Hazel's pov
Kakalabas 'ko lang ng classroom dahil natapos na ako mag exam. Hays, finally natapos din ang paghihirap 'ko. Graduation nalang ang inaantay! Omg!
Napatingin ako sa phone 'ko at agad na nagcompose ng text kay Mom. Inaya kasi nila ako maglunch sa bahay nila. Nagulat nga ako nang sabihing huwag na ako magdala ng kotse, weird.
Bilang masunuring anak ay nag grab nalang ako papuntang subdivision since hindi rin naman ako nagdala ng kotse papunta sa school.
"Anak!!" masayang sabi ni Mom, agad 'ko naman itong niyakap.
"Oh anak! Kamusta exams?" nakangiting bati naman sa akin ni Dad, niyakap ko rin ito.
"Ayos lang po."
"Nako tara na't kumain." sabi ni Dad sabay hila sa akin papuntang dining area.
"Anak by the way, I did invite the engineer of this house." sabi ni Mom.
Oo nga pala, bagong gawa lang itong bahay na tinitirhan nila Mom. Gusto kasi nila sa Manila tumira. Sa Bulacan kasi kami talaga nakatira noon, lumipat lang ako noong highschool dito sa Maynila.
"Talaga po? Ayos po pala." nakangiting sabi ko kay Mom. Nang makarating sa dining area ay napatigil ako at tila gustong bawiin ang sinabi nang makita si Troy.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray at gulat na tanong ko sakaniya. Napaaray naman ako nang batukan ako bigla ni Mom.
"Mom!!" pagangal 'ko.
"Don't be rude!! Pasensya na engineer sa anak ko ha." paguumanhin ni Mom. Gulat naman akong napatingin kay Mom bago tumingin kay Troy.
"What? Engineer?!" gulat na tanong 'ko.
"Oo anak, engineer? Inhinyero? Bakit may problema?" mataray na sabi ni Mom, kaya't napanguso ako. Napatingin naman ako kay Troy nang marinig itong tumawa.
Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa upuan. Nagsimula ang dinner na tahimik lang ako habang sila Dad ay apura kausap kay Troy. Sino ba talaga ang anak?
"This subdivision is good. Mabuti at nirecommend sa'kin ito ng kaibigan 'ko." ngiti ni Dad kay Troy.
"Thank you Mr. Cruz." he sincerely said.
Napatingin naman ako kay Troy. Ba't siya nagthathank you? Siya ba yung subdivision? Feeling niya siya pinupuri ha.
"Balita 'ko wala ka pang asawa Mr. Santos. Pwede 'ko ba matanong kung bakit?" tanong sakaniya ni Mom. Napatingin naman ako, ba't naman nagtatanong ng ganon si Mom kahiya.
"Ma, don't invade his personal life. Wala pa nga 'yang girlfriend eh." pagsabat 'ko.
Napatingin naman sa'kin lahat dahil don. "Ikaw ha Hazel Cruz, paano mo nalaman?" nakataas na kilay na tanong ni Mom.
"We do know each other." simpleng sabi ko sabay subo ng kanin.
"Omg! Really?" masayang sabi ni Mom. "Di na pala ako mahihirapan na iret--"
"Hon." pagpigil sakaniya ni Dad, agad namang napahagikgik si Mom kaya't napatingin ako rito.
"By the way, is it hard to handle a big subdivision?" tanong ni Dad kay Troy, napakunot naman ang noo 'ko.
"Sakto lang po." pahumble na sabi ni Troy, kaya't napairap ako.
"So, do you have a house here in your subdivision?"
His subdivision? Omg, don't tell me he owns this subdivision?! Agad akong nahiya dahil sa pagmamaliit 'ko sakaniya noon.
"Yes po, actually I am living here." magalang na sabi nito kay Dad, tinanguan naman siya nito.
"By the way, what's your ideal type hijo?" nakangiting tanong sakaniya ni Mom.
"Hmm, I don't have ideal type po." nahihiyang sabi ni Troy kay Mom.
"Pero yung sa tingin mo na magugustuhan mong ugali?" hyper na tanong sakaniya ni Mom kaya't napailing nalang ako.
"Yung mabait po siguro? Passionate? Hardworking? The one that can makes me laugh." natatawang sabi ni Troy sabay iling.
"Oh really? Nako!! That's nice." mom said while giggling. Agad naman itong napatingin sa'kin sabay ngiti.
"Anak, diba kakatapos lang ng exam mo? Kamusta? Alam 'kong grabe ang pagaral mo. I'm so lucky to have a hardworking daughter like you. Tsk! Tas may sense of humor pa that can make others laugh! Napakabait na bata! Like mother like daughter talaga."
Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi ni Mom. What the heck? Narinig ko rin naman ang pagtikhim ni Dad kay Mom habang si Troy ay napatawa.
Natapos ang dinner na nakasimagot ako. Akala ba ni Mom hindi ko nahahalata ang pasimpleng reto niya sa'kin kay Troy! Gosh nakakahiya. Si Troy naman ay tumatawa lang sa sinasabi ni Mom. He's tolerating my Mom duh!
"Anak, diba may pasok ka pa bukas? Nako delikado na sa daan. Did you bring your car?" nakangising tanong sa'kin ni Mom.
I knew it! Sabi ko na nga ba at may plano itong nanay ko kaya't hindi ako pinagdala ng kotse.
"Meron po." pagsisinungaling 'ko, agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Mom.
"Hala, ba't walang nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay and I saw you went out from a grab?" painosenteng sabi ng magaling 'kong nanay. Napabuntong hininga nalang ako.
"Mom!!"
"I will drive her home po." biglang sabi ni Troy, narinig 'ko naman ang paghagikgik ni Mom.
"Uy ayon naman pala eh, sigee na alis na kayo chupi." pagpapalayas sa'kin ng nanay 'ko. Hinalikan 'ko sila sa pisngi bago umalis.
"Manggagawa pala ha." mataray na sabi ko rito habang kinakabit ang seatbelt.
"Bakit? Totoo naman ha." natatawang sabi nito.
"Namisinterpret 'ko tuloy!"
"Ba't parang kasalanan 'ko?" madramang sabi nito sabay hawak sa dibdib.
"Parang ayaw na tuloy kitang bwisitin. Bigtime ka pala." sabi 'ko sabay tingin sa mga bahay na nadadaanan namin.
"Weak ka pala eh" natatawang sabi nito kaya't hinampas ko ito.
"Aray ko naman." pagrereklamo nito, tinawanan 'ko lang naman siya.
"Tss, pasalamat ka crush kita."
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Fiksi RemajaSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
