Chapter 24

622 18 0
                                        


Hazel's



Hinila ako ni Zoa palapit kay Zarren na nakayakap kay Troy, Troy is smiling while hugging his nephew.




"Troy!" masayang bati ni Zoa sa kaniyang kapatid, nang mapatingin si Troy sa'min ay bakas ang pagkagulat nito nang makita ako, agad akong napaiwas ng tingin.





"Troy! Naalala mo yung nag gamot kay Zarren noon na babae? Siya yon!!" masayang turo sa'kin ni  Zoe. "She's Hazel by the way." nakangiting pagpapakilala ni Zoa habang kami ni Troy ay nakatingin lang sa isa't isa. I heard him sighed.





Napatigil lang ako sa pag tingin kay Troy nang marinig ang pag-ring ng phone ni Zoa. "Hello? Oo sige papunta na 'ko." nakangiting kausap ni Zoa sa tumawag sakaniya.





"Hazel, Troy, I'm sorry kailangan na namin umalis ni Zarren." paghihingi ng paumanhin ni Zoa sa'min, tumango lang naman ako at nagulat ako nang ibeso niya ako.





Pagkaalis nila Zoa ay naupo ako sa swing habang si Troy ay nakatayo lang at nakatingin sa'kin.





"Troy." pagtawag ko rito kaya't umupo ito sa isa pang swing na katabi 'ko.






"Ba't 'di mo sinabi?"




Nakita 'ko naman itong nagtatakang napatingin sa'kin. "Ba't 'di mo sinabing--" napabuntong hininga ako bago ituloy. "Nagka-c-cancer k-ka?" naluluhang sabi 'ko.






I heard him sighed then looked at me with pain. "Alam mo na? Kanino mo nalaman?" malungkot na sabi nito.





"Hindi na mahalaga T-troy! B-bakit 'di mo sinabi?!"







"Ayokong magpabigat Hazel!! Ayokong maging abala sa'yo! Ayokong masaktan ka nang dahil sa'kin!"






"Bakit? 'Di mo pa ba ako nasaktan noong nakipaghiwalay ka?!"






"Mas ayos na masaktan kita ng isang beses Hazel, kaysa mahirapan ka pa sa pag-alaga sa'kin sa ospital ng dalawang taon." sabi nito sabay punas ng luha at tayo.






Akmang aalis na siya nang yakapin 'ko ito patalikod. "A-ang selfish m-mo." humihikbing sabi 'ko rito.






"S-sorry Hazel, I don't want to ruin your dreams. Gusto 'kong makita ka sa ospital na ginagawa mo ang pangarap mo hindi yung nag-aalaga ka sa mamatay na katulad ko! Paano pag namatay ako?! Mas malulungkot ka Hazel!! Mas masasaktan kita!! Ayokong maranasan ang mga sakit na 'yon!!"






"K-kaya ka ba nakipaghiwalay?"





"Oo Hazel, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal!"










"Gago ka!! Ang selfish mo!! O ano ngayon! Ikaw naghirap!! Ang sakit sakit sa'kin na malaman na minumura kita sa isip 'ko tapos ikaw malapit ka na palang mamatay!! 'Di ka ba nag-iisip? Magdodoktor ako!! Trabaho 'ko rin na alagaan ka. Mahal kita eh." umiiyak na sabi 'ko, niyakap lang din ako nito.







Lumipas ang minuto na magkayakap lang kami at umiiyak nang matapos ang iyakan ay naupo lang kami at nagpahangin. "Hazel." pagtawag nito sa'kin.





"Bakit?" sumisinghot na sabi 'ko.




"Can I win you back?"




Napatigil ako at pinigilan ang ngiti. "Ligawan mo muna ako!" natatawang sabi 'ko.




"No need to say it

, gagawin 'ko yan kahit di mo sabihin." he smiled at me.



Natapos ang ilang araw at lingo at parating bumibisita si Troy sa'kin, lagi rin niya akong dinadalhan ng bulaklak at tsokolate sa ospital. Nakakatuwa lang isipin.






I hope I did make you smile. Do your best while treating your patients. I love u so much.

-troy



Ako naman ay napangiti sa mga letter ni Troy, itinatago ko ito sa munting baul 'ko. Nandoon lahat ang kacornyhan niya at kacheesyhan.





"Bibisita ako kanila tita ha." sabi ni Troy habang nagdadrive, sinundo niya kasi ako sa trabaho.





Nalaman ko rin na fully recovered na siya. Last year pa raw siya naoperahan at gusto sana niyang bumalik dito sa Pilipinas na magaling na magaling na siya para kapag niligawan niya ako uli ay hindi 'ko siya sagutin nang dahil naawala lang ako sakaniya. Baliw talaga!!





"Uhm actually.."



"What?" tanong nito.




"Hindi alam ni Mom and Dad na nagbreak tayo." nakayuko 'kong sinabi.




"Talaga? Ayos pala eh." natatawang sabi nito,


"Eh ayokong malungkot sila eh!! Kala mo ba sa condo tuloy ako umiiyak gabi gabi." pangaasar 'ko. Narinig 'ko itong napabuntong hininga. "Sorry Hazel, pangako hindi na uli kita papaiyakin."


--





"Troy hijo!!" masayang tawag ni Mom sakaniya sabay yakap.





"Tita!!"





"Nako welcome back sa Pilipinas!! Sinurprise mo pa kami ha." masayang sabi ni Dad. Tumawa lang kaming dalawa ni Troy.




"Nako, ang hirap ng ldr, mabuti't nakaya niyo." natatawang sabi ni Dad. Napangiti lang ako.




Natapos ang kainan namin at inabot kami ng gabing gabi dahil sa kakachismisan nila. Ako naman ay napapatawa lang.





Nang papasok kami sa kotse ay agad 'kong niyakap si Troy, nakita ko itong nanigas sa pagtayo pero nakabawi rin at niyakap din ako.





"Pucha namiss 'ko to!!" natatawang sabi niya sabay yakap sa'kin ng mahigpit.





"Troy, salamat ha."




"Salamat din Hazel, kung alam mo lang kung paano mo 'ko pinasaya---"




"Sinasagot na uli kita."





Autumn Love (Season Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon