CHAPTER NINETEEN

12 1 0
                                    


Mia's POV

Habang ginagawa namin yung reaction paper kumakain kami ng meryendang gawa ni Tita Belle. Chocolate Banana na cupcake which is sobrang sarap. Kung medyo close close n kami ni tita baka pwede na ko makahingi ng pabaon paguwi hahahah chos lang!

Si Nathan naman nauna ng magmeryenda kaya yun borlogs na sya kanina pa.

Yung reaction paper pala nagshare muna kami ng ideas namin sa isa't isa tapos saka kami nagstart gumawa. Hindi nga tamad si Nathaniel gaya ng pangako nya, hindi ko din naman naisip na tamad sya eh.

"Mia okay na to sayo?" tanong ni Nathaniel sakin

"Oo, oks na yan. Pasend nalang din nung file sa messenger para mabasa ko din ulit" sagot ko naman sa kanya

Pagtingin ko sa oras mag6:30pm na pala, late na din yung meryenda namin kaya di ko napansin oras. Nawili ako sa massage session harhar!

Nagliligpit na si Nathaniel ng laptop nya ng magpunta si Tita Belle sa sala.

"Mia, dito ka na magdinner ha? Nagluluto na ako, mga 30mins nalang naman to" aya nya sa akin

"Ma nakakahiya baka mamaya may lakad pa to si Mia" sabat naman ni Nathaniel

"Wala naman akong lakad Nathaniel. Sige po dito na ako magdidinner Tita, thank you po" pabebe kong sagot sa kanila

"Yun! Itour mo muna si Mia sa kwarto mo Nate para di sya mabored, basta behave kayo ha!" suggest ni Tita na ikinapula ng mukha ni Nathaniel

Feeling ko ako nahiya din sa sinabi nya.

"Ma naman" tanging naisagot ni Nathaniel sa mama nya na ikinatawa naman nito

"Osya sige na baka kung ako ng nangyayari sa niluluto ko" sabi nya bago bumalik ng kusina

"Hmm Mia ano, sama ka sa kwarto ko?" tanong ni Nathaniel sakin

Medyo napatanga ako sa tanong nya kaya di agad ako nakasagot

"Hindi kita pinipilit, kung gusto mo naman dito ka nalang muna sa sala. Ibabalik ko lang tong laptop" bawi nya sa una nyang alok

"Okay lang ba kung sumama ako sayo?"

Sya naman yung napatanga sa sinagot ko pero nakabawi agad

"Sige tara" simpleng sagot nya at nagsimulang maglakad

Nakasunod lang ako sa kanya kinakabahan ako akala mo naman may gagawin kaming masama. Tinuon ko nalang attention ko sa itsura ng 2nd floor nila. May apat na kwarto sila, ang hirap iexplain ng itsura eh. Pero kay Nathaniel siguro yung dulo kasi nalagpasan na namin yung iba eh.

Pagbukas nya ng pinto sabay ON ng ilaw, tumambad yung kwarto nya na color navy blue. Ang gandang tignan.

"Pasok ka Mia, iiwan ko lang na bukas tong pinto" sambit nya

Sus, di na kailangan. Kahit ilock mo pa walang kaso sakin yan sa isip isip ko.

"Sige, thank you" tanging sagot ko

Nagdiretso na sya sa may study table para ibalik yung laptop. Ako naman nagoobserve pa.

Bale pagkapasok mo ng pinto ng kwarto nya sa left side may isa pang pinto, most probably sarili nyang CR to. Sa tapat naman ng pinto ng CR may mga cabinets merong panglibro tapos yung iba yata damitan na. Meron ding maliit na sofa sa tabi ng kama nya. Sa tapat naman ng kama may TV at sa gilid ng TV nandun yung PC.

Sosyal, may laptop na may PC pa. Bongga ha!!

Sa kabilang side naman ng TV nandun yung study table nya. At napansin ko mas malinis at organized ang kwarto nya kesa sa kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of Us (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon