Chapter 23

538 21 0
                                        

Hazel's pov


Kinabukasan ay may inoperahan ako sa puso, muntik pang mamatay ang pasyente kaya't grabe ang kaba na naramdaman 'ko. Mabuti't naging maayos ang operasyon.

"Doc, sabay na tayo kumain." pagyaya ni Greg, pumayag naman ako.




Nang makarating sa malapit na fastfood chain ay hinayaan 'kong magorder si Greg, habang ako'y naghahanap ng upuan. Nagulat ako nang makita si Troy, may kausap siyang babae. Gusto 'ko nang maiyak nang makitang yung katabi nalang nila yung bakanteng pwesto.




Wala akong nagawa at nagpainosenteng umupo don habang nakatingin kunwari sa phone.




"Hazel? Ikaw ba 'yan?"




Napatingin ako sa boses babaeng nagsalita, nanlaki ang mata 'ko nang makitang si dean ito. "Dean!!" masayang tawag 'ko tila binabaliwala ang presensya ni Troy.





"Aba doktora ka na sa Limuel ha." masayang sabi ni Dean. "Ay opo." nahihiyang sabi 'ko.




"By the way!! Si Troy nga pala, naaalala mo siya? Diba medyo magkaclose kayo noon? Kinukulit ka nga niya lagi diba?" masayang sabi ni Dean, agad naman akong nahiya at naalala ang nangyari noon.




"Ah eh--"




"Hazel."




I felt relieved when I heard Greg's voice. "Oh Greg!!" masayang tawag 'ko, I saw Troy's eyes stared at Greg, napangisi nalang ako ng palihim. "Dean! Si Greg nga po pala, katrabaho 'ko." pagpapakilala 'ko.





"Aba, baka boyfriend ha." nangaasar na sabi ni dean. "Nako hindi--"





"Liligawan 'ko palang po 'yan." singit ni Greg, agad 'ko itong pinanlakihan ng mata, natawa lang ito. Narinig 'ko namam ang panunukso samin ni Dean, pasimple akong tumingin kay Troy, mas naging seryoso at nakakatakot ang mukha niya.




Binaliwala 'ko lang ang mga pangaasar, mabuti't tumigil na si dean. Nagkwentuhan naman kami ni Greg nang kung ano-ano.




"Loko!! Namumula na sa inis si bossing." natatawang sabi ni Greg, kaya't natawa ako. Pangasar kasi si Greg sa new head ng nursing kaya't natatawa nalang ako.




"Ikaw ha!! Loko ka, kapag ikaw natanggal." natatawa habang umiiling na sabi 'ko.



"Troy."




Napatingin naman kaming parehas ni Greg sa gawi nila Troy nang marinig ang boses ni dean, I saw Troy stood up and get his things. Dumiretso ito palabas, hindi man inantay si dean.




Pagkaalis nila ay agad 'kong binatukan si Greg, natawa lang ito. "Loko, gusto ka pa yata ng ex mo!!" tawang tawa na sabi nito.





"Bulul, kaya nga nakipaghiwalay, 'di na daw niya ako gusto!" natatawang sabi 'ko pero bigla 'kong naramdaman yung sakit.





Oo nga 'di pa ako nakakamove on.





Kinabukasan ay napagdesisyunan 'kong pumunta kanila Mom dahil may naiwan akong gamit. Pagkakuha ng gamit ay agad 'kong hininto ang sasakyan 'ko sa may park. Wow, memories. Umupo ako sa may swing at nagmuni muni.





"Hazel?"






Napataas ang tingin ko at napangiti. "Zoa!!" masayang bati 'ko, napatingin ako sa katabi niya, it's Zarren. "Aba Zarren!! Gwapo pa rin haa. Laki mo na." natatawang sabi 'ko rito.





Umupo naman kami sa may swing at nagkamustahan ni Zoa. "Tagal na nating 'di nagkikita ha, buti naalala nyo pa ako." masayang sabi 'ko.






"Syempre naman, tinulungan mo kaya abg mahal na mahal kong baby." sabi nito sabay halik sa ulo ni Zarren. "Ma, I'm not  a baby anymore!!" pagrereklamo nito. Napatawa naman ako.





"Kaya hindi mo na rin kami nakita ay lumipad kami sa States, kakauwi lang namin last week actually." masayang sabi nito.







"Ay bigtime pala kayo eh! May bahay kayo sa States?"





"Hindi, nagkasakit kasi yung kapatid 'ko, nagkacancer. Ang hirap nga eh, alam mo yung taong kilala mong palangiti at mapangasar na nanghihina na." malungkot na sabi nito.




"Pasensya na ah" paguumanhin 'ko dahil natopic pa namin.




"Hindi, okay lang 'yon! Nakarecover siya sa awa ng diyos. Ayon bumalik na sa dating masiglang lalaki." natatawang sabi nito.





"Wow, ayos pala eh. Kuya mo ba 'yon o bunso?" curious na tanong 'ko.





"Nako nakakabatang kapatid 'ko yon. Mas bata lang sa'kin ng 2 taon." natatawang sabi nito. "Kaming dalawa lang ang magkapatid kaya't sobra ang pag-aalala 'ko sakaniya noon." nakangiting sabi nito.





"Mabuti naman at ayos na siya ngayon, magagaling ang mga doktor sa ibang bansa at mas high-tech ang mga gamit nila do'n kaya't tama lang na--"





"Titooo!!!"





Napalingon kami ni Zoa kay Zarren nang sumigaw ito ng malakas, ako naman ay napatingin sa tinatawag niyang tito ngayon, agad akong napatulala.






"Oh andiyan na pala yung kapatid na kinukwento 'ko sa'yo, tara Hazel papakilala kita kay Troy."


Autumn Love (Season Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon