Mia's POVWednesday na ngayon at ibig sabihin wash day namin. For sure pabonggahan na naman ng OOTD kasi kakastart lang ng klase eh HAHAHA
Sa tropahan namin ang pinakafashionista eh si Jel, Sophia at Apple. I opted for a skinny jeans and medyo hanging blouse pero yung hindi naman kita ang pusod baka masita ako.
Nagtext sakin ang mga kaibigan ko kanina na papasok na daw sila. Routine na ata ng magkakaibigan yun na magupdate sa isa't isa. Ako ang pinakamalayong bahay kaya dapat lagi ako mas maaga umaalis which is kinatatamaran ko dahil hobby ko talaga ang matulog. Kaya madalas sa jeep tulog lang din ako.
At may klase na naman pala kami mamaya sa History. In short makikita ko na naman at makakatabi si Nathaniel at for sure kakabahan na naman ako.
~
At eto na nga mabilis na lumipas yung oras hanggang sa maglast class na kami. Sana sa klase na to bumilis din ang oras. Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko inaayos ko yung index card na pinagawa ng prof namin. Bale may picture na 1x1 tapos yung format na binigay ni Sir Sergio.
Nagdidikit ako ng picture ko ng mapansin kong nasa tabi ko na si Nathaniel. Naging aware lang ako sa presence nya kinabahan na ko. Di ko alam kung dahil ba sa masungit sya o may iba pa na di ko malaman kaya ko kabado
"Mia"
Di ko man nakita kung sinong tumawag sakin alam ko ng sya agad yun. Malamang din kasi katabi ko lang naman sya HAHAHA
"Uyy, bakit?" cool kong sagot sa kanya kahit sa totoo lang eh gusto ko nalang maging si invisible girl para di nya ko makita
"Pwedeng makahingi ng glue? Di ko pa kasi nadidikit yung 1x1 ko"
"Sige. Eto oh" sabi ko sabay abot nung glue
Agad din naman nyang binalik sabay pa thank you.
Saktong pasok din ni Sir Sergio. Sinimulan na nyang hingin yung mga index card at nagdiscuss. May mangilan ngilan syang tinawag for recitation pero okay naman. Hindi naman sya ganun kahigpit. Next meeting na daw sya magbibigay ng homework. Nagbigay din sya ng mga kailangan basahin for next week's class. At dun na natapos ang klase namin.Nakasakay na sa jeep sina Mika pauwi. Ako eto nagaabang pa, medyo padilim na din pero safe naman dito sa tapat ng school kaya no probs.
Nageenjoy akong makinig sa music habang nagaabang ng makita ko si Nathaniel. Napadasal agad ako na may dumating ng jeep at hindi nya ko makita.
Sakto!!
Medyo umaayon naman sakin ang pagkakataon kasi meron na. Lumakad ako at sinalubong yung jeep. Sumakay talaga agad ako. Hindi ko na napansin na puro lalaki palang pala yung sakay, kakabyahe lang siguro ni Manong.
Medyo di ako kumportable, kasi feeling ko may nakatitig sakin. Pinakalma ko lang sarili ko. For sure naman may sasakay pa mamaya kaya di ko kailangan magalala.
Kaso lang napansin ko palampas na sa school wala pa ding sumasakay. Nawrong move ba ko? Shit naman.
Buti biglang huminto yung jeep at Thanks God nalang ang nasabi ko sa isip ko kasabay ng malalim na buntong hininga. Kahit pa si Nathaniel na iniiwasan ko at mga kaibigan nya ang sumakay, Thanks God pa din.
Napansin naman nya agad ako pero nauuna kasi yung kaibigan nya kaya dun sila sa side nung mga lalaki umupo. Okay na ko kasi kahit papano may taga school din namin na nakasakay. Pinatay ko na muna yung tugtog sa earphones ko para aware ako sa ganap kasi wala talaga ko tiwala sa tatlong lalaking kasakay namin.
Nagulat ako nung lumipat yung isang lalaki sa tabi ko.
Ano ba gusto ng hayup na to? Di naman siguro manghoholdap to no di pa naman ganun kadilim eh. Tsaka wala naman sya makukuha sakin. Ang ginawa ko eh sa kabilang side nalang ako bumaling ng tingin.
"Suplada tong chix pre" sabi nung lalaki sa tabi ko, iniisip nya siguro may tugtog yung earphones ko at di ko sya narinig.
Kinabahan ako kasi nakita ko ding ngumisi yung dalawa pang kasama nung lalaking nagsalita. Kaso naagaw ng atensyon ko yung paglipat ni Nathaniel sa tabi ko.
"Mia" mahinang tawag nya sa pangalan ko na may kasamang pag tusok sa kamay ko
Tinanggal ko yung isa kong earphones para kausapin sya.
"Okay ka lang ba?" malumanay na tanong nya sakin
"Hmm okay naman" pagsisinungaling ko kasi ayoko naman makaabala pa sa kanya. At isa pa hindi naman talaga kami close
"Lika usog tayo dito sa side ko" sabi nya sabay hila sa kamay ko at saka kami umusog
"Thank you" medyo awkward pero sincere na sabi ko. Ngumiti din ako syempre. Agad din naman nyang binitawan ang kamay ko
"Sa susunod bago ka sumakay tignan mo muna yung mga pasahero at kung tingin mo safe ka saka ka lang sumakay. Buti nalang nakita kita kaya pinara ko agad tong jeep" nakatitig nyang sabi sa akin
"Sorry. Nagmamadali na din kasi akong makauwi"
Di ko alam bat ako nagsorry. Para namang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Pero baka hmmm tama ba to?
BAKA KASI ANG SWEET NG SINABI AT PAGKAKASABI NYA??????
BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Fiksi RemajaMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...