CHAPTER FOUR

18 6 0
                                    


Mika's POV

Di ko alam bat ngayon lang ako nagkaPOV eh lagi naman ako nasa eksena. Echoserang author to HAHAHA

Chos lng, baka biglang matapos nalang tong POV ko.

Btw guys nakakaloka yung eksena kanina. Nagulat kaming lahat ng mga bb's. Tapos si Mia parang nakakita ng multo eh, namutla hahaha. Sure ako yung pamumutla nya dala ng kilig yon. Ayaw pa kasing aminin na crush nya si Nate wala namang kaso yun. Atsaka di ko type si Nate no ayoko sa masungit.

Nasa klase pa din pala kami ngayon at hindi lang si Nate ang pasabog ng history class na to. After kasi magdiscuss ng Prof namin ng syllabus inayos ba naman sitting arrangement!

Ano to High School?!

Eh for all I know etong mga kaklase namin puro na kasing year lang namin or higher pa gaya nila Nate. At ayun nga madaming umangal sa gusto ni Sir kaso wala din kami nagawa. Ang set up since halos pantay naman bilang ng girls at boys, alternate nalang.

Girl|Boy|Girl|Boy|Girl

Ganern ang set up tapos tinuturo lang ni Sir kung sino uupo dito at ang makakatabi mo. Natuwa ako kasi may mga maichura dito bukod kay Nate hihihi

Hanggang sa nakaupo na yung mga gwapo ako ayun nagaabang pa din paupuin, asar naman!
Wala din kwenta pagkagwapo nila kung di nila ko katabi. RAWR!!

PERO WHAT'S INTERESTING WITH THIS SET UP EH SI MIAAAAA!

OO SI MIAAAAAA NGAAAA!

SI MIA KATABI NYA SI NATE!!!!!!!!!

Capslock yan para intense HAHAHA!

Destiny talaga sila feeling ko kaso etong si Mia ayaw ako paniwalaan. Or baka in denial pa sya sa mga ganap pero sana ngayon hindi na. Nilatag na ng tadhana sa kanya ohh bulag nalang sya kung di pa sya magaassume. Hayss.

At nga pala guys inform ko lang kayo hindi pa ko masyadong nagmamaldita sa mga unang chapter pero baka sa mga future possible talaga. Tatapatan ko lang naman yung pagka maldita ng isang kaklase ni Nate na feeling maganda.

Sino sya?

Wag nyo na alamin not worth your time ang mga kagaya nya. Adios!

~

Mia's POV

Wala akong masabi.

Masyado pa ko nabibigla sa mga pangyayari.

Una kaklase namin si Nathaniel, who would have thought na aabot sa ganto ang ganap. From jeepney to classroom real quick ha!

Pangalawa katabi ko sya ngayon dahil sa lintek na sitting arrangement na yan.

"Ayan para hindi puro daldalan yung mga grupo ng lalake, daig nyo pa minsan mga babae sa kakadada eh" sigaw ni Sir pagkatapos maayos ang sitting arrangement.

Kinakabahan pa din ako lalo na ngayon na katabi ko sya. Pero parang hindi nya naman ako nakilala. Tumingin lang sya sakin saglit pagkatapos kong umupo sa tabi nya. Wala man lang hi?

"Another thing to take note class, ang assignments and activities natin will be done by pair. Girl and boy din since even numbers naman ang bilang nyong lahat" pagpapatuloy ni Sir sa discussion nya

Nagulat nalang ako ng biglang lumingon yung babaeng maganda sa side ko. Kaklase yata to ni Nathaniel kasi halos kasabay nya ding pumasok to kanina.

"Nate can we be partners for this class?" malumanay na tanong nung babae.

Well maganda sya talaga, medyo may ayos pero simple lang na lalo nagpaganda sa kanya. Medyo may pagkamaldita lang kasi kanina nakita ko inirapan nya kami pagpasok, napatingin kasi sina mika kay Nathaniel eh. Malamang mapapatingin ka kasi may pumasok wala namang weird dun duhh!

Inaabangan nya yung sagot ni Nathaniel kasi ganun pa din pwesto nya.

"I already have a partner Cindy, iba nalang ang ayain mo" matabang na sagot ni Nathaniel

Napakasungit talaga ng lalaking to. Tsaka kakasabi lang ng Prof tapos may partner na daw sya. Lokohin nya lelang nya ayaw nya lang siguro kapartner yung Cindy.

"You already have one? Eh kakabanggit lang ni Sir ah" pagtatakang tanong ni Cindy

Maski ako nagtataka din eh. Feeling ko tuloy nageeaves drop ako sa usapan nila kaso di maiwasan kasi katabi ko lang naman si Nathaniel. So walang masama dito. Wag ka maguilty Mia.

"Naging prof ko na yan si Sir. Sergio kaya alam ko na mga patakaran nya sa klase"

Ohh wow. Kaya naman pala. Sana all. Hindi na sumagot si Cindy pero nakasimangot syang tumingin ulit sa harapan.

Pakshet ako din pala kailangan ko mamroblema. Hmmm tanungin ko nalang kaya tong nasa kanan ko? Ang nasa kaliwa ko kasi si Nathaniel eh meron na daw syang partner and as if naman kaya ko syang ayain lol

I was about to ask yung nasa kanan ko ng lumingon ulit si Cindy. Ano to di pa sya kuntento sa sagot ni Nathaniel? Hahaha

"Nathaniel, if you don't mind me asking sino yung partner mo?"

Usisera ako kaya nagantay din ako ng sagot nya. Pero nakatingin lang ako kay Cindy sya kasi ang nasa harap ko. Para hindi halatang nakikinig ako hehe

"Sya"

Ayy ang labo? Labo ng sagot ni Nathaniel di nalang sinabi yung pangalan eh. Malay ba namin kung sinong sya ang tinutukoy nya.

Bumaling naman sakin ng tingin si Cindy, agad na nagtama mata namin tapos bumusangot sya lalo. Problema neto?

"Ikaw?" nakakunot noong tanong nya sa akin. Di ko nagets yung sinabi nya kaya

"Tinatanong mo ba kung may partner na ko?" sagot ko sa kanya

"Hindi, sabi ni Nate ikaw ang partner nya. Hindi mo ba nakitang tinuro ka nya? How come na ikaw ang partner nya?" mataray nyang tanong sa akin

Saka naman ako lumingon kay Nathaniel asking for an answer.

"I know her. Dati ko na syang nakakasabay sa pagpasok. Mia right? Wag ka na maghanap ng partner okay naman akong partner. Di ako tamad promise"

LUHHH????

ALAM NYA PANGALAN KO!!!

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon