Hazel's
"Anaaaak!! Gising na nandyan na ang manliligaw mo!!" malakas na sigaw ni Mom mula sa labas, agad naman akong napabangon. Manliligaw?
Agad naman akong naghilamos at nagpusod ng buhok. Pagkababa ng hagdan ay napatingin ako sa sala. I saw Troy talking with Dad.
"Oh anak andiyan ka na pala. Maiwan 'ko muna kayo ni Troy." sabi ni Dad. Umupo ako sa may tabi ni Troy na nakangiti sa'kin ngayon at sinamaan 'ko ng tingin.
"Anong ginagawa mo rito? Ang aga aga ha." masungit na tanong 'ko sabay kuha ng nakataob na baso sabay salin ng pitsel dito.
"Sorry naman, nagpapagoodpoints lang ako kanila tita." he shyly said.
"Pagoodpoints? Ba't?" sabi 'ko sabay lagok ng tubig.
"Diba ganon pag manliligaw?"
Agad akong binilaukan sa sinabi nito, nakita 'kong nagpanic ito at mahinang hinahaplos ang likod 'ko.
"Manliligaw?!" sabi ko rito nang makarecover mula sa pagkabilaok.
"Oo." sabi nito sabay iwas ng tingin.
"Ba't ka manliligaw sa'kin?!"
"Di ba obvious? Gusto kita, huwag kang magmaang maangan na 'di mo alam. I told you about it yesterday." dire diretsong sabi nito, ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin.
"Huwag 'ka mag-alala Hazel, sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita. Walang makakapigil sa'kin."
----
Napatingin ako sa bulaklak na nasa lamesa. It's been days since Troy started courting me. Palagi siyang nagdadala ng bulaklak at prutas tuwing umaga, sila Mom lang ang naabutan niya dahil madalas ay tanghali akong nagigising.
Hello beautiful! I hope you liked the flower. It is indeed beautiful as you. Enjoy your day, always think of me ;)
Napatawa naman ako ng mahina pagkabasa ng sulat mula sa bulaklak. Gosh, I can'y believe Troy is making me feel giddy. Actually, kinakabahan ako para sa araw na ito dahil mamaya ay magkikita kami nila Maddie, gusto 'ko sanag humingi ng tawad sa mga nasabi 'ko sakanila.
Nang makarating sa coffeeteria ay grabe ang butil ng pawis 'ko. Napabuntong hininga akong nagpark dito. Bago lumabas ay napatingin ako sa dm sa'kin ni Troy kaya't napangiti ako.
troyseb: don't be nervous, magkakabati rin kayo.
Pagkapasok sa Coffeeteria ay agad 'kong nakita ang pwesto kung saan nakaupo sila Maddison, "order first before seating." nakasimangot na sabi nito. Napalunok naman ako bago tumango.
Pagkaorder ay agad akong umupo sa harapan nila. Elizabeth is looking at her phone, Olivia is looking away and Maddison is seriously looking at me.
"U-uhm, sorry?" nahihiyang sabi 'ko sakanila. Napakunot naman ang noo 'ko ng magtakip ng mukha si Olivia. Napatingin ako kay Elizabeth na maukhang may sasabihin, bago pa siya magsalita ay agad 'ko itong pinangunahan.
"Sorry!! I didn't mean what I said that night!! I love you girls, I don't want you to feel the hurt that I am feeling, I'm just really feeling blue that time. I'm really sorry." dire-diretso 'kong sabi.
Napatitig naman ako kay Olivia nang marinig itong tumawa. Nakita 'ko naman itong siniko ni Maddie, dahil 'don ay mas lalong tumawa si Olivia kaya't lalo akong naweirdohan.
"Sorry!! 'Di ko talaga mapigilan!!" natatawang sabi ni Olivia.
"Same!! Her face is so funny!!" gatong pa ni Elizabeth sabay tawa ng malakas.
"Letse ka'yo, sinira niyo plano naten." naiiling na sabi ni Maddie sabay tawa.
"O-kay?" naguguluhang tanong 'ko, pero tumawa lang sila kaya't napasimangot ako.
"I'm sincere 'no!! Don't laugh at me." irap 'ko sakanila, pero tumawa nanaman sila.
"W-we planned to be serious para matakot 'ka at kabahan!" tawang tawa na sabi ni Olivia.
"Oo, pero loko failed kami!!" tawang tawa pa na sabi ni Elizabeth.
"Ano ba yan!! Patawarin niyo muna ako bago niyo ako pagtawanan." pabirong sabi 'ko sakanila.
"Gaga, di ka pa nagsosorry ay pinatawad 'ka na namin."
--
"Mabuti naman." nangingiting sabi ni Troy bago sumubo ng kinakain niya.
"Kaya nga loko!! Kinabahan talaga ako as in." naiiling na tawa 'ko.
We are here at foodcourt in mall. I told him what happened yesterday while we are eating. Siya naman ay masaya para sa'kin dahil sa wakas ay nakapagusap na kami.
"I missed to see you like this." natatawabg sabi niya.
"Bakit? Ano ba itsura 'ko noon?" pabirong sabi 'ko.
"You look beautiful as always but there is sadness in your eyes these past few days." he shrugged, agad akong napaiwas ng tingin.
"B-bolero!!" namumulang sabi 'ko.
"My love is blushing." he amusily said while staring at me.
"Hindi pa kita sinasagot may endearment ka na?!" palokong sabi 'ko para matanggal ang hiya.
"Ba't 'ko pa papatagalin? Do'n din naman tayo mauuwi."
Agad 'ko itong hinampas, natawa naman siya. "Aping api na talaga ako sa relasyon na 'to!" pagkukunwaring reklamo nito.
"Oh edi itigil na natin 'to!" panggatong 'ko, sa halip na matawa siya at sinamaan lang ako nito ng tingin.
"Wala, walang titigil." nabusangot sabi nito kaya't natawa ako. "Cute mo!!" natatawang sabi 'ko. I saw his face softened.
"Talaga?"
"It's a prank!!" panloloko 'ko.
"Pasalamat ka, mahal kita."
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Teen FictionSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
