Hazel's pov
"Pucha 1 week nalang graduation naaa!!!" tuwang tuwa na sabi 'ko habang lumalagok ng alak.
"Huwag masyadong magpakasaya may board exams pa." natatawang sabi ni Olivia, kaya napanguso ako.
"Ano ba 'yan! Panira ng moment hmp!!"
Natawa naman sila bago lumagok ng inumin. "Lagi kayong magkasakit ha, para kumita naman ako." sabi 'ko sabay tawa.
"Sige support ka namin." natatawang sabi ni Maddie sabay shot.
Natapos ang ilang araw at eto na!! Graduation 'ko na bukas! Ako naman ay naglibot libot sa school, gosh mamimiss ko rito. Napangiti ako habang nasa graden, ito ang takbuhan 'ko sa lahat. I find my peace of mind here too, saksi rin ito sa mga paghihirap 'ko sa pag aaral.
"Oh, baka maiyak ka pa riyan ha."
Agad akong napalingon at medyo hindi na masyadong nagulat, palagi namang sumusulpot si Troy kung saan saan. Minsan nga nagtataka ako kung bakit palaging nandito si Troy eh. Girlfriend ba niya yung dean, tss.
"Eh graduation 'ko na bukas eh." pagpaparinig 'ko.
"Edi congrats." nakangising sabi nito kaya't napasimangot ako.
Nang makita niya akong umupo sa bench ay sinundan ako nito. "Mamimiss ko rito." pagtatopic 'ko.
"Edi bumalik ka." sabi nito kaya't binatukan 'ko. "Ano kala mo sa'kin maraming time? Fyi magdodoktora kaya ako!!" inis na sabi ko rito. Napatawa naman siya saglit bago tumahimik.
"I can't wait to see you treating patients though." biglang sabi niya sa gitna ng katahimikan. Napangiti naman ako.
"I can't wait too." ngiti 'ko.
"You really love to be a doctor?"
"Yes, nagpurisgi talaga ako para makapagmedschool. Kahit hindi ako nerd noong highschool ay nagpakanerd ako para lang makapagfocus." I said while smiling wholeheartedly.
"I love your smile."
Dahil sa sinabi niya ay agad akong napatingin sa'kanya, he is staring at me. "You're really passionate." he said then smiled genuinly.
"I like your smile too." biglaang sabi 'ko. I saw his slightly shocked face before laughing. This is the first time that I saw him genuinly smiled so I can't help but to compliment.
"Hmm, I shall smile often then." he said while nodding.
"Hazel Cruz, Valedictorian."
Ngumiti kami nila mommy sa camera bago bumaba ng stage. Pagkabalik sa upuan ay agad akong cinongrats ng mga katabi 'ko, I smiled at them. Nang matapos ang program ay agad akong nilapitan ng tatlong bruha at niyakap.
"Congrats huhu!!!"
"Nakakaproud loko."
"Sa wakas, natapos din sa pagaral."
Pagkatapos ng graduation ay kumain kami sa restaurant nila mommy bilang celebration. Ang celebration naman kasama ang mga kaibigan 'ko ay mamayang gabi. I invited close friends at isa na ron si Troy and I did some reservations sa Daylights kaya't solo namin ito.
Nang dumating ang gabi ay agad akong nagbihis ng maroon fitted crop top at highwaised black pants. Pagkasakay 'ko sa sasakyan ay agad 'kong kinabit ang seatbelt, bago 'ko paandarin ang sasakyan ay napatingin ako sa phone 'ko.
troyseb: congrats hazel, sorry i can't go to your party because of an emergency, babawi ako.
Agad naman akong napasimangot nang makita ang message ni Troy, itinago 'ko agad ang phone at nagdrive papuntang Daylight's.
Sinalubong ako nila Elizabeth nang makita nila ako at walang sawang nagcongrats nanaman kaya't natawa ako. Ako naman ay naglakad sa mga inimbita 'ko at kinamusta sila isa isa. Pagkaupo sa pwesto namin nila Maddie ay napalagok agad ako ng alak.
"Oh ba't mukhang 'di ka masaya?" tanong ni Elizabeth habang nakaakbay dito si Ethan.
"Masaya ako noh." sabi ko sabay ngiti, napailing lang ito.
"Weh?" gatong naman ni Olivia pagkalagok ng alak.
"Hinay hinay lang sa pag-inom. Feeling ko magiging suki ko kayo sa ospital balang araw eh." natatawang sabi 'ko.
"Okay lang 'yon, libre mo naman kami 'noh?"
"Hoy! Di libre ang serbisyo 'ko noh!"
"Para namang 'di friends." pabirong sabi ni Maddie kaya't binatukan ko ito.
Natuloy lang ang party, lahat ay nagkakasayahan maliban sa'kin. I don't know but I feel incomplete.
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Genç KurguSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
