Special Chapter

758 28 0
                                        

Hazel's


Magkahawak kamay kami ni Troy habang papasok sa restaurant. Magdidinner kasi kami kasama sila Olivia.

"Mag behave ka ha!" pabirong sabi 'ko kay Troy, napatawa naman ito. "Oo naman, lagi kaya akong behave." natatawang sabi nito.


Pagkapasok ay nadatnan naming nakaupo sila Olivia at Elizabeth. "Uy ba't kayong dalawa lang?" nagtatakang tanong ko rito bago umupo.

"Andyan na pala ang lovers!" natatawang sabi ni Olivia, ngumiti naman sakanila si Troy.

"Magorder na tayo, malelate si bruha. Ako na raw magorder sakaniya." sabi ni Olivia.


Nagorder naman kaming tatlo, "nako kailangang magkakilala rin kayo ni Ethan, Troy." masayang sabi ni Elizabeth habang naghihintay ng pagkain.

"Sige sa susunod." nakangiting sabi ni Troy.

"Edi wow! Ako lang walang jowa." lungkot-lungkutan na sabi ni Olivia kaya't natawa kami.

"Meron ka ba riyang marereto?" natatawang sabi 'ko kay Troy. Nagkunwari naman itong may iniisip. "Ay oo! May kakilala ako." nakangising sabi nito. Maguusap pa sana kami nang makita namin si Maddison, agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang kasama nito.


"Oh my gosh Maddison!! What is the meaning of this?!" gulat na sabi ni Olivia sakaniya. Napatawa naman ako.

"Maddie? Jezk?"



Gulat akong napatingin kay Troy nang makita si Maddie, nakita ko ring gulat na nakatingin sakaniya si Maddie.









"Pucha ikaw ang sinasabi ni Hazel na ex niya noon?!" gulat na sabi ni Maddie habang kumakain ng pasta.



"Oo, eh ikaw? Kayo na pala ni Jezk ah, walang sabi sabi? Parang 'di friends?" natatawang sabi ni Troy


"Eh bano ka ba? Ngayon nalang kaya ulit kitang nakita!!" natatawang sabi ni Maddie. "Akala ko pa naman, nagstastart palang ang love story niyo nung nakita 'ko kayo sa bar nung nakaraan tapos ngayon! May past and present na pala!" tawang tawa na pangasar sakaniya ni Maddie. Napailing nalang ako.





"Inaya 'ko rin si Ethan ngayon ha. Dinala mo rin pala ang boyfriend mo Maddie napakadaya." natatawang sabi ni Elizabeth, agad kaming natawa nang magreklamo si Olivia,



"Napakabwisit niyo 'no? Respeto sa single!!" natatawang sabi nito.



"Pre, may kilala ka bang pwedeng ireto kay Olivia?" natatawang sabi ni Troy kay Jezk.


"Loko sa tropa, sila Josh At Wil nalang ang single!! Pwedeng pwede." sabat ni Maddie.



"Ikaw ba kausap ni Troy ha Maddie? Jezk nga diba." pambabara ni Olivia kay Maddie, nagpeace sign naman si Maddie sakaniya.

"Loko! Pogi ang mga 'yon."

"Gagi may Geila na si Josh ah."


"Edi kay Wil---"




"Ethan!!" malakas na sabi ni Elizabeth sabay tayo at hila rito. "Oh Ethan." pagtawag ko rito, tinanguan naman ako nito.


"Engineer Ethan?" pagtawag ni Troy rito, napataas ang kilay 'ko. Kialala nanaman niya ito? Wow, famous daming knows.


"Oh Engineer Santos?" sabi naman ni Ethan sakaniya at nagapir pa. Natapos ang dinner nang si Ethan, Troy at Jezk lang ang naguusap. Naging magkaclose na yung tatlo, habang kaming mga babae ang naguusap




Ang galing ang liit lang ng mundo sa'min lahat.


Autumn Love (Season Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon