CHAPTER THREE

29 5 0
                                    

Mia's POV

Today is Monday and first day of school for Second Semester na. Nasa jeep na din ako papunta sa school, nanibago ako bigla hindi ko na kasi katapat si Nathaniel at hindi ko na sya makakasabay sa pagpasok.

'Ayy wow?' sa isip isip ko. Kala mo naman close kami. Pero siguro naman napansin nya din na buong sem kami nagkasabay noon, naisip nya din kaya ko kanina pag sakay nya sa jeep papasok? Or kung di pa sya pumapasok maninibago din kaya sya mamaya pag sakay nya sa jeep na hindi ako ang katapat nya?

Napailing nalang ako. Kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko, echoserang utak to hahaha

As usual excited na naman si mika mas less lang ngayon kasi same faces pa din naman ang matatanaw nya for sure. Speaking of the devil, tumatawag na sya.

"Hello bebs" bati ko sa kanya

"Annyeong, asan ka na? Otw na ko"

"Otw na din ako, baluga bat ang aga mo na naman? Isang oras pa byahe ko tapos pagdating mong school pagmamadaliin mo ko" angil ko sa kanya habang nakasimangot

"Hehehe sowee na. Lam mo naman ang tradisyon ko tuwing first day. Ayy oo nga pala, kasabay mo si Nate?" tanong nya sa akin. Kala mo naman close sila talagang may panickname pa sya

"Hindi nga eh, hinanap ko din sya kanina sa jeep pagsakay ko. Inaabangan ko din na baka sumakay sya kaso waley talaga. Baka di na pang umaga sched nya"

"Nakuu yan sinasabi ko sayo eh, di ka pa kasi nagpacute nung nagkakasabay kayo. Sinayang mo pagkakataon" for sure lukot ang mukha nya habang sinasabi yun sa akin.

Push na push ba naman kasi sya na harutin ko si nathaniel eh parang tigre ang isang yon. Tsaka hello, pano ko sya lalandiin sa jeep? At hindi ko pa yun natatry ever at ayoko din. Over my sexy and yummylicious body, chos!

"Yan ka na naman sa kaharutan mo. Mamaya ka na nga manermon, iidlip muna ko sa byahe"

"Okeehh, ingats! See you laters. Ayu!"

Ayu means iloveyou, nakasanayan na namin sa tropahan. Masyado daw sweet at cringey ang ily para sa magtotropa. Hahaha!

Osya, iidlip muna ko guys ha.

~

Pasalamat talaga ko kasi ginising ako ng katabi ko, student din sa university na pinapasukan ko. At eto naglalakad na ko papunta sa pwesto nila mika.

"Hi mga bb's" bati ko sa kanila na may kasamang hug at beso.

Kumpleto na, madami kami sa tropahan kaya babanggitin ko nalang mga pangalan nila. Syempre si Mika, Alyssa, Jel, Anna, Sophia, Khei, Apple at Bondy. Si Bondy lang ang nagiisang lalake sa amin. Lahat din syempre tourism student gaya ko.

Magsisimula na naman kaming magutuan.

Same as usual parin ang kalakaran, yung three subjects namin puro syllabus discussion lang. Late lunch na din kami kasi 1:30pm na.

Pwede na din kasi 4pm pa naman ang last class namin. Kaso kami nila Mika, Aly, Jel, Sophia at Anna lang ang nakakuha ng slot para sa history class na 4:00pm. Nagkaubusan na kasi kaya walang choice sina bondy kundi humanap ng ibang sched.

Kumain kami sa favorite kainan namin, sa tapat lang din ng university. Mura at lutong bahay talaga. May aircon at free sabaw, san ka pa di ba!Hahaha

After namin maglunch tambay muna sa bilyaran pampalipas ng oras. Eto naman yung time na pwede ako magbasa ng wattpad <3

Dito lang kami tumambay hanggang sa nagkayayaan ng pumasok ng univ since medyo mahabang lakaran pa papunta sa CEAT building.

Habang naglalakad kami, naaasiwa ako kasi may tumitingin sakin na para bang first time lang nila makakita ng tao.

"Bebs, may dumi ba ko sa mukha?" tanong ko sa kanya

"Wala kang dumi sa mukha, sadyang nagmukha ka lang tao kasi inayusan kita. Bebs 3rd year na tayo at tourism student pa. Try mo naman magayos ayos kahit papano, di porket maganda ka kahit wala make up eh hanggang dun ka nalang" sagot nyang may kasamang litanya

Hindi kasi ako mahilig magayos eh. Sa tagal ba naman ng byahe ko from bahay to university, mas gugustuhin ko nalang itulog pa ang 30minutes kesa ilaan sa pagaayos ng mukha. Okay na ko sa gandang liptint at pulbo.

"Hayaan nyo na nga si Mia, dun sya kumportable eh" pagtatanggol naman sa akin ni Sophia

"Sige ipagtanggol mo yang tropa mo, kaya di magkajowa eh" sagot naman ni Mika na ikinatawa naman nila

"Hoy, pasmado bibig mo ha! Bakit may jowa ka ba?wala din naman ah" binelatan ko din sya para mainis

Ganyan lang kami magasaran pero wala naman napipikon, kadalasan din naman totoo ang sinasabi namin sa isa't isa. Well sa aming mga babae, kami lang ni mika ang walang bf. As if naman basic need ang pagjojowa. Eh sa hindi pa dumarating, ano magagawa di ba guys?

Nahanap na din namin yung room kaso nagkakahiyaan pang pumasok kasi hindi naman namin kacollege ang mga nandito. Kaya minabuti na ni sophia na sya ang maunang pumasok, sumunod naman ako sa kanya.

Wala pa nga masyadong studyante pero halos lahat ng nakaupo mga lalake. Ano nga naman ang aasahan mo sa CEAT kundi mga lalake.

Hala!! Ngayon ko lang narealize, kaya pala gusto ni mika dito!!!! Uggghhh! Sobrang stressed kasi ako nung online enrolment kaya di ko na napansin yung reason nya sa pagsasabing dito nalang kami kumuha ng history class. Nakakaloka!!

"Oyy bebs, sinadya mo to no? Gusto mo sa CEAT kasi alam mong magiging puro lalake kaklase natin" bintang ko, napatingin kaming lahat sa kanya nagaantay ng rebatt. Di sya nakasagot agad halatang nagisip pa ng madadahilan

"Oyy hindi ah, sabi lang sakin nung tropa kong taga CEAT mabait daw prof na napunta sa kanila eh" medyo iwas tinging sagot nya sa akin

"Sus kunware pa mikes, tayo tayo lang to oh" sabat naman ni Jel na syang ikinapula ng tenga ni Mika

"Huli ka balbon, deny pa more" pangaasar ko sa kanya habang tumatawa kaming lima

Naputol yung usapan namin bumukas kasi yung pinto sa likod. Lingon na lingon agad si Mika eh. Di naman ako makalingon kasi baka isipin nung dumating nagaabang talaga kami. Nagulat nalang ako nung nagsalita si Mika

"Bebs kaklase ata natin si Nate"

Iniisip ko palang kung sino yung Nate na sinasabi nya ng dugtungan ni Aly yung sinabi ni Mika ng pabulong

"Yung kasabay mo lagi sa jeep every monday at wednesday. Natutukan mo din sya ng flashlight sa pagkakatanda ko"

WTF. Nahigit ko ata yung hininga ko.

Di ko alam bakit pero kinabahan ako bigla.

//Author's Note\\

Sana nagustuhan nyo tong chapter three :)
Pls, leave comment/s and vote na rin kung nagustuhan nyo. I'd highly appreciate it guys!
Spread love <3

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon