CHAPTER FIFTEEN

12 3 0
                                    

Nathaniel's POV

Sobrang bilis lumipas ng araw mula nung isabay ko sa pag-uwi si Mia. Huling paguusap namin yung sa history class, hindi naman ako makapagchat kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Napagusapan na din kasi namin during history class na sa Saturday sa bahay kami gagawa ng movie review, home work ulit.

Friday ngayon at birthday ng isa naming kaibigan. Magpapainom daw sya sa Melos mamayang gabi. Sasama ako pero di ako iinom ng sobra.

"Nate nakita mo na ba yung picture nyo ni Sandra sa page ng Univ Crushes?" tanong sakin ni Bryle

Hindi na bago sakin yun, lagi kaming may ganung issue. Matagal na kaming magkaibigan ni Sandra, pamangkin sya ng Coach namin sa Basketball kaya naging kaclose namin nila Bryle. Accountancy student kasing year din namin.

"Hayaan mo na sila, mga wala lang magawa yan sa buhay nila" bored kong sagot

Kasalukuyan naming inaantay yung iba pa naming friends atsaka yung birthday boy.

"Sabagay. Madami na ding post na ganto tungkol sa inyo eh. Nga pala sasama daw sya mamaya, susunduin nalang daw sya ni Coach pag-uwian na" sabi ni Bryle

Okay naman sakin si Sandra, comfortable nga akong kasama sya. Kaya siguro na-iissue kaming dalawa kasi sikat sya sa univ. Varsity player kasi ng volleyball di lang sa college nila kundi pati ng buong university mismo.

After mga 15mins natapos na din yung klase ng iba naming kaibigan. Inaantay nalang namin si Sandra para makapag dinner muna kami.

"Nagtext si Sandra susunod nalang daw sya sa yellow cab" sabi ng isa naming kaibigan

After namin kumain, ready to go na kasi kumpleto na din kami. Pagdating namin sa Melos medyo madami ng tao pero buti nalang madalas yung Birthday boy dito kaya nakapagpareserve sya ng lamesa para samin. Sa labas kami lagi umuupo may mga nagyoyosi kasi sa kanila eh, di naman mapagsabihan.

Nagulat ako ng makita ko si Mika, nagkatinginan pa kami tapos ngumiti lang ako. Kung nandito sya ibig sabihin nandito din si Mia pero wala sya sa table nila eh o baka hindi talaga sya sumama.

"Nate dito ka na" aya sakin ni Sandra

Naupo naman ako sa tabi nya. Nagkekwentuhan kami ng makita ko si Mia palabas ng Melos.

Nandito nga sya.

"Nakikinig ka ba Nate?" tanong ni Sandra kaya napaiwas ako ng tingin kay Mia

"Yeah sorry. Go ahead" sagot ko sa kanya

~

Mia's POV

"Bebs kasama ni Nate yung babae" bulong ni Mika sa tabi ko

"Oo nga eh, maganda nga pero mas maganda ko" pabiro kong sagot sa kanya

"NaBBH ka ba? Yung totoo?" tanong nya sakin

"Oo, konti haha crush lang naman yun. Pero normal naman 'to maski nga ma-pair lang yung korean actor sa iba nagseselos ako" pagpapaliwanag ko

"Wag mo nalang silang tignan" suggest nya

"Yep yep, thanks bebsy" sabi ko sabay akap sa kanya

Nag-kekwentuhan lang kami ng mga nangyaring katatawanan samin. Good distraction naman to kesa sa tumitig ako kay Nate at dun sa babae. Napansin ko kanina pa papansin yung nasa tapat namin na table.

"Bebs kanina pa tingin ng tingin kay Sophia yung isa sa nasa tapat natin na mesa" sabi ko kay Mika

"Oo nga eh, pano ba naman puro lalaki. Nasexyhan siguro kay Sophia"

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon