Second part na ng audition at kaninang umaga pa kami nandito sa venue. Alas otso nag simula at sa dami ng participants at ilang minutong performance ng bawat isa, inabot na kami ng lunch break. Hanggang number 15 palang ang nag peperfrom kaya naman may apat pa na mauuna bago ako.
Kinakabahan ako kahit na handa naman sa gagawin. Halos araw-araw akong nag papractice para lang dito. Noong una ay wala talaga akong ganang sumali pero nang malamang si bebe Lee Min Ho ko pala talaga ang makakasama ng winner ay nabuhay ang pagiging competitive ko na hindi ko alam na nag eexist pala.
May isang judge na napalitan dahil sa personal na dahilan, sabi ng emcee kanina. Ang pumalit ay ang matalik na kaibigan ni Lee Min Ho na idol ko rin na si Jung Il Woo Kung siguro mas nauna ko pa siyang nakilala ay baka sa kanya ako adik ngayon.
Jung Il Woo is wearing a plain black wool shirt and a black coat. He partnered it with a plaid pants. He's also wearing a stylish sunglasses that made him look extremely handsome. Katabi niya sa upuan si Lee Min Ho na nakasuot naman ng gray hoodie jacket na ipinares niya sa ripped jeans at white sneakers. He look so cute and gwapo in his outfit. Yummy
Kanina pa namin siya pinagbubulungan ni Maricar at pareho kaming kinikilig. "Kung hindi ako papalarin kay Lee Min Ho, diyan nalang ako kay Jung Il Woo baka pwede pa" kumindat pa siya sa akin na parang mga nang aakit sa bar.
"Kay Jung Il Woo ka nalang, akin si Lee Min Ho para walang away" nag apiran pa kami sa idea naming dalawa.
"Good afternoon everyone! I guess you all ate your lunch already?" Agad kaming umayos ng upo ni Maricar at pansamantalang itinigil ang daldalan. Nag sesenyasan nalang kami minsan at sinasama pa namin sina Ria kapag may pag kakataon pero madalas ay kaming dalawa lang ni Maricar ang nakakapag usap dahil nga malayo sila Ria sa amin.
"Alright. That was a superb performance! Next up is number 19? Are you ready?" Napatanga ako ng tapos na pala ang performance ng number 18 at hindi ko man lang napanood dahil sa kakadaldal ni Maricar!
"Ano ginawa niya, sis?" Bumaling ako kay Maricar na kadaldalan naman ngayon ang katabi niya. Hinayaan ko nalang siya at nag pasyang panoorin nalang si number 19. Ako na ang susunod kaya medyo kinakabahan na rin ako.
Napabaling ako sa pwesto ng mga judges at napansing parehong nakatingin sa banda namin si Jung Il Woo at Lee Min Ho! Shet myghad ang panty ko nalalaglag ata! Nag tama ang tingin namin ni bebe ko at doon yata ako mas kinabahan kesa sa fact na ako na ang susunod na mag peperform.
Dahil sa tingin ni bebe ko sa akin kaya yata napalingon din si Jung Il Woo sa akin! Myghad ganoon na ba ako kagandanoara tignan ng dalawang gwapong actor? Charot! May sinabi si Lee Min Ho na siyang dahilan para nakangiting umiiling si Jung Il Woo bago ibinaling ang tingin sa stage. Ang gwapo!
Hinampas ako ni Maricar kaya napabaling ulit ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at umambang may ibubulong kaya inilapit ko ang mukha ko sa kanya "Ano ba skin care mo at tila pati si Jung Il Woo ay naaakit mo?"
"Sabong panlaba lang sis" natatawang sabi ko. Gagayahin daw niya ako at baka may mabingwit din siyang gwapo. As if naman may nabingwit ako, ano po?
Pumalakpak ako ng matapos ng mag perform si number 19. Ako na ang sunod kaya naman tumayo na ako habang pinapakilala ng emcee. Bago umakyat sa stage ay nag isinuot ko na ang kulay pink kong apron na may design na mga watermelon. Nahanap ko ito sa store noong nag libot kami sa Myeong-dong.
Mag luluto ako ng adobong baboy at sasabayan ko ng pag sayaw. Naka prepare na sa stage ang mga gagamitin ko. Gaya noong una ay mag papakilala ka muna at maaaring kausapin muna saglit ng mga judges bago mag simula. Sa tingin ko ay iyon sa mga nagpapatagal ng audition.
"Hello everyone. I'm Anna Macaspac from the Philippines" nag bow ako ng bahagya. Akala ko makakapag simula agad ako pero dahan-dahang kinuha ni Lee Min Ho ang microphone na siyang nagpakaba sa akin. Wag mong sabihin gigisahin ako niyan ha?
Naalala ko nanaman na kaninang pag dating niya ay siya namang paglabas ko at nagkasalubong kami. Yumuko ako ng bahagya at bumati sa kanya ng 'hello'. Ganoon lang din ang ginawa niya at nag dirediretso na sa pag lalakad. Nag expect ako na medyo close na kami dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw at dahil doon sa bulaklak na pinadala niya pero hindi pala. Na hurt ako ng slight.
"What did you prepare for this presentation?" Aniya. Matawa-tawa ako dahil bulol siya sa letter R pero pinigilan ko. Umubo ako ng bahagya bago inayos ng bahagya ang headworn microphone ko bago ngumiti.
"Ahh I prepared a cooking show for you with a twist" sabi ko at kumindat pa. Agad din naman akong nakaramdam ng hiya dahil kay bebe Lee Min Ho ako nakatingin ng kumindat kaya naman agad ko ring inilipat ang tingin ko sa katabi niyang si Jung Il Woo na siyang tila nag pipigil naman ng tawa.
"Oh alright. You may start" yumuko ako bago sinimulan ang pag luluto ng adobo.
Sinasabayan ko ang kanta ng Twice na Fancy. Na LSS kasi ako doon ngayon at kabisado ko naman kaya ayon na ang pinili kong kanta. Sumayaw ako habang nag hihiwa ng mga ingredients.
Nag patuloy ako sa ganon at base sa mukha ng mga audiences at judges ay mukhang maayos naman ang ginagawa ko. Nahanap ng mga mata ko sina Maricar na nakita kong nag pipicture pa yata dahil naka taas ang phone nya.
Kinakabahan ako pero habang tumatagal ay tila na rerelax na ako ng bahagya. Habang hinihintay kong maluto ang adobo ay sumayaw ako. Sakto iyon sa chorus kaya naman maayos tignan.
"Love yah!" Itong part na ito lang ang binago ko sa step. The rest, kagaya lang din ng sa Twice dahil hindi naman ako dancer. Ang ginawa kong step dito ay tila nag papana ng puso at itinapan ko iyon kay Jung Il Woo. Gusto ko sana kay bebe ko kaso naunahan ako ng hiya kaya naman di ko itinuloy.
Hindi naman sa hindi ako nahihiya kay Jung Il Woo pero iba talaga pag kay bebe Lee Min Ho ko na. Parang nagma- marathon ang puso ko sa sobrnag bilis ng tibok.
Binuksan ko ang takip habang kumekembot ako at amoy na amoy ang adobo. Nagutom tuloy ako. Nag bow ako pagkatapos ng kanta. Sakto lang iyon sa pagkaluto ng adobo dahil pinraktis ko naman. Ilang beses pa nga akong pumalpak noon kaya laking tuwa ko ng makuha ko na ang tamang timing.
"Thank you very much" sabi ko habang hinigingal pa
"Hmm smells good. Can we try your... what do you call it? Dobo?" Anang emcee
"Ah it's a filipino dish called adobo" sabi ko at tinulungan ang emcee na mag sandok. Namiss ko ang pinas bigla. Namiss ko mga kapatid ko. Itinatak ko sa isip ko na tatawagan ko sila pagkauwi ko sa dorm mamaya.
Pinanood ko ang reaction ng mga judges sa adobo ko. Si Jung Il Woo ay tumango-tango at may ibinulong kay Lee Min Ho. Mukha naman silang nasarapan sa luto ko kaya nabawasan ang pangamba ko.
Sumubo si Lee Min Ho ng kaunti at inabangan ko talaga ang expression nya pero wala. Snob! Kahit ngiwi lang walang ginawa. Gigil niya ako ha.
"Your adobo is nice. I love it! Can you teach me how to cook it?" Anang Jung Il Woo. Yumuko ako at ngumiti ng pagkalaki laki. Iyong tatalo sa mga model ng toothpaste.
"Thank you! It's a pleasure to teach you!" Tumawa ako ng bahagya. Nakakahiya pero inisip kong baka dagdag points din kapag sinakyan ko ang mga sinasabi ng judges. Isa pa gusto ko rin naman. Jung Il Woo na tatanggihan ko pa ba? No freakin' way.
"Oh nice. I'll set an schedule, then?" Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.
Nagpasalamat na ang emcee at bumaba naman agad ako. Pagka upo ko ay siya namang pagtayo ni Maricar. Wala akong katabi kaya lumipat muna si Ria sa upuan ko. Kinausap naman niya iyong nauuna sa kanya at sinabing may sasabihin lang siya sa akin kaya nakipagpalit muna siya.
"Sis! Galing mo 'dun!" Aniya. Hinampas niya pa ang balikat ko kaya nag reklamo ako. Pero nagpasalamat din siyempre.
"That's what you call natural talent" sabi ko
"Pero wag mong sabihing pati si Jung Il Woo susungkitin mo? Gahaman ka ha sis" agad akong umiling sa sinabi niya. As if naman. Loyal kaya ako kay bebe ko!
"Loyal ako wag kang ano. Sa inyo nalang iyon. Mag agawan kayo ni Maricar"
"At ni Arra. Pero kita mo reaction ni LMH noong kausap mo si Jung Il Woo? Mukha ng nag seselos sis!" Tuwang tuwa pa siya at ginaya ang itsura raw ni bebe ko kanina.
Hindi ko nakita kasi naman naka focus ako sa kausap ko. Di naman pwedeng si Jung Il Woo kausap ko tas kay bebe ko ako nakatingin, diba? Ang weird nun. At rude para sa akin.
"Lalo na noong doon sa part ng 'love yah' tas yung heartchery mo tumama kay Jung Il Woo. Sis parang mananapak na bebe mo!" Heartchery tawag niya sa step na ginawa ko. Iyong panang puso. Hindi ko naman alam kung maniniwala ako sa pinag sasabi nito. Kung si Maricar mag sasabi mas malaki ang chance na maniwala ako. Itong si Ria kasi minsan exaggerated mag kwento.
Tumitig ako sa likod ni bebe ko. Kinakausap siya ng katabi pero parang wala lang sa kanya. Iling at tangi lang ang isinasagot. Tatawa tawa naman si Jung Il Woo as if naman sinasagot siya ng maayos ng kausap niya.
Huminga ako ng malalim at pumalakpak. Hindi ko tuloy napanood ang performance ni Maricar. Lecheng Ria kasi napakadaldal. Nagpasalamat si Maricar at pababa na sana ng magsalita si Lee Min Ho kaya napatigil siya.
"I like your art. Are they on sale? I want to buy one" aniya. Nag linis kasi si Maricar at ang mga idinisplay nya ay mga painting niya. Ipinaliwanag naman niya kanina sa siya mismo ang nag paint ng mga iyon para lang sa audition na ito.
Gumawa ng iba't ibang tricks si Maricar habang nag lilinis. Nag gymnast din kasi siya noon ayon sa kwnento niya kaya ayon ang iniapply nya sa presentation niya.
"Ah yes. I am selling some of my paintings but I can also make you a new one. Just tell me what you want" aniya ng naka ngiti
"Where can I see your works? Should I set an appointment, then?" Ngumuso ako. Kapag bumili talaga siya ng artwork ni Maricar, ibig sabihin mag kikita sila? O may ipapadala kang siyang tao? Pero base sa sinabi niya parang gusto niyang siya mismo ang tumingin sa mga artworks eh.
Hindi naman sa ayaw kong makabenta si Maricar pero naiinggit ako. Gusto kong sumama. Pwede kaya? Subukan ko ngang kausapin si Maricar pag natuloy ang usapan nila.
Masaya si Maricar ng makabalik sa amin. Binati ko siya at ni congrats. Hindi muna kami nag usap dahil pagod pa siya sa ginawa. Ngiting ngiti rin siya dahil sino ba namang hindi diba? Perfect ang performance niya tapos mukhang makakabenta pa siya ng artwork.
Sana pala nag drawing nalang din ako. Tutal marunong naman ako eh. Kung alam ko lang sana na mahilig si bebe ko sa arts edi sana hindi na ako nag luto. Mukha rin namang hindi niya nagustuhan yung adobo eh.
Tumingin nalang ako sa harapan at nagpasyang manood nalang ng mga susunod na mag peperform. Nahagip ng mata ko na nag uusap ulit si bebe ko at Jung Il Woo. Nagtawanan sila. Ang gwapo ng bebe ko.
Kitang kita ko ang tangos ng ilong niya dahil naka side view siya sa akin. Kita ko rin ang mahaba niyang pilik mata na bagay sa napaka expressive niyang mata. Mga labing mapupula na parang ang lambot.
Napasulyap siya sa amin at agad na nagtama ang tingin namin. Nanlaki ang mata ko at agad na nag iwas ng tingin. Shit my heart! Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanila at nakitang nakatingin pa rin siya. Ngayon ay pati na si Jung Il Woo ay nakatingin at tila may sinasabi sa katabi.
Ngumuso ako at dahan dahang nag iwas ng tingin. Feeling ko matutunaw ako. Humawak ako sa dibdib ko at dinama ang mabilis na tibok nito. Shit.
Napansin ni Maricar ang itsura ko at tila nagulat siya. Mukha siguro akong tanga. "Ayos ka lang?"
Tumango ako at pilit na ngumiti "Oo ayos lang" yata.
![](https://img.wattpad.com/cover/223388018-288-k629570.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...