Chapter 21

466 19 0
                                    

Hazel's pov



To: Troy

Babeee!!! I have something to tell you!! Let's meet sa park ng subdv :)

From: Troy

Okay.



Naghihintay ako ngayon sa may park. Napatingin ako sa orasan, magiisang oras na. Pinilit 'kong ngumiti. I need to be happy! Doktora na ako! Isusurprise ko sana si Troy!! Sinabihan 'ko sila Mom na huwag munang sabihin kay Troy.



"Hazel."



Napalingon ako nang marinig ang boses ni Troy, agad 'ko itong niyakap. "I miss you babe!!" masayang bati 'ko rito, but he didn't hug me back.


"Tara upo tayo." nakangiting aya 'ko kay Troy kaya't tumabi ito sa'kin.

"Kamusta naman Troy? Tagal nating 'di nagkikita ha?" masayang sabi 'ko sabay tingin sa seryoso niyang mukha.


"Serious mo naman?" natatawang sabi 'ko ngunit nanatili ang kaniyang mukha.


"By the way!! Oo nga pala!! I have pass----"



"Let's break up."



Agad akong napatingin kay Troy, habang sinasabi niya ito ay parang wala lang ito, parang wala kaming pinagsamahan ng matagal, he just casually said it. Hindi 'ko namalayang papatak na ang luha 'ko.




"U-uy Troy 'di magandang joke yan ah!!" pilit na masayang sabi 'ko.



"I'm not joking let's break u--"


"Why?!" humihikbing sabi 'ko. He just shrugged, "wala lang gusto 'ko lang."


"N-no, baby tell me you're just joking."



"Wala akong panahong makipagbiruan sa'yo Hazel." walang modong sabi ni Troy.




"T-then why baby, tell me baby." umiiyak na sabi 'ko sabay lapit sakaniya ngunit nilalayo ako nito sa'kin.



"Nawalan na 'ko ng gana, di na kita mahal."



My world suddenly stopped. "Aba gago ka pala eh!" sabi 'ko sabay suntok sa panga nito.



"Gago ka!! Inintindi kitang gago ka!! Tuwing nakikitaan kita ng kakaiba iniintindi ko!! Sa bar! Kahit nakita kitang may kandong na babae inintindi kita!! Kahit nakikita 'kong wala ka nang pake inintindi 'ko!! Puta ka pala eh!!" galit na galit at umiiyak na sabi 'ko.



"Gago ka! Salamat ha!! Gandang regalo!! Advance happy second monthsary gago!!" sabi 'ko sabay takbo palayo.




Nagdaan ang araw na wala na akong balita kay Troy. Hindi ko na rin siya nakikita. Umuwi ako sa condo at doon umiyak nang iyak. Hindi 'ko sinabi kanila Mom dahil mag-aalala sila. Dinamayan ako nila Olivia.



Nagtext din sa'kin si Greg na gusto akong kitain ni Mr. Labejo next week. Agad akong pumayag. At may maganda ngang nangyari. It's true that there is always a rainbow after a rain. Nang makausap 'ko si Mr. Labejo ay inalok ako nito sa ospital nila, ang pinakasikat na ospital sa Pilipinas.




Nabalitaan kong lumipad ng States si Troy. Well, naduwag yata? Letse siya.



Natapos ang tatlong taon bago manyari ang karumal dumal na nangyari noon, at heto ako doktora na sa Limuel's. Katrabaho ko rin nga pala si Greg, he's a nurse in Limuel's.



"Oo loko!! Duguan yung bata, kailangan natin makahanap ng kabloodtype niya." naiiling na sabi ni Greg habang sumipsip sa kape niya.


"Meron naman siguro, since O naman yung blood type."


Napahinto ako habang sumusisipsip ng kape, "oh my gosh!! Sino 'yon Greg!?" paimpit na tili at hawak kay Greg. "Asan ba?" tanong nito, tinuro ko naman agad yung lalaking gwapo.



"Oh, Si Dr. Limuel 'yan. Anak ng kapatid nung tinulungan mo. 'Yan magmamana ng ospital." napatango naman ako habang hamahagikgik.


"Ikaw ha!! Napakadami ng crush mo." natatawang sabi ni Greg kaya't hinampas 'ko ito. "Syempre 'no!!" natatawang sabi 'ko.



Kinabukasan ay tumambay kami sa condo magkakaibigan, nalaman namin na nakita ni Maddison yung crush niya noon at doon pa daw sa Limuel's nagtatrabaho kaya't napagdesisyunan 'kong hanapin 'yon kaso tuwing nasa ospital ako ay nakakalimutan 'ko. Anak ng.


"Dra. Cruz?"



Agad akong napalingon sa boses, nanlaki ang mata 'ko nang makita si Doc. Limuel!! Mas gwapo siya sa malapitan!



"U-uhm bakit po?" nahihiyang sabi ko rito.


"Ikaw ang magoopera kay Geila diba?"


"Geila? Ay opo! Geila Gomez?"


"Yes. Update me about her." sabi nito sabay alis, aba may something ba sila ni Geila? Iba talaga itong si Geila, unang kita 'ko palang halatang matinik na!!




"Operation successful."

Natapos ang pagopera 'ko sa baga netong si Geila, mabuti at naging successful ang operasyon. Mabait na babae itong si Geila kaya't nakaclose 'ko. Ikinikwento pa nga niya na goals daw sila ng kuya-kuyahan niya, parehas daw silang may sakit sa baga, lupet ng batang 'to napatawa tuloy ako ng wala sa oras.

Habang palabas ng kwarto kung nasaan si Geila ay nagsasanitize ako. Nagpalit na rin ako ng damit, habang naglalakad papuntang nurse station ay agad akong napahinto, I saw Dr. Limuel laughing with a man. A man that hurted me three years ago.


Napasinghap ako nang mapatingin ito sa'kin, napahinto ito at napatitig sa'kin. I can see pain through his eyes pero agad din itong nawala at bumalik siya sa pakikipagtawanan kay Doc. Limuel, bago maiyak ay agad akong tumalikod at pumasok sa elevator. What is happening? Hindi pa ba ako nakakamove on?




Agad 'kong diniall ang phone 'ko. "Girls, daylight's 7pm."




Autumn Love (Season Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon