"What's your plan for summer, Anna?" Ilang beses na akong tinanong ng mga kaklase ko niyan. Paulit-ulit. Nakaririndi. Nakakasawa.
"Hindi ako pupunta sa kung saan man, Jessica." Tinignan ko siya, "Hindi naman kasi ako kagaya n'yo na mayaman at kahit saan gustong pumunta ay makakapunta."
Pilit siyang ngumiti sa akin at unti-unting umatras. Bumuntong hininga ako at yumuko nalang sa desk ko, nakaharap ang mukha sa bintana.
Nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan dito sa Bataan. Scholar ng Bayan ako kaya nagawa kong makapag-aral sa isa sa mga malaking paaralan dito sa amin.
Bata pa lamang ako noong maghiwalay ang mga magulang ko. Napunta ako sa tatay ko. Umalis kasi si Mama papuntang Korea at hindi na bumalik pa. Simula noon, wala na akong balita sa kaniya.
Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagsumikap ako upang makatulong kahit papaano sa tatay ko na isang company driver. Hindi namin siya madalas makasama dahil sa manila siya naka base at umuuwi lamang tuwing may day off o 'di kaya ay tuwing may okasyon gaya ng pasko at bagong taon.
"Anna?" Mabilis kong pinahid ang mga mumunting luha sa aking mata nang kalabitin ako ng kaklase ko. Tiningala ko siya at nginitian. "Tawag ka ni Professor Mark sa faculty." Iyong lamang ang sinabi at umalis na.
Tumayo ako at inayos ang palda kong hanggang itaas ng tuhod. Ang uniporme kasi rito sa school ay paldang kulay maroon na hindi lalagpas ng two inches above the knee, mahabang itim na medyas, puting blusa at kulay maroon na vest. Tuwing lunes ay kailangan naming isuot ang blazer na maroon at tuwing martes hanggang biyernes ang vest.
Kumatok ako ng tatlong beses ng makarating ako sa faculty. Pagpasok ay nakita ko kaagad sa mesa ni Sir Mark. Nakaupo siya at tila busy sa kung anong nasa laptop n'ya.
"Sir?" Tumingala s'ya at tila nagulat pa na naroon ako.
"Anna. May klase ba kayo ngayon?" Umiling ako. "Mabuti. Gusto kitang makausap dahil merong ibinabang offer ang presidente ng school at tingin ko, nababagay ka roon sa offer" aniya.
"Ano pong offer, sir? Baka mamaya ay masama yan" biro ko na ikinatawa naman niya.
"Ano ka ba. Tingin mo ipapahamak namin ang mga students namin? Maupo ka muna at kukunin ko lang iyong kopya noong memorandum." Tumayo siya at nagtungo sa sa isa pang kuwarto ng faculty. Doon naka stock lahat ng mga papeles na kailangan nila, base sa nakasulat sa pinto.
"Eto na" naupo siya sa at binuksan ang isang puting folder. "So, as I was saying, merong offer ang school at gusto ko sana na isa ka sa ipapasok namin dahil maganda ang mga records mo."
"Ano po ba ang offer, Sir? Baka po may bayad 'yan wala po ako pera"
"Hindi. Wag kang mag-alala at libre ito. Magpapadala ang paaralan ng mga students sa Korea para mag-aral doon kapalit ng mga students din mula roon na mag-aaral naman dito sa atin" oh?
"Gusto ng presidente na pumili ng isa sa section natin at ikaw ang napili ko. Third year kana next year at mag oojt, tingin ko, magandang pagkakataon ito para makahanap ka ng maganda company na pwedeng pasukan. At isa pa, deserve mo ito." Aniya
Kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang buong detalye. Gusto ko. Gustong-gusto. Pangarap kong makapunta sa Korea dahil sa idolo kong Twice at ang bebelabs kong si Lee Min Ho!
Pero hindi ko rin sigurado dahil baka hindi ako payagan ni Tatay. Paano ang mga kapatid ko? Highschool palang si Jany at grade four naman si Mike. Paano sila kung sakaling payagan ako ni Tatay?
"Ano gusto mo ba? Ililista na kita at aasikasuhin ko na ang mga kailangan mo." Ang sabi, wala akong kailangan gawin kundi ang isecure ang passport ko at ang shool na ang bahala sa lahat.
"Hmm. Gusto ko, Sir. Kaso.." nag iwas ako ng tingin "hindi ko alam kung papayagan ho ako ng Tatay ko" bulong ko.
"Wag kang mag-alala. Tutulungan ka naming magpaliwanag sa Tatay mo. Mamayang uwian ay dumaan ka rito at ibibigay ko ang waver. Magandang pagkakataon ito para sa iyo"
Paulit-ulit kong inisip kung tatanggapin ko ba o hindi. Naglalakad ako pauwi isang kanto lang naman ang pagitan ng school sa bahay namin. Hawak-hawak ko ang waver sa kamay ko. Lumiko ako at natanaw ang bunsong kapatid na nakikipaglaro sa mga kaibigan niya.
Nang matanaw ako ay mabilis siyang tumakbo at yumakap sa akin. "Ate!" Nginitian ko siya at inaya sa loob ng bahay.
Ganoon lagi ang gawain niya. Pagkauwi ay gagawa ng assignment tapos nakikipaglaro hanggang sa matanaw niya akong naglalakad. Sasalubong siya sa akin at yayakap, saka sasama na pauwi.
"Si Jany?" Tanong ko ng matantong wala pa siya.
"Ah! Nag punta kina Ate Ema. Gagawa raw sila ng project. Ang sabi niya ay mga alas sais pa siya makakauwi"
Tumingin ako sa orasan at nakitang meron pa siyang trenta minutos. Ipinagkibit balikat ko nalamang iyon. Nasa dulo ng kantong ito ang bahay nina Ema. Malapit lang at safe naman rito dahil halos kapag anak namin ang mga nakatira.
"Nagluto na po ako ng ulam, Ate. Mauuna na po ba tayong kumain o hihintayin si Ate Jany?"
Tinignan ko ang ulam. Itlog. "Gutom ka na ba?" Umiling siya kaya tumango ako, "hintayin na natin si Jany, kung ganon. Maghilamos ka muna at tatawagan ko si Tatay" mabilis naman siyang sumunod sa utos ko.
Kinalkal ko ang bag ko para sa cellphone ko at tinawagan na si Tatay. Pangatlong ring ay sinagot na nya ang tawag.
"Hello, Tay? Kamusta po."
"Ayos lang ako rito. Kayo kamusta? Nakauwi na ba si Jany? Nag text siya sa akin na nasa kina Ema raw siya"
Nakasanayan na namin na kahit wala si Tatay rito ay magpapaalam parin kami sa kanya kung nasaan kami sa pamamagitan ng pag tetext o pag tawag.
"Ah wala pa po. Ang sabi ay baka mamayang alas sais pa siya. 'Nga po pala, Tay. May offer ho sa school namin na exchange student at isa po ako sa mga napili"
Ipinaliwanag ko sa kanya ang buong detalye. Noong una ay ayaw nya pero dahil sinabi kong gusto ko at magandang pagkakataon iyon para makahanap ng mas maganda trabaho sa hinaharap, unti-unti ko na rin siyang napapayag.
Inabot pa muna kami ng trenta minutos bago ko sya tuluyang napapayag talaga. Hindi naman din kasi mahiral kausap si Tatay. Suportado niya lahat ng gusto namin basta maganda ang dulot nito sa amin.
"Osiya sige. Babyahe na ako. Baka hindi ako makauwi sa buwang ito pero susubukan kong umuwi bago ka umalis. Kailan ba?. Paano ang waver mo?"
"Itatanong ko ho sa professor ko, Tay. Okaya po ay si Lola nalang ang papipirmahin ko bukas bago ako pumasok"
Ikinuwento ko ang lahat sa mga kapatid ko noong kumakain kami. Tuwang tuwa sila at nagbibilin na ng mga pasalubong na gusto nila na akala mo ay magtatrabaho ako roon.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog noong gabing iyon. Kabang kaba ako noong pinipirmahan na ni Lola ang waver. Pati sa paglalakad ko papasok sa school ay nakatitig ako sa waver, malaki ang ngiti.
Dumiretso ako sa faculty at ibinalita kay Sir Mark na pinayagan ako. Ang sabi, dalawang linggo mula ngayon ay lilipad na kami pa Korea!
Nabalitaan na rin ng mga kaklase ko ang tungkol doon at lahat sila ay nagsabi ng kanilang pagbati na pinasalamatan ko naman. Nagbilin ang iba ng mga gusto nila pero alam ko namang biro lang iyo dahil mayayaman naman sila at kaya nilang bilhin iyong mga gusto nila.
Minarkahan ko ss cellphone ko ang araw ng alis ko. Malapit na. Excited na ako. Lilibutin ko ang Korea at hahanapin si Lee Min Ho!
"Here I come, my baby! Wait for me!" Nasa rooftop ako sa pinakalikod na building sa school at sumigaw habang hawak hawak ang litrato ni Lee Min Ho, "See you soon, mah bebe!"
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...