapalya lang kapag nalelate ako ng gising. Medyo immune na ko sa seryoso nyang mukha at hindi ko na din sya natutukan ulit ng flashlight, Thank God!
Isa pang major ganap nung first sem eh yung pagaayos namin ng papers for OJT. Hindi lang sya bastang OJT kasi sa US sya!! Yuhoooo!
Sobrang excited na nga kami nila Mika eh, magandang opportunity din kasi to para matutong maging independent para pag gumraduate hasado na. Pero after ng 2nd sem pa naman alis namin, madami pa ding mga papers na kailangan ayusin at subjects na kailangan ipasa.
Yun lang naman ang major happenings sa buhay ko nung first sem.
Eh sa second sem kaya?
//Author's Note\\
Sorry guys, mahaba ata masyado. 2nd time ko palang magsulat kaya kinakapa ko pa.
Sana magleave kayo ng comment/s para alam ko din ano yung mga need ko pang iimprove.
And Hopefully magustuhan nyo yung kwento hanggang sa matapos ko to.Thank you!

BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Teen FictionMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...