CHAPTER SEVENTEEN

17 7 0
                                    


Nathaniel's POV

Pagsakay namin ng jeep wala pa masyadong pasahero. Buti nalang talaga. Sobrang clingy nya kasi ganito siguro sya kapag lasing.

Nakahilig kasi sya sa balikat ko tapos medyo inaamoy yung leeg ko. Medyo tumataas ang balahibo ko sa ginagawa nya, buti nalang nasa jeep kami.

"Nathaniel" tawag nya sakin

"Bakit?nasusuka ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi, gusto ko lang tawagin ang pangalan mo hehe" sabi nya ng nakangiti pero nakapikit

Ako din naman gustong gusto ko na tinatawag ang pangalan nya. Kahit sobrang ikli lang nun gusto ko pa din

"Nathaniel" tawag nya ulit

"Hmm?" simple kong sagot

"Nathaniel"

"Nathaniel"

"Nathaniel, bakit di ka sumasagot?" tanong nya na parang naiinis

"Sabi mo kasi gusto mo lang tawagin ang pangalan ko" pagdadahilan ko

"Oo pero dapat sasagot ka pa din" sagot naman nya

"Nathaniel" tawag nya ulit sakin

"Hmmm?"

"Ang bango mo hehehe"

Sinisinghot nya na naman kasi yung leeg ko. Nakakahiya sa mga nasa jeep, jusku.

"Mia stop doing that" saway ko sa kanya

"What? Inaamoy lang naman kita ah. Is that a bad thing?" pagdadahilan nya naman

"It's just uncomfortable" oo, hindi talaga kumportable. Nananayo balahibo ko sa ginagawa nya eh.

"Ohhh. Talagaaaaa? Bakit? Kasi hindi ako yung girlfriend mo? Kaya siguro no?"

"Wala nga akong girlfriend eh"

"Sinungaling. Wala daw, eh halos magdikit na yung mukha nyo nung magandang babae. Ano ngang pangalan nya, sarah? Shara? Ahh ewan, basta yun"

Di ko alam kung ba't ako natutuwa pero para kasing may pagseselos sa sinabi nya

"Sus. Matangkad lang naman yon pero mas maganda pa din ako. Tsaka marunong din naman ako magVolleyball eh, di nga lang ako player hehe"

Nakapikit yan ha pero napakadaldal pa din. Nakahilig pa din sya sa balikat ko, medyo nakakangawit pero kaya naman. Mas hindi ko yata kaya yung pag-singhot nya sa may bandang leeg ko.

"Nathaniel" tawag nya sakin

"Hmm?"

"Penge candy"

Agad naman akong kumuha tapos binalatan ko muna bago isubo sa kanya kasi nakanganga na sya. Pinagtitinginan na nga kami. Para kasi kong may alagang bata.

"Mia nahihilo ka pa ba?" tanong ko pero tumango lang sya bilang sagot

"Matulog ka nalang muna para mabawasan yung hilo mo. Mamaya na tayo magusap" utos ko sa kanya

"Okay. Pero" sagot nya

"Ano?" tanong ko naman

"Kiss mo muna ko"

Huh??? Di ko narinig kasi may kain syang candy tapos pabulong pa pagkakasabi nya.

"Ha?anong sabi mo?" tanong ko

"Ayy di mo nga pala ako girlfriend kaya di pwede no?" sabi nya "okay matutulog na lang ako"

Nakatulog nga kasi bigla syang tumahimik. Hindi na din nya inaamoy yung leeg ko.

Hindi ko alam kung bakit pero hinalikan ko sya sa may ulo. Ngayon pa lang ata tumatama yung ininom ko kanina.

Hanggang sa hindi ko namalayan pati ako nakatulog na din. Buti wala pa kami sa bababaan namin. Si Mia naman tulog pa din. May naiba lang sa pwesto namin.

Magkahawak na kami ng kamay. Inobserbahan ko lang yung kamay nya. Maliit kumpara sa kamay ko syempre pero malambot. Walang nail polish pero maganda yung pagkakagupit ng kuko. Maganda din kamay nya kasi mahahaba yung daliri.

Sa sobrang bored ko, nilaro ko lang yung mga daliri nya. Dahilan para maalimpungatan sya. Saka na naman nya sininghot yung leeg ko. Kinilabutan na naman tuloy ako.

"Mia gising ka na, malapit na tayo bumaba"

"Hmmm"

Sobra siguro yung hilo nya kasi umalis sya sa pagkakahilig pero nakapikit pa din sya. Baka pagbaba masuka na 'to.

"Manong para po"

"Mia tara, hawak ka sa kamay ko"

Sumunod naman sya tsaka medyo nakadilat na yung mata nya.

"wait lang" angil nya

"Bakit?nasusuka ka?" agad kong tanong

Yan kasi iinom iinom ng madami. Tsk!!

"Nahihilo ako, gumagalaw buong paligid"

Ohh boy. Malalang headache yan bukas. Postpone ko kaya muna yung paggawa namin ng movie review.

"Pasan ka nalang sa likod ko Mia"

"Okay"

Pumwesto ako sa harap nya tsaka lumuhod. Pagsakay nya sa likod ko unti unti ako tumayo.

Wow, mabigat sya. Sabagay malakas kasi sya kumain eh. Kaya naman sana hanggang sa terminal umabot.

Kaso ang hindi ko kaya eh yung pag-amoy nya na naman ng leeg ko.

"Nathaniel"

"Ang bango mo hehehe"

Siniksik nya naman lalo yung mukha nya sa leeg ko. Nararamdaman ko na yung hininga nya. Buti nalang hindi ako masyado uminom kanina, kasi kung nagkataon iba na mararamdaman ko. Lalaki pa din naman ako kahit wala akong girlfriend.

Pagdating namin sa terminal sakto may tricycle na.
Pagsakay namin buti sinabi ni Mia kung san yung kanila. Humilig na naman sya sa balikat ko.

"Nathaniel"

"Yes?"

"Wala, nevermind."

Akala ko may kasunod pa pero di na sya nagsalita. Hanggang sa makababa kami, pinag-antay ko na si kuyang driver. Pumayag naman sya kasi wala na din daw pasahero

Nakaalalay lang ako sa likod ni Mia habang hinahanap nya yung susi. Nahanap nya naman mga after halos 3 minutong paghahalungkat. Sumama ako hanggang sa loob kasi baka di nya kayang susian yung pinto nila.

Nakaya nya naman medyo matagal nga lang.

"Nathaniel thank you sa paghatid sakin tsaka sa lahat" sabi nya habang nakatingin na sakin

"Wala yun, sige na pumasok ka na sa loob. Wag mo," naputol yung sasabihin ko

Pano ba naman hinalikan nya ko sa pisngi.

"Hehehe"

Medyo napatanga pa ko sa ginawa nya pero nakabawi din agad. Buti nalang nahihilo sya kung hindi makikita nyang namumula ako.

"Wag mo kakalimutang ilock yung pinto. Sige na. Goodnight Mia"

"Goodnight Nathaniel"

"Sige na pumasok ka na, aalis ako kapag nailock mo na yung pinto"

Pumasok naman agad sya at nilock yung screen at pinto. Saka na ako umalis.

Maalala nya kaya paggising nya yung mga nangyari kanina?

Yung pagsinghot nya sa leeg ko, paghilig nya sa balikat ko at paghalik nya sa pisngi ko?

Kasi ako sa ngayon, yung ginawa nya at sya lang ang laman ng isip ko.

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon