Hazel's pov
Napatingin ako kay Troy na natutulog habang nakapasak ang earphones sa tenga. Ang gwapo ng boyfriend 'ko!! Nasa eroplano kami ngayon at malapit nang mag landing ang eroplano.
"Baby, wake up." mahinang bulong 'ko rito.
Nang makarating sa airport ay tuwang tuwa ako habang nakaakbay sa'kin si Troy. Sila mom at dad naman ay nasa harapan namin at nauunang maglakad, magkaholding hands.
"Baby, napakasaya 'ko!!" masayang sabi 'ko rito habang kinukuha ang bagahe. "I'm glad that you are." he smiled.
Nang makarating sa hotel ay agad kaming nagayos ng gamit. Ang binook naming hotel ay 1 room with three seperate rooms. Nagpunta ako sa may veranda at nilanghap ang simoy hangin ng Japan, medyo nagulat ako nang maramdamang may yumakap sa'kin mula likod. "I love you."
----
Ang una naming pinuntahan ay ang Niseko. Nagayos kami ng damit para magski..nakakaexcite mag ski!!
"Dahan dahan Hazel." natatawang sabi ni Troy, sa sobrang tuwa 'ko kasi ay binibilisan 'ko ang pagskiski. May nagturo sa'min kanina kung paano magski kaya't kaya 'ko na.
Natapos ang kalahating araw na nagpagod kami sa kaka-ski. Nang mag gabi ay nagpunta kami sa Shibuya, si Troy naman ang naging photographer 'ko.
Kumain kami ng japanese foods kaya't tuwang tuwa ako. Si Troy naman ay naaliw sa'kin dahil sa sobrang tuwa 'ko.
Kinabukasan ay nagpunta kami ng Kyoto, nagsuot kami ni Mom ng Kimono. Pinipilit namin sina Dad at Troy pero tumatanggi.
"Tiga picture nalang kami Hazel, diba po tito?" natatawang sabi ni Troy.
"Oo nga hijo tutal maganda naman ang photograohy skills natin." sabi ni Dad.
"Bahala nga kayo riyan, tara na Hazel mamasyal tayo!!" sabi ni Mom sabay irap kay Dad. Natawa lang si Dad at sinundan nila kami.
At totoo nga, sila ang tiga picture namin. Ang gagwapong photographer!! I looked at Troy, he is wearing a cream white turtle neck, gray pants and a long black coat. His hands are on his pockets while staring at me.
Nang malamigan ay agad kaming nagpalit ng damit. I am wearing a white turtle neck shirt, black pants and a gray bexley coat.
Habang naglalakad ay napatawa ako nang bigla akong yakapin ni Troy, "clingy mo tol." panloloko 'ko, natawa lang siya.
"Sweet naman." natatawang sabi ni Mom bago kami lagpasan. Nang mag-gabi ay nanood lang kami ng movie nila mom, dad at Troy. Nang maramdaman ang gutom ay napanguso ako. Bigla 'kong sinundot ang tagiliran ni Troy, napatingin naman ito sa'kin.
"Nagugutom ako." bulong ko rito, i heard him chuckled. Nagpaalam kami ni Troy kanila Mom na bibili kami sa malapit na convenient store, agad baman silang pumayag.
Agad 'kong sinuot ang makapal 'kong coat at lumabas. "Gutumin ka talagang bata ka." pabirong sabi nito, tinawanan 'ko lang siya. Nakaakbay siya sa'kin habang naglalakad kami. Pagkabili ng pagkain ay naupo muna kami sa may bench, binuksan 'ko na ang isang inumin at ininom ito.
"Tomorrow's our last day." malungkot na sabi 'ko, I heard him chuckled and hugged me. "Okay lang 'yan. Babalik tayo dito pag doktor ka na. Ako naman ililibre mo." natatawang sabi nito.
"Promise?"
"Promise. I love you Hazel."
Nang makauwi nang Pilipinas ay nagsimula na akong magreview para sa board exams. Ang bilis ng panahon, I can't wait to be a doctor!! Malapit na rin ang monthsary namin ni Troy!! I'm so excited, ano kayang magandang gawin?
Natapos ang ilang linggo na puro review ang ginawa 'ko, natuwa naman ako kay Troy dahil araw araw niya akong binibigyan ng motivational quotes.
Dumating ang araw na natapos 'ko na ang board exam. Ang saya sa feeling kaso may kahating kaba. Sana makapasa ako. Napatingin ako kay Troy nang marinig ko itong tumawa.
"Mukha kang natatae na ewan." natatawang sabi nito, agad ko itong sinapok. "Sarap mong sapakin!" inis na sabi ko rito.
"Halatang halata naman e no. Palagi mo akong sinasapak eh." naiiling na sabi nito kaya't natawa ako. Kinuha 'ko ang braso niya at hinawakan siya rito. "Sorry naa." panlalambing 'ko.
Nagpunta kami ni Troy sa condo 'ko para makapag ayos ng gamit. Sasamahan daw niya ako para makatulong siya, napakabait talaga ng boyfriend 'ko hihi.
Pagkatapos maglinis ay naupo ako sa sofa para pumikit. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Naramdaman 'ko namang umupo si Troy sa tabi 'ko kaya't napatingin ako. Nang mapadilat ang mata 'ko ay napatingin ako sakanya, he is staring at me.
"I love you Hazel."
BINABASA MO ANG
Autumn Love (Season Series #3)
Teen FictionSeason Series #3 Hazel Cruz, a med student that can't move on from her past boyfriend. He hurted her so much. The pain, makes her vulnerable. Not until, she met her bestfriends. Sobrang mahal na mahal ni Hazel ang mga kaibigan niya. Lagi niya itong...
