CHAPTER FOURTEEN

8 2 0
                                    


Mia's POV

Mabilis na lumipas yung araw at ngayon Friday na. Wala naman masyadong ganap sa buhay ko after nung isabay ako ni Nathaniel sa kotse nya.

Nagkausap lang kami nung tuesday night para dun sa homework sa history. Tapos binigyan nya ko ng cookies with almonds na bake ng mama nya. During class nya inabot buti nalang di nakatunog si Cindy.

Hindi na din kami nagkachat after nun, hindi nya naman obligasyong ichat ako. Friday na ngayon at 20mins break namin sa huling subject namin for this day. May usapan kami ng mga friends na iinom mamaya after class sa Melos. Sasama ako kasi friday naman hihi

Kumakain lang kami ng kwek kwek ni Mika. Yung ibang friends namin lumabas para magyosi, si Jel at Anna sumama din kasi magmamangga daw. Ang kasama ko ngayon si Aly, Mika at Sophia. Madami ding choices ng snacks dito kaya di ka mapipilitang lumabas.

Si Aly nga kumakain ng spaghetti, si Sophia naman hash brown tapos may shake, ako at si mika naman kwek kwek. Nagdagdag din pala ako ng lumpiang togue, lalong sumarap dahil sa sukang medyo maanghang.

"Beb ano pala balita kay Nate?" tanong ni Aly

"Ewan ko di naman na kami nagkakachat eh. Huling usap namin nung history class. Why?"

"Wala naman pero ...."

"Anong pero?" tanong ko tsaka sila nagtinginang tatlo.

Halatang halata sila eh no.

"May nagpost kasi kaninang umaga sa page ng univ crushes, picture ni Nate may kasamang babae. Di sinabi yung name nung girl eh pero alam ko VB player yun ng univ" pagpapaliwanag ni Sophia

Ahh. Di ko alam yun, di kasi ako nagfacebook kapag nasa klase.

"Ahh ganon? Maganda yung girl?" tanong ko

"Oo bebs, pero mas maganda ka syempre" sagot naman ni Mika

"Cute nyo, wala namang kami ni Nathaniel eh. Kaklase lang natin sya for almost two weeks, kapartner ko lang sya sa history class. Yun lang" pagdedepensa ko naman habang natatawa

"May nakalimutan ka ata" sabi ni Aly

"Ahh oo, crush ko nga pala sya. Pero mga bb's crush lang yon. Di ko naman first time magkacrush" sagot ko ulit

"First time mo kaya simula nung pumasok tayo ng univ, puro kpop crush mo eh" tugon naman ni Sophia

"Ah basta. Crush lang yon, no big deal. Please lang drop na natin yung topic na yan"

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Crush lang naman yun no. Di man ako madalas magkacrush pero mababaw lang yon. Malayo sa bituka.

Natapos kami sa pagkain at agad na bumalik sa klase. Bago pala magstart ulit yung class pinakita sakin ni Mika yung picture na sinasabi nila.

Oo nga, nakangiti nga si Nathaniel. Bibihira syang ngumiti ng ganun kaya baka nga sobrang close nila at di malabong may something talaga.

Don't wanna know and don't wanna care. Chos, bitter hahaha

After ng mahaba habang pagtitiis sa discussion. Sa wakas, natapos din ang pinakamahabang klase sa balat ng lupa.

Let's get ready to drink!!!

Magaalas sais na ng hapon. Ang usapan namin kakain muna ng dinner saka iinom syempre para safe. Umiinom naman ako pero hindi sobra, kasi nga iniisip ko pa yung paguwi ko at hindi ako malakas uminom.

Dun sa favorite na kainan namin kami nagdinner. Tapos nagpalit ng damit kasi bawal yung related sa school na suot since around the area ng univ lang yung inuman. Si Mika naman nagpumilit na ayusan ako.

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon