Hazel's
Hingal na hingal ako habang nakatingin sa salamin ng banyo. Pucha! Tinakbuhan ko lang naman si Troy! Alam 'kong nagtataka kayo kung bakit, ako rin eh.
"Ikaw ha, crush mo rin pala ako." natatawang sabi nito, agad namang nanlaki ang mata dahil sa gulat 'ko sabay tayo.
"Oh sa'n ka pupunta?"
Hindi ko siya pinansin sabay alis. Kailangan 'kong makaalis dito! Baka isipin niya na stalker ako! Napansin 'kong sinusundan ako nito kaya't dinalian 'ko ang paglalakad. Hindi naman naging effective ang plano 'ko dahil hindi hamak na mas mahaba ang legs niya kesa sa'kin kaya't napagdesisyunan 'kong tumakbo.
"Hazel!" tawag nito sa'kin nang makita akong tumakbo. Nang makalayo ay agad akong huminto at sumandal sa pader. Nakakapagod! Bakit ba kasi ako tumakbo!?
"'Di mo naman sinabi na magfafunrun tayo."
Gulat akong napalingon sakaniya. He is grinning at me kaya't agad akong tumakbo palayo uli sakaniya. Narinig 'ko pa siyang tumawa. I don't know why I am running but I can't help it everytime I saw his annoying face.
Nang marinig ang tawag niya ay mas binilisan 'ko ang pagtakbo. Napangiti ako nang makita ang cr ng girls kaya't agad akong pumasok dito.
---
Naghintay ako ng ilang minuto bago napagdesisyunang lumabas ng cr. Feeling 'ko tuloy amoy banyo na ako. Binuklat 'ko ang bag 'ko at kinuha ang pabango. Inispray 'o ito sa buong katawan 'ko bago lumabas.
Tumingin ako sa paligid bago lumabas upang icheck kung nandito si Troy. Agad naman akong nadisappoint, ewan ko ba?
Agad akong naglakad papuntang classroom para sana maging payapa ang umaga 'ko. Agad akong napahinto nang makita sa isang gilid si Troy kausap ang isang babae. Napairap naman ako.
Nakita 'kong napatingin sa akin si Troy. Umasa akong lalapitan ako nito pero ngumiti lang siya. Ako naman ay inis na naglakad papuntang classroom. Bakit ba ako umaasa? This is so wrong. Diba you hate boys Hazel? What is happening to you!!?
"Hazel girl!" sigaw na bati sa akin ni Randy, my gay blockmate. Napatingin ako rito, this man is handsome. Kung hindi mo pa maririnig na magsalita ay hindi mo mahahalata na beki ito.
"Oh Randy, aga mo ha." natatawang sabi ko rito, ngmuso naman ito na tila bang nagyayabang kaya natawa ako.
"Siyempre noh! The queen needs to go early always." pabaklang sabi nito.
"Queen? Baka king!" pangasar ko rito, inirapan naman ako nito.
"Ewan 'ko sayo Hazel gosh. Let's drink coffee nga tara." sabi nito sa akin sabay hila, ano ba yan! Kakapanik 'ko lang sa room tapos papababain nanaman ako nitong bruha na 'to.
"Nakakapagod! Libre mo 'kong bruha ka ha." sabi ko rito habang pumipindot ito sa coffee vending machine.
"Wow! Ikaw pa magpapalibre sa'kin. Saksakan ka nga ng yaman eh."
"Fyi pamilya 'ko ang mayaman." irap ko rito, natawa naman ito sabay abot sa akin ng kape. Agad 'ko namang kinawit ang kamay 'ko sa braso nito, sanay na rin naman siya na ganon kaya't hindi siya umaangal.
Aalis na sana kami nang bigla akong mapahinto nang makita si Troy habang nakikipagtawanan sa babaeng kasama niya kanina. Papunta sila rito sa vending machine. Nakita 'ko itong napahinto nang makita ako. Napatingin ito sa kamay 'ko sa braso ni Randy at tinaasan ako ng kilay.
Tinaasan ko rin naman siya ng kilay bilang pag ganti. Napatingin naman ako sa babaeng kasama niya nang magring ang phone nito.
"Wait lang Troy ha." pagpapaalam nito kay Troy. Habang nakatingin si Troy sa babae ay agad 'kong nilapit ang mukha 'ko sa tenga ni Randy.
"Huwag ka muna magpakabakla ngayon!" mahinang bulong 'ko sa tenga niya. Napasulyap naman ako kay Troy nang marinig 'ko ang pagtikhim niya. He is glaring at me.
"Saglit lang akong nawala, may kasama ka na ha." panloloko ni Troy, agad naman akong sarakastikong tumawa.
"Siyempre naman kesa naman mawalan ako ng time sa boyfriend 'ko." nakangiting sabi 'ko rito sabay higpit ng hawak ng mahigpit kay Randy.
"Really?" tila 'di naniniwala na sabi nito.
"Oo! Bakit?"
"Alam ba ng boyfriend mo na nangiistalk ka ng ibang lalaki?" he smirked, agad 'ko naman itong sinamaan ng tingin.
"Oo naman! Open na open ako sa boyfriend ko noh!" sabi 'ko. Nakita 'ko namang napangisi ito.
"Babe, alis na nga tayo." sabi ko kay Randy, nakita 'ko naman na parang nandidiri siya pero pinigilan lang niya kaya't napatawa ako.
Nang malagpasan si Troy ay biglang hinila nito ang pulsuhan 'ko kaya agad akong napatigil.
"A-ano?"
"I like your boyfriend's type." sabi nito sabay ngisi. Nagtakha naman ako.
"Good for you!"
"Stay strong sainyo Randy." nakangising sabi nito sabay lapit sa babaeng kasama niya. Agad naman akong napanganga sa sinabi nito. Kilala niya si Randy?!
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Teen FictionSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
