CHAPTER SIXTEEN

12 5 0
                                    

Nathaniel's POV

Nagkekwentuhan kami nila Bryle pero lumilipad yung utak ko sa table nila Mia. Based sa nakikita ko ngayon, medyo may tama na sya. Ang lakas na din kasi nya tumawa sa kwento ng mga kaibigan nya.

"Nate, okay ka lang?" tanong ni Sandra

"Yeah, medyo pagod lang siguro" pagsisinungaling ko.

"Weh? You look like you're waiting for someone" saad nya

"Huh?sino pa aantayin ko eh nandito na kayo" sagot ko sa kanya

"Ewan, baka nasa malapit lang din yung inaantay mo" sagot nya naman na nakangisi

Kaya kumportable ako kay Sandra, kasi hindi namin kailanman makocross yung line ng pagkakaibigan. Inlove yan sa ibang lalaki eh. Tsaka kaya hindi na namin binibig deal yung mga posts about saming dalawa, kasi alam naman namin yung totoo. Bahala na sa iniisip ng iba.

Pero nakita na kaya ni Mia yung post? Baka lang kasi maniwala sya dun, di naman totoo.

"Nate, ganda ni Mia lalo ngayon" bulong ni Bryle na nasa tabi ko din

"Maganda naman sya lagi" sagot ko na ikinatawa nya

Totoo naman sinasabi ko ah. Hindi lang naman sya pero pati mga kaibigan nya.

"Iba yung ganda nya ngayon, di ako magtataka kung may lalapit at magpapakilala dun"

Lakas naman ng loob ng taong yun kung ganon. Bilib ako sa kanya.

"Lalapit ako sa kanya para dalhin dito at ng makita mo sya ng malapitan" sabi ni Bryle sabay tayo at lakad palapit kanila Mia

Lakas talaga trip nito ni Bryle. Hindi nalang ako tumingin para kunware di ko alam.

Pagbalik ni Bryle kasama nya na si Mia. At oo nga, mas maganda nga sya ngayon kasi may buhay yung mukha nya dahil siguro sa namumula nyang pisngi at labi.

"Guys! Meet Mia, friend namin ni Nate"

Inisa isang pakilala ni Bryle si Mia sa mga kaibigan namin. Hanggang sa nagtama mata namin tapos nakita kong hawak ni Bryle yung kamay nya. Kaya kumunot agad ang noo ko.

Di nya naman kailangan hawakan kamay ni Mia.

"Hello. Happy Birthday nga pala sa may Birthday" masiglang bati nya at feeling ko may tama na sya ng alak

"Hi Mia, Sandra nga pala" pagpapakilala ulit nya

"Hello Sandra" sagot naman nyang nakangiti

Siguro pwedeng ako naman ang kumausap sa kanya, kaya agad kong tinawag ang pangalan nya

"Mia"

"Yow!" cool nyang bati sakin

"Are you drunk?" kahit halata man gusto ko pa din itanong para makausap ko sya. Wala na ko maisip eh

"Huh?hindi ah! Di ba Bryle?" sagot nya sabay tingin kay Bryle

"Muntik ka na nga madapa kanina eh, buti nasalo kita" sagot naman ni Bryle

Hawak sa kamay at pagsalo. Mas okay siguro kung ako gumawa nun sa kanya. Di na ako nakasagot kinain na ko ng inggit.

"Sige, balik na ko sa table namin. Nice knowing you all and enjoy!" paalam nya sabay lakad palayo

"Naks, may wingman ka pala Nate eh" sabi ni Sandra

"Oo, napakabagal ba naman nitong si Nate" sagot naman ni Bryle

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon