Hazel's
Nandito ako ngayon sa Cofeeteria, dito kasi ako lagi nag aaral dahil may peace of mind ako dito. Pero feeling ko hindi na ngayon, dahil nasa harap ko ang bwisit na si Troy.
"Ang daming bakanteng upuan noh?" sarkastikong sabi ko rito.
"Oo nga eh." sabi nito habang may binabasa.
"Oh bakit dito ka umupo? Bulag ka sis?"
"Eh gusto ko eh. Alam mo yung freedom of choice?"
"Oo alam ko."
"Ah okay, kala ko kailangan ko pa ipaliwanag sayo eh." sabi nito at sumulyap pa sakin bago tumawa.
Pinilit ko nalang magbasa kahit nawala na ang peace of mind ko ngunit kahit anong pilit intindihin ay nadidistract ako!! Hindi ko alam kung bakit.
Napabuntong hininga nalang ako at inilapag ang libro sa may lamesa at uminom nalang ng kape.
"Anong binabasa mo riyan?" curious na tanong ko nang makitang seryoso itong nakatingin sa papel na hawak niya.
"Contract."
"Contract?"
"Ay hindi, sinabi ko na nga eh." pamimilosopo niya.
Okay Hazel, hinga ng malalim. Life is short, kaya't kung palagi kang mababadmood maaga kang mamamatay. Magiging doktora ka pa!
"Ano ba trabaho mo? Janitor? Waiter? Bartender? Construction worker?" curious na tanong ko rito sabay higop sa kape ko.
"Bakit? Curious ka?" ngising sabi nito.
"Bakit? Masama?"
Napailing nalang siya at napatawa.
"Manggagawa ako." simpleng sabi nito. Napatingin ako sakanya. Infairness, di halata sakaniya ha. Ganda naman ng pormahan niya? Pero di naman yata kailangan na maging mayaman para maging maporma. Masyado lang akong mapanghusga.
Nang makita niyang tinitingnan ko siya ay napangisi ito. "Wag mo kong titigan baka malusaw ako." ngisi nito.
"Daming alam! 'wag ka nga pachill chill dito!! Magtrabaho ka. Magkayod ka para may makain ang magina mo." dirediretsong sabi ko. Napatingin naman ito sa akin na para bang may nasabi akong nakakatawa at natawa.
"Ano tinatawa mo riyan?" masungit na sabi ko rito.
"Wala." he said then laughed.
"Magtrabaho ka na nga!! Chupi naa!!" sabi ko rito. Napangiti naman ito at napailing.
"Tss, sige na nga." sabi nito at niligpit ang gamit. "Mauna na ako ha, pinagtatrabaho na ako ng misis ko galit na." ngisi nito sa akin bago umalis.
Napatulala naman ako pintong nilabasan niya. So.....may asawa na si Troy?!
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Teen FictionSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
