Mia's POV
Sabado ngayon at papunta ako sa SM para bumili ng paper para sa printer. Malakas din kasing gumamit si Shelee since nasa High School palang sya. Madami laging assignment na kailangan iprint.
Ang mama ko at mama ni Shelee ay magkapatid. Silang dalawa lang yung babae sa magkakapatid lahat puro na lalaki. Simula nung umalis si mama para mag-ibang bansa si tita na ang nag-alaga at nagpalaki sakin. Halos lahat din ng kamag-anak namin sa side nila mama nasa Iloilo.
Lagi nalang madaming tao dito sa SM.
'Ayy teh malamang, SM to eh. Magtaka ka kung walang tao' bulong ng other self ko. Which is true naman, sorry na.
Papunta na ko sa aisle ng mga bond paper ng makasalubong ko si Nathaniel. Oo si Nathaniel nga.
Nagkagulatan pa kaming dalawa, parehas na napaestatwa at medyo nanlaki ang mata. Napansin ko may hawak syang ballpen, which is weird. Kasi nung nagkasabay kami tapos dun din sya bumaba sa binabaan ko sabi nya dadaan sya sa SM para bumili ng ballpen.
"Hi" confident kong bati sa kanya para alisin ang awkward vibes
"Hi Mia. Nandito ka din pala"
"Oo, bibili ako ng bond paper. Ikaw? Ballpen na naman bibilhin mo? May tindahan ba kayo ng school supplies?" seryosong tanong ko sa kanya.
Nagulat ako bigla!!Pati nga mga dumadaan napatingin sa kanya.
Kasi tumawa sya, yung tawang tawa talaga. Bago to para sakin kasi ngiti nga nya bihira ko makita tawa pa kaya.
Shocks.
Mas gwapo sya kapag tumatawa at nakangiti. Parang nagliliwanag yung background nya. Bat di kaya to mag artista?
"Huy bat ka tumatawa? Para kang timang"
WHAT.THE.EFF!!!
Hu-hu. Masyado ata ako naging casual sa kanya. Nakakahiya. Huminto tuloy sya sa pagtawa at nagbalik poker face.
"Hala sorry. Di naman yun yung gusto ko sabihin. Hmm ano ba ,ano kasi pinagtitinginan ka ng mga tao" kabado kong sabi sa kanya.
Lintek na bibig to. Gusto ko nalang tuloy tumakbo palayo sa kanya.
~
Nathaniel's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Mia. Mukha daw akong timang. Hindi talaga yata bagay sakin ang tumawa.
"Hala sorry. Di naman yun yung gusto ko sabihin. Hmm ano ba ,ano kasi pinagtitinginan ka ng mga tao" pageexplain nya tungkol dun sa una nyang sinabi
Gusto ko ulit tumawa ng tumawa kasi yung itsura nya. Parang gusto nya nalang umalis sa guilty dahil sa nasabi nya. Though hindi naman ako naoffend.
"Mia okay lang haha" nakangiti kong sabi sa kanya
"Sorry talaga Nathaniel"
"Okay lang nga, isa pang sorry ililibre mo na ko ng meryenda. Natawa lang ako kasi wala naman kaming tindahan ng school supplies. Tsaka hindi din kasi ako nakadaan ng SM nung nakaraan, tumawag yung mama ko at pinagmamadali ako sa paguwi"
Hindi ko naman kasi alam na magkikita kami ngayon dito sa SM. Parang napakaliit naman ng mundo naming dalawa. Di ko man gusto,nakapagsinungaling tuloy ako.
Ang totoo kasi nung nakasabay ko sya sa jeep hindi ako bumaba nun dahil pupunta ako ng SM. Bumaba ako kasi gusto ko makitang safe syang makakasakay ng tricycle or kung ano man pauwi sa kanila. Ewan ko ba pero nakakabother kasi yung nangyari nun. Parang feeling ko pwedeng mangyari ulit yun anytime at hindi lang sa jeep.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us (On Going)
Teen FictionMia met Nathaniel unexpectedly. Sa jeep lang naman ang first meeting nila pero hanggang dun nalang nga ba? "You don't find love, it finds you. It's got a little bit to do with destiny, fate and what's written in the stars'" ...