CHAPTER EIGHTEEN

11 2 1
                                    


Mia's POV

Medyo masakit pa yung ulo ko mula sa paginom kagabi pero eto ako ngayon pababa ng tricycle. 2pm ang usapan namin ni Nathaniel para dun sa movie review. Susunduin nya daw ako sa may labasan kasi bihira ang tricycle sa kanila.

Habang naglalakad nakita ko na agad yung pick up ni Nathaniel. 20mins pa bago mag2pm nandito na sya.

Wow, excited masyadong makita ako?? Ganda mo talaga Mia.

Chos!! As if naman HAHAHA

Pagkalapit ko binaba nya agad yung front seat window.

"Hi Mia" bati nya sakin.

Nakawhite shirt lang sya tapos shorts pero ang gwapo nya pa din. Wow naman.

"Hello!" masiglang bati ko. Inabot nya naman yung pinto para mabuksan, agad naman akong sumakay.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong nya

"Okay naman ako, ikaw ba?" tanong ko pabalik.

"Di naman ako masyado uminom" sagot nya

"Ahh ganun, edi taga pakinig ka lang ng mga kwento nila?"

"Oo, lagi naman haha"

Tumawa sya, mukhang okay mood nya ah.

"Ang ingay nyo pala kapag nasa inuman, rinig na rinig ko yung tawanan nyo kagabi" sabi nya

Agad naman akong natawa

"Oo, lagi kaming ganun kapag umiinom. Pero para sakin mas gusto ko yung ganun kasi mas engaged kayong lahat. Walang busy sa phone or kung san man"

"Sabagay tama naman. Samin din bawal masyado magphone kapag nasa inuman" sabi nya habang nagpapark sa tapat ng two storey house. Malapit lang pala ang bahay nila eh.

Malaki sya para sa isang two storey base sa nakikita ko dito sa sasakyan, may garahe na kaya yung 2 sasakyan. May garden din sa baba tapos may terrace sa taas. Simple lang yung design pero classy tignan.

"Tara Mia?" yaya nya sakin.

Tumango naman ako at agad na bumaba. Pagpasok namin ng gate may cute na batang lalake na nagaantay sa may main door ng bahay.

"Kuya Nate!!!!" sigaw nung batang lalake habang patakbong sumalubong kay Nathaniel

Super cute nya. Gwapo din kagaya ni Nathaniel. For sure eto si Jonathan, thanks to Mika's stalking skills!! Buhat buhat na ni Nathaniel ngayon si Jonathan.

"Mia si Nathan nga pala, kapatid ko" pagpapakilala ni Nathaniel sa kapatid nya

"Hi Nathan" bati ko sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay nya

"Kuya Nate, is she your girlfriend?" tanong nung bata

Gusto kong sumagot ng Oo!!! Ako nga!!! Ako to ang iyong sister in law HAHAHA

Tagal sumagot ni Nathaniel sa bata kaya ako na nagkusa.

"No, partners lang kami sa subject namin. Di ba kuya Nathaniel?"

"Ahh yeah. Partners kami ni ate mo Mia sa history class. Let's go inside na para makapagplay ka na ulit"

Pagpasok namin may naamoy akong parang nagbebake. Nandito siguro ang mama nya. Nakakahiya naman mukha akong di prepared sa meet up namin ni Mommy. Chos!

"Anak nandito ka na pala. Ohhh ikaw ba si Mia?" excited na lumapit yung mama nya sa amin. Sabay yakap sa akin

Hihihi winewelcome na ko ni mommy

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon