Nathaniel's POVAlam ko mali ako.
Mali yung pagkakachat ko kay Mia tungkol dun sa nakitan ko sa simbahan.
Nakalimutan ko kasi maglagay ng "HAHAHA" or gumamit ng emoji man lang. Hindi naman ako gumagamit nun kasi nga hindi naman ako nakikipagchat. Sa GC lang namin nila Bryle ako nagrereply.
Ayoko namang magpaturo kanila Bryle. Mamaya isipin nila may pinopormahan ako. Tsaka madaldal ang mga yun, pagkakatuwaan lang nila ako.
Nagwawarm up na kami ngayon for training. Basketball player kami nila Bryle ng CEAT. Last year na namin to kaya hindi pwedeng di kami maglaro. Parang get away na din namin to sa dami ng ginagawa since graduating na nga kami.
"Malelate daw si Coach" sabi ng isa naming kateam
Yung nangyari sa classroom kanina nagulat nalang din ako kay Cindy. Hindi ko nagawang hindian eh pano nakakuha na sya. Kahit di ako masyadong close sa mga tao may respeto pa din naman ako lalo na sa mga babae.
Yung cookies na yun para talaga kay Mia, apology gift ko sana tapos saka ko sasabihing mali yung pagkakaintindi nya at kasalanan ko bakit nagkaganun. Medyo maaga na nga kami kaso maaga ding pumasok si Sir Sergio kaya wala na kong time para kausapin si Mia after nung kay Cindy.
Pinabake ko pa naman yun kay Mama. Maaga sya gumising para makaabot sa maaga kong pasok tapos ganun lang ang nangyari.
Si Mama housewife lang, si Papa naman nagoopisina at si Jonathan kapatid kong 5years old. Mahilig magbake si Mama gaya ng sabi ni Cindy kanina. Kadalasan yung mga binebake nya orders from friends and families lang.
Nagulat nga sya nung nagrequest ako ng cookies with almonds, hindi naman ako mahilig sa nuts. Nakita ko kasi sa shared posts ni Mia na mahilig sya sa nuts.
Kaya yun.
"Nate! Huy, kanina pa kita kinakausap" sabi ni Bryle
"Ba't ba? May iniisip ako eh, istorbo" inis kong sagot sa kanya
"Anong iniisip mo? O baka naman sinong iniisip mo?," pangaasar nya pero tinignan ko lang sya "Nate, baka mamaya ako pala makatulong sayo kaya sabihin mo na habang wala pa si coach"
Bumuntong hininga muna ko at nagisip isip bago magsimulang magkwento. Hindi ako sanay na magkwento kasi wala din naman ako ikekwento.
Sa limang taon naming magkasama ang madalas naming pagusapan basketball, acads at bagong model ng kotse. Madalas nila akong asarin kay Cindy kasi mula 2nd year kami hindi na sya tumigil sa pag-aming gusto nya ko. Kaya pinapasok din sya minsan nila Bryle sa usapan.
Ngayon palang na ako mismo ang nagpasok ng babae sa usapan. Nakinig naman si Bryle ng maayos, walang side comments pero tumatawa at umiiling sya. After ko magkwento di sya nagsasalita parang may iniisip din.
"Nate. May dala kang kotse di ba?" tanong nya sakin
"Oo bakit? Sasabay ka?" tanong ko naman sa kanya
"Oo pero hindi yun yung gusto ko sabihin. Di ba magkalapit lang kayo nila Mia?," tumango naman ako biglang sagot "eh kung yayain mo kaya syang sumabay sayo?" suhestyon nya naman
Oo nga no? Pero baka nakauwi na sya halos 30minutes na din nakalipas after matapos yung klase namin eh.
"Baka nakauwi na yun, lagi yun nagmamadali makauwi" sagot ko sa kanya
"Nate, itry mo lang wala naman mawawala eh"
Kahit na medyo nag-aalangan, agad ko ding nilabas yung phone ko at nagopen ng data. Hindi sya nakaonline pero sige, itatry ko nalang din.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Teen FictionMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...