CHAPTER ELEVEN

19 4 1
                                    

Mia's POV

Naglalunch na kami ngayon nila Mika. Late lunch na naman 'to dahil nga sunod sunod ang klase namin kanina. Pangdalawang kanin ko na din 'to kasi di ako nakapagbreakfast, well lagi namang hindi pero kasi nalate ako ng gising. Kaya kahit pagbabaon ng biscuit di ko na nagawa.

Pano puyat na naman ako.

*FLASHBACK*

Inoff ko muna na yung wifi ko sa phone para makapag-isip ng isasagot. Actually bad shot na nga yung pagseen ko lang sa message nya kaso nahihiya kasi ako hu-hu.

3rd year college na pero nakita nya ko nang-aasar ng bata tapos sa simbahan pa.

Ewan ko nalang talaga.

After mga 20mins ng pag-iisip isip. Binuksan ko na ulit yung wifi sa phone ko. Bigla naman nagsi-pop up yung mga notiff.

Merong galing kay Mika at sa GC namin. Pero walang galing kay Nathaniel. Pagkaopen ko ng messenger nakita ko na yung huling message nya sakin eh yung nakita nya kong nangbebelat. Nagtype agad ako ng irereply ko.

Mia De Vera:
Sorry late reply, may ginawa lang. Yung tungkol sa simbahan hahaha gawain ko nga yun pero di naman naabot sa point na papaiyakin ko yung bata. Pampawala lang din ng boredom nila habang nasa misa. Alam ko di magandang asal yun lalo na sa simbahan, sorry nakita mo pa.

After mga 5mins nagseen na. Inaabangan ko yung reply pero wala hanggang sa antukin nalang ako.

Baka nabadshot ako sa kanya no?

Baka kasi may kapatid sya na bata or mahilig sya sa bata.

Bawas ganda points na ba yun? Hu-hu.

*End of Flashback*

At yun nga yung nangyari kagabi kaya napuyat ako. Nakwento ko na din to kanila Mika, natatawa sila kasi nakakahiya daw ako. Nasa misa daw tapos ganun ginagawa ko.

Eh ang likot kasi kadalasan ng mga bata sa misa. Kaya inaasar ko para magtigil din at matakot. Hayss.

"Oh sambakol naman mukha mo. Iniisip mo pa din yung kay Nate?" tanong ni Mika

"Nakakabother lang kasi mamaya makakatabi ko sya. Hindi ko alam kung anong mangyayari o magiging reaction nya" sagot ko

"Ano ka ba beb, baka naman hindi sya nagreply kasi akala nya naoffend ka nya. Or baka may ginawa lang din ganun" ani naman ni Jel

"Oo nga beb. Wag mo masyado isipin, may 2hours ka pa naman para maghanda" sabi ni Aly

Hindi ko alam kung pinapayuhan nya ba ko o inaasar.

As usual after namin kumain nasa bilyaran na naman kami. Naglalaro sila habang kami ni Anna at Jel kumakain ng mangga with bagoong. Sarap talaga nito kapag sa hapon.

Hanggang sa naubos na yung 2hours na sinasabi ni Aly para maghanda at eto papunta na nga kami sa classroom. Basta ang payo lang sakin nila Mika 'be natural'. Kung kaya ko lang naman bakit hindi.

Pagpasok namin kabado ako pero buti nalang wala pa si Nathaniel. Magkukunware nalang akong busy hmmm tama babasa nalang ako wattpad.

Habang nagbabasa pucha hindi ko din maintindihan yung binabasa ko. Kinakabahan kasi ako lalo na kapag bumubukas yung pinto hu-hu.

Maya maya bumukas ulit tapos narinig kong may naglalakad papunta sa direksyon ko. Hanggang sa yun na nga umupo na sya sa tabi ko. So awkward naman this feeling.

Sana dumating na si Sir Sergio, Lord Please po.

"Mia" tawag nya sa pangalan ko

"Uyyy Nathaniel" masiglang bati ko.

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon