Nathaniel's POV
Habang nagaabang kami ng jeep nila Bryle napansin ko si Mia na nagaabang din sa di kalayuan. Mukha syang nagmamadali sa pag-uwi kasi sinalubong agad nya yung jeep na padating.
Inabangan ko lang makalapit yung jeep para mapara ko, wala naman masama kung makakasabay ko naman sya ng pauwi. Dati kasi laging papasok.
Pagsakay namin nauuna si Bryle pero hindi sya sa tabi ni Mia umupo. Nakakahiya naman kung tatabi ako sa kanya kaya mas pinili kong tumabi kanila Bryle.
Nung una okay naman kaso napansin kong parang hindi sya kumportable, panay din kasi ang titig sa kanya nung mga katabi naming lalake. Hanggang sa bigla nalang lumipat yung isa sa kanila sa tabi ni Mia.
Halatang nagulat pero composed pa din sya, humarap nalang sya sa kabilang side."Suplada tong chix pre" rinig kong sabi nung lalake sa mga kasama nya
Napakuyom ako ng kamao sa narinig ko. Parang bigla ko nalang gustong sapakin silang tatlo pero syempre gulo yun.
Agad akong lumipat sa tabi ni Mia.
"Mia" tawag ko sa pangalan nya tinusok ko din bahagya ang kamay nya kasi nakaearphones sya baka di nya marinig. Tinanggal naman agad nya yung isang earphones
"Okay ka lang ba?"
"Hmm okay naman" halatang nagaalangan sya sa sagot nya
"Lika usog tayo dito sa side ko" sabi ko sabay hila sa kamay nya pausog
"Thank you" malumanay nyang sagot. Binitawan ko din agad kamay nya, medyo nakakailang eh
"Sa susunod bago ka sumakay tignan mo muna yung mga pasahero at kung tingin mo safe ka saka ka lang sumakay. Buti nalang nakita kita kaya pinara ko agad tong jeep"
Pagpapaalala ko sa kanya. After all mas matanda naman talaga ako kaya okay din na pangaralan ko sya.
"Sorry. Nagmamadali na din kasi akong makauwi"
Si Mia yung tipo ng babae na simple lang talaga. Sa isang sem na kasabay ko sya sa pagpasok which is purely coincidence lang never ko nakitang nagayos o naging conscious sya sa itsura nya. Hindi nya naman talaga kailangan kasi maganda sya kahit walang ayos.
Napansin ko na lagi din syang nakaearphones sa byahe. Actually bago pa sya sumakay ng jeep nakaearphones na sya. Most of the time habang bumabyahe pagtulog lang din ang ginagawa nya.
Meron pa nga nun nakasabay ko sya tapos nakalimutan nyang magbayad muna bago matulog. Nakapagbayad sya nasa tapat na kami ng university. Akala nga ata ni Manong driver eh mag 123 sya panay kasi ang lingon nya sa amin.
Meron din na may sumakay na group of guys from other school na pinicturan sya habang tulog. I didn't bother to stop them dahil hindi ko naman sya kilala. Pero nagpapasalamat ako na nakita ko sya kanina bago sya sumakay. Kasi kung may mangyari man sa kanya baka mawalan na ko ng partner.
I mean partner sa history class hindi yung isang klase ng partner. Basta yun partner sa homeworks and projects.
Shit.
Ang nonsense na ng sinasabi ko.
~
Mia's POV
Naging tahimik lang yung byahe namin. Hindi na nag attempt ulit yung mga lalaki na lumapit sakin. Hindi na din kami nagusap ni Nathaniel ulit kasi ano nga naman ang paguusapan namin.
Hanggang sa malapit lapit na kong bumaba pero di pa din bumababa si Nathaniel. Nagiisip na ako pano magsasabi na mauuna na kong bumaba. Nakakastress naman to.
"Uyyy una na ko nathaniel, thank you ulit ah"
Or
"Nathaniel dito na ko bababa. Thank you and ingat"
Haru. Ano ba sasabihin ko? O kaya bumaba nalang ako ng walang paalam? Bastos naman yata yun. After nya ko tulungan ganun nalang gagawin ko. I was contemplating what to say or what to do ng magsalita si Nathaniel.
"Dito ka na ba bababa Mia?" tanong nya sa akin
"Ah oo, dito na. Ikaw ba?" sagot ko sa kanya
"Dito nalang din ako" sabi nya sa akin.
"Manong para na ho" agad naman nyang pakiusap sa driver
Tapos nauna na syang bumaba sumunod naman agad ako. Naisip ko ako na mismo magiinitiate ng conversation ayoko ng tahimik, mas awkward kapag nagpaalam na ko sa kanya.
"Nathaniel, taga dito ka din banda di ba?"
"Oo, dun lang sa Linden Ville. Ikaw ba?"
"Eh bat dito ka bumaba? Pupunta ka bang SM?" tanong ko kasi medyo malayo pa yun eh. Mga 10mins siguro na lakaran
"Hmm oo, kailangan ko bumili ng," huminto sya sa pagsasalita na parang nagiisip pa ng isasagot "ah tama ballpen nga pala, wala na kasi tinta yung ballpen ko" saad nya
"Ahh okay. Hmm thank you pala ulit Nathaniel ah. Sige, ano ingat ka. Dito na ko eh" pagpapaalam ko sabay turo sa terminal ng tricycle na nasa di kalayuan
"Sige, ingat ka din"
Kumaway ako ng kaunti saka naglakad palayo sa kanya. Kaya ko naman palang maging normal at hindi kabahan sa harap nya.
Way to go Mia, madami dami pa kayong pagsasamahan bilang partner.
Partner sa school specifically sa History Class.
Pwede ding partner in life, chos! Sinapian ata ako ni Mika sa sinabi ko.
Jusko.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Teen FictionMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...