Hazel's
"Oh dad? Tulungan 'ko na po kayo." magalang na sabi 'ko kay Dad nang makita itong may buhat na kahon.
"Nako huwag na." natatawang sabi ni Dad sabay lapag ng kahon sa isang tabi. "Kinuha 'ko lang ang mga natitirang gamit na kakailanganin sa bahay natin na nasa Bulacan." pagpapaliwanag ni dad, napatango naman ako.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumingin sa may pintuan si Dad, "hijo dito nalang sa gawing ito." masayang sabi ni dad.
Napatingin ako sa may gawing pinto at nanlaki ang mata, Troy is carrying some boxes. When he saw me, he genuinly smiled at me.
"Anong ginagawa mo rito Troy?!" gulat na tanong 'ko.
"I am helping tito." sabi nito sabay lagpas sa'kin para mailagay sa may likuran 'ko ang kahon. Lihim naman akong napangiti, with the view of him helping my family makes my heart flutter.
"Maraming salamat Troy hijo, napakabait mong bata. Maiwan 'ko muna kayo ni Hazel." sabi ni dad sabay alis.
Pagkaalis ni dad ay napatingin ako kay Troy, pasimple 'kong sinulyapan ang katawan nito. He is wearing a black fitted shirt and gray khaki short. He is wearing a black watch too. I saw his abs through his black tshirt, napalunok naman ako bigla.
"Ikaw ha, minamanyak ako ng mata mo!!" pagrereklamo nito habang tumatawa.
"Hindi ah!!" pagdedeny 'ko.
"Huwag 'ka magalala, kapag sinagot mo na 'ko libreng libre ka na tumitig dito." he chuckled then pointed at his abs, agad 'ko itong binatukan.
Inaya nila Mom si Troy na sumabay sa'min mag breakfast ngunit agad na tumanggi ito.
"Thanks tita but I need to go, dumaan lang po ako saglit dito." magalang na sabi ni Troy. Napanguso naman ako, gusto 'ko pa siyang makasama!
"Oh sige hijo, ikaw naman Hazel ihatid mo si Troy pag lalabas na siya." sabi ni mom bago kami talikuran. Napatingin naman ako kay Troy na nakangisi sa'in.
"Sa'n punta mo?" curious na tanong ko rito.
"Bahay." sabi nito habang naglalakad kami palabas ng bahay. Akala 'ko ba may kailangan siyang gawin? Baka mangchiks 'to ha!! Kakalbuhin 'ko ang babae niya!!
"May kailangan ka gawin don?" taas kilay 'kong sabi nito.
"Yes, maliligo." sabi nito sabat tingin sa orasan niya.
"Tapos?" curious 'kong tanong.
"Magbibihis?" natatawang sabi niya.
Sinamaan 'ko ito kaya't napatawa ito. "Gagayak ako misis 'ko, kailangan ng pampaaral ni Junjun kaya't kakayod ako." natatawang sabi nito kaya't sinamaan ko ito ng tingin.
"Oh sige na lumayas 'ka na." pagtataboy 'ko rito.
"Aww pinapalayas mo 'ko?" pagpapacute nito.
"Hindi ba obvious?" mataray na sabi ko rito.
"Oo na, oo na." natatawang sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse niya. "Mauna na 'ko Hazel ha." sabi nito sa'kin bago kumindat kaya't napatawa ako bigla. Tinanguan 'ko rito kaya't pumasok na ito sa kotse.
Nang makapasok siya sa kotse ay agad 'ko itong kinatok. Napangiti ako nang makita 'ko itong nakakunot ang noo habang unti unting bumababa ang bintana ng kotse niya.
"Wh--"
"Ingat 'ka mahal ha, patay 'ka sa'kin kapag wala kang inuwing pera, bukas ang bayaran ng tuition ni Junjun!!" natatawang sabi 'ko sakaniya sabay halik sa pisingi nito. I saw his shocked face, agad naman akong tumalikod dito at pumasok na sa bahay.
Pagkapasok sa bahay ay agad akong namula. Gosh! Ba't ko ba siya hinalikan?!!
Natapos ang ilang araw na hindi 'ko pinapansin si Troy. Tuwing pupunta siya rito ay hindi ko ito iniimik. Madalang din akong bumaba kapag alam 'kong nandoon siya.
"Anak, nakagayak na ba ang mga gamit mo?" tanong sa'kin ni mom.
"Opo, mom." masayang sabi 'ko. Bukas kasi ay magbabaguio kami kaya't inayos 'ko na ang mga dadalhin 'kong gamit.
"Set your alarm ha! 'Di kita gigisingin bukas, papabayaan kitang maiwan." masungit na sabi ni mom kaya't napatawa ako. Manang mana talaga ako sa pinagmanahan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayaw 'kong maiwan. I am wearing a black fitted longsleeve and a maong gray square pants. Minessy bun 'ko lang ang buhok ko.
"Wow anak, for the first time!! Aga ha." natatawang sabi ni Mom habang umiinom ng kape, nakagayak na rin sila ni dad. Nang makitang ubos na ang kape ay agad akong nagtaka dahil hindi pa sila tumatayo.
"Dad? Tara naa po." pagaaya 'ko, napasimangot ako nang hindi ako pansinin nito sa halip ay nakita 'kong may tinitipa sa phone.
"Ma oh!! May kachat si dad." pangaasar 'ko, pero tinawanan lang nila ako kaya't napasimangot ako.
Natapos ang ilang minuto bago tumayo sila mom at nagyayang lumabas. Nanlaki naman ang mata 'ko ng makakita ng itim na pamilyar na kotse.
"Troy hijo!!!" magiliw na bati ni dad kay Troy.
"M-ma anong ginagawa dito ni Troy?" pabulong na sabi 'ko sa nanay ko.
"Inaya 'ko siya. Bakit masama?" taas kilay na sabi sakin ni Mom, napabusngot naman ako.
"Sige na tara na, para maaga tayong makarating." sabi ni dad, sasakay na sana ako sa kotse namin nang pigilan ako ni mom.
"Hep hep!! Walang kasama si Troy, baka antukin don ka sa kotse niya." sabi ni Mom sa'kin kaya't wala akong nagawa. Napatingin ako kay Troy na nakasandal sa sasakyan niya. He is wearing gray sweater and a black pants. Napaiwas tuloy ako ng tingin, magkaterno pa kami ng damit!!
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Teen FictionSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
