Mia's POV
Good Morning Everyone!!!
Chos lang syempre!
Tanghali na eh HAHAHA ganto naman lagi oras ng gising ko kapag weekends. Pambawi lang sa limang araw na maagang gising.
Sunday is family day. Pero para sa family namin more on Sunday is Cheat day!! Pano ba naman kasi usually na hinahain ni tita for lunch eh grilled menu, seafood atsaka gulay. Alam na din dito sa bahay yung routine ko kaya lagi kaming late lunch kapag Sunday.
Pag baba ko nakita ko si Shelee nagpeprepare ng lamesa. Si lolo at tita for sure nasa labas nagiihaw. Naghilamos at toothbrush muna ako saka uminom ng isang basong tubig para maprepare yung tyan ko sa malakas na kainan.
Paglabas ko naamoy ko agad yung inihaw. Para ngayon araw grilled bangus na may lamang kamatisat sibuyas. Nakakatakam yung amoy!
"Oh gising ka na pala Day" sabi ni tita pagkakita sakin
'DAY' ang palayaw ko dito sa bahay. Pagkakabigkas nyan tagalog hindi yung english ah. Hindi ko din sure ano yung meaning nun basta Ilonggo word kasi yun.
"Yes yes hehe," sagot ko kay tita "Hi lolo" bati ko naman sa lolo ko.
Ngumiti lang sya habang patuloy na nagpapaypay, malapit na daw maluto kaya pumasok na din daw ako at ihain yung ibang putahe. Meron pang ginataang kalabasa atsaka buttered shrimp.
Maya maya nagsimula na din kaming kumain habang nagkekwentuhan. Nangamusta sila tungkol start ng school namin ni Shelee at kung ano ano pang mga bagong balita tungkol sa mga pinsan ko sa probinsya.
Ako ang nakatokang maghugas ng pinggan kapag lunch tapos si shelee naman kapag dinner. Kaya eto nagsisimula na kong maghugas.
"Day, magsisimba ka ba mamaya? Nagsimba na kami nila lolo mo at shelee kaninang umaga eh" tanong ng tita ko
"Okay lang tita, ako nalang mamayang hapon" sagot ko sa kanya
"Osige, dumaan ka na din ng SM. Nakalimutan kong ibilin sayo yung maintenance ni lolo mo"
"Sige lang tita, daan ako bago magsimba. Ayoko gabihin kasi mahaba ang pila sa terminal after ng misa"
Maaga pa naman alas sais pa ang misa. Nagayos na muna ako ng kwarto ko at mga uniform. After, naligo na din ako para makapagayos na paalis.
After mga 30mins nakaalis na din ako. Naisip kong dumaan muna ng National para magtingin ng libro konti lang naman ang gamot na pinapabili ni tita.
Wala naman masyadong bagong labas na libro ngayon kaya agad din akong umalis at nagpunta sa Mercury na nasa labas ng SM. Nasa tapat lang naman sya pero mas convenient sana kung nasa loob nalang din. Wala pa ko nakikitang mercury na nasa loob ng SM.
Bat kaya?May issue siguro sila no? Oh well, nvm.
Habang nakapila ako para makuha yung list ng mga gamot na bibilhin ko nagfacebook muna ako. Mabilis lang din naman ang pila after mga 20minutes nabili ko na.
On the way na ko ngayon sa simbahan. Sanay din akong magsimba ng mag-isa kasi di ko kayang gumising ng maaga. May 10mins pa naman bago yung misa, sakto lang sa dating ko. Ang sana lang eh may maupuan pa ko na nakatapat sa electricfan. Nakalimutan ko kasing magdala ng pamaypay.
Pagdating ko sa simbahan konti nalang yung mga vacant seats. Buti nalang magisa lang din ako hindi mahirap makahanap. Ang kaso lang hindi dun sa usual seat ko na nasa kaliwang side ng altar. Nasa kanan ako ngayon at never pa ko nakaupo dito.
Okay naman din pala dito, mas gusto ko lang talaga dun sa kanan kasi nandun yung projector screen. Malakas din ang electricfan dito pati na speaker.
Natapos ang misa ng matiwasay. Ako lang ang hindi behave kasi may bata sa harap ko kanina tapos binebelatan ko sya. Nakakatuwa talaga mang-asar ng mga bata sa simbahan, pero kapag naman alam kong paiyak na or napipikon na humihinto na din ako. Baka mamaya isumbong ako sa nanay eh.
At eto na mukha na namang may alay lakad dahil sa dami ng palabas na mga tao. Sure akong mahaba na naman ang pila ng tricycle neto hu-hu. Buti nalang may earphones akong dala lagi pampawala ng inip sa pagpila.
Pagdating ko sa terminal blockbuster na ang pila. Halong tao na mga galing simbahan at galing SM. Hindi nalang ako magspecial ride para makaalis agad.
Sakto naman kasi kulang ng isa yung sa lugar na bababaan ko. Ayaw sumakay nung babaeng nag-aantay kasi backride na, sinayang nya ang chance na maaga makauwi. Chos!
5mins ride lang naman ang tricycle kaya eto naglalakad na ko papasok sa village namin. May mga batang naghahabulan at nagbabike. Pagdaan ko ng basketball court meron ding nag wawarm up, siguro may laban.
Lumipas ang oras hanggang sa eto patulog na naman ako. Bale hindi pa kasi nagsusurf pa ko. Kachat ko din sina Mika ng biglang may nagpop up na chat.
Galing kay Nathaniel. First chat nya to sakin hihi
Nahaniel Vargas:
Bully ka pala sa mga bata no?Wow?? Atsaka Huh?? Panong bully??
Wala naman akong binully nung nagmeryenda kami sa SM. Tsaka ang bait ko kaya sa mga bagets.
Mia De Vera:
Huh??wala ko binubully ah. Mapangbintang to! Hahaha FYI kakasimba ko nga lang kanina eh.'Nathaniel Vargas is typing ....'
Nagiisip pa din ako kung san yung sinasabi nyang nambully ako.
May nashare ba ko sa fb na tungkol sa bata?parang wala naman ah?
Nathaniel Vargas:
Nakita kita kanina sa simbahan, binebelatan mo yung batang lalaki na nasa harap mo. Buti di mo napaiyak yun.MUNTIK NG DUMULAS SA KAMAY KO YUNG PHONE KO DAHIL SA REPLY NYA. NAK NG TOKWA!!!
PATI BA NAMAN SA SIMBAHAN MAGKASAMA KAMI, KUNG ALAM KO LANG EDI SANA NAGBEHAVE AKO HU-HU!!
'Nathaniel Vargas is typing ...."
HINDI PA MAN SYA TAPOS MAGTYPE PINATAY KO NA WIFI SA PHONE KO. BAHALA NA SI BATMAN.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Ficção AdolescenteMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...