Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na ako ang nanalo sa papromo na iyon. Masaya kasi makakasama ko si Lee Min Ho pero hindi ko naman inexpect na ang dating tahimik kong buhay ay dudumugin ng mga tao.
"Ahh pa'no tayo papasok?" Nandito kaming apat sa isang eskinita malapit sa school at nakatanaw sa kumpulan ng mga tao sa may entrance. May dalang camera ang karamihan at ang iba ay tila matagal ng naghihintay roon base sa itsura nila.
"Ganito pala feeling ng artista" ani Arra na kanina pa nag aayos.
Late na kami pero wala kaming magawa. Paglabas namin kanina sa dorm ay may mga sumalubong sa aming mga tao na hindi namin kilala. Nakipag habulan pa sila hanggang sa mailigaw namin.
Simula noong sumali kami sa promo na iyon at nanalo ako, marami na ang nagpapaicture sa amin kapag nakakasalubong nila kami sa daan. Sabog rin ang notification at message boards sa mga social media accounts namin.
"What are you doing here?" Napatalong ako ng may biglang bumulong sa likod ko.
"Denmer!" Sigaw ko ng makita ang gwapo niyang mukha.
Tumawa siya at ngumiti ng malapad "hi?" Sumulyap siya kina Maricar at tumango
"Magkakilala kayo?" Ani Arra
"Seatmate kami sa airplane. 'Di ko alam na mag-kaibigan pala kayo"
"Pinsan ko si Denmer, Anna." Sumulyap si Arra sa akin at binigyan ako ng mapang akusang tingin.
"Ano ginagawa ninyo dito?" Sumilip si Denmer at tinignan ang tinitignan namin kanina, "hinahabol kayo? Grabe sikat na nga kayo!"
"Need mo autograph? Dali habang 'di kami busy" ani Maricar
"Paano kayo papasok niyan?"
"Hindi nga namin alam. Ikaw baka may idea ka" sagot naman ni Ria
"Wait. Lalapit ako sa guard at iinform siya sa situation ninyo" agad siyang tumakbo paalis at saglit na nakipag usap sa guard na hindi rin malaman ang gagawin sa mga taong nakaabang sa gate.
Agad rin naman siyang tumakbo palapit sa amin. Ang buhok niyang medyo mahaba ay sumusunod sa galaw niya. Kahit na may pawis na sa mukha niya dala ng pagtakbo ay mukhang fresh from ligo pa rin.
Napapikit ako ng maamoy ang bango niya ng makalapit. "Ayos na. Tatawag daw ng dalawang guard para iescort kayo papasok" lumingon siya sa pinanggalingan at may itinuro "ayon na pala"
May dalawang guard ang lumapit at tinulungan kaming makalusot sa mga nag aabang. Muntikan pang madapa si Arra dahil sa kakangiti sa mga camera.
Matapos naming magpasalamat kay Denmer ay nagkanya-kanya na kami dahil hindi naman kami pare-pareho ng kurso. Nangako pa si Maricar na iimbitahan si Denmer sa dorm namin at ililibre ng pagkain. Madali lang iyon dahil iisang building lang naman ang mga dorm namin.
Mabilis na natapos ang mga klase. May mga iniwang activity na kailangan naming ipasa sa susunod araw pero ako, dumeretso ako sa library dahil maaga pa naman at gusto ko ng tapusin ang mga gawain para sa dorm ay chill nalang.
Tinext ko rin si Ria dahil sa pagkaka-alam ko, maaga rin ang tapos ng klase niya ngayon. Patapos na ako sa ginagaw ako ng tumunog ang cellphone ko para sa isang text.
Ria:
Can't make it. Una kana at may substitute prof pala. Kala ko walang klase kainis.
Hindi ko na siya rineplyan at agad nalang na inayos ang mga gamit ko. Gagabihin pareho si Arra at Maricar dahil marami raw silang ginagawa ngayon kaya naman no choice ako kundi umuwing mag-isa.
Suot ang hoodie jacket ko, tahimik at mabagal akong naglalakad sa hallway dahil hindi nama pwedeng ngumiti ako edi nag mukha akong tanga. Nag kunwari nalang akong nag may tinitignan sa cellphone dahil naiilang akong maglakad mag isa lalo na't marami rami anh estudyante na nakatambay at nakatingin sa akin.
Nakakalahati ko palang ang daan patungong gate ay may grupo na ng estudyante ang lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko.
"Annyeong" bati ng isa sa kanila. Tatlong babae na pare-parehong magaganda. Typical na koreana ang itsura.
"Ah ne, annyeong" yumuko rin ako gaya ng ginawa nila. Nahihiya pa akong ngumito sa kanila.
"Can we take a selfie? I saw you on tv and I heard you'll live with Lee Min Ho Oppa." Anang isa sa hindi gaanong tuwid na ingles.
Ilang beses pang naulit ang ganoong eksena hanggang sa makarating ako sa labas ng gate. Tumawid ako sa kalsada at balak na dumaan ulit sa kung saan kami dumaan kanina dahil baka may nag aabang nanaman sa usual na daanan namin.
Paliko na ako sa kanto ng may biglang bumusina na siyang nagpatalon sa akin dahil sa gulat. Hindi ko sana papansinin kaso ramdam kong sinusundan ako ng sasakyan kaya naman huminto ako at hinarap ito.
Mercedes-Benz na kulay itim ang bumungad sa akin. Gumilid ako ng unti-unti itong umandar at huminto sa tapat ko mismo. Ngayon ay kaharap ko na ang passenger side nito.
Bumaba ang bintana at bumungad sa akin ang isang lalaking naka tuxedo at may clean cut na buhok. Napansin ko rin ang kung anong nakalagay sa tenga nito. Body guard?
"Hi, Miss Macaspac. My boss wants to offer a ride for you" kailangan ko na talagang matutong magsalita ng korean dahil kahit ako ay nauubusan na ng english at hirap din silang magsalita ng english.
"Ne? Your boss? Who?" Kinunutan ko siya ng noo. Naalala ko ang mga kdrama na napanood ko dati. Minsan ang mga ganitong eksena ay nakikidnap ang bida o di kaya ay may mangyayaring masama. Tatakbo na ba ako?
Lumingon ako sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na walang gaanong tao rito! Sana pala dumaan ako sa dating dinadaanan namin!
Ngumiti ang lalaki at lumingon sa loob ng sasakyan, mukhang may kinakausap. Tumango ito at tumingin ulit sa akin.
Napalingon ako ng unti-unting bumaba ang bintana sa likod na parte ng sasakyan. Napanganga ako ng makita ang isang gwapong nilalang! Gaya ng dati ay tila nawawala nanaman ako sa sarili dahil sa mga mata niya. Bakit ba napakagwapo mo, bebelabs?
"Annyeong" aniya at bahagya pang kumaway na siyang nagpabalik sa huwisyo ko. Agad akong yumuko at bumati pabalik. Ang puso ko myghad.
"Is that Lee Min Ho oppa?" Sabay kaming napalingon sa mga kabataang nagsalita sa may bandang likuran ko. Nagulat ako ng mabilis silang kumilos palapit sa amin kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa nang sabihin ni bebelabs na sumakay na ako.
"Omyghad" bulong ko dahil sa sobrang kaba. Akala ko madudumog nanaman ako. Nakakatrauma pala maging sikat!
"You okay?" Ay shet mas lalo yatang lumala ang tibok ng puso ko ng hawakan ako sa kamay ni bebelabs ko. Save my heart, jebal!
Unti-unti akong tumango at bumuntong hininga bago sumagot, "ne, kamsahamnida" nahihiya kong bulong na ikinatawa niya.
"I guess you forgot huh?" Nilingon ko siya ng may pag tataka na lalong mas nagpatawa sa kaniya. Ang gwapo at ang bango myghad.
"Mianhe. What did I forgot?"
"Ouch I'm hurt" aniya at umakto pang parang nasasaktan talaga, "today is the first of 30 days with me. You really forgot that?"
Oh damn. Agad kong chineck sa calendar ko sa phone at doon nakita na nakamark nga ang ara na ito kaso hindi ko nalagyan ng reminder kaya naman hindi ito nag notif sa akin!
Nakakahiya at sinundo pa talaga niya ako dahil nakalimutan ko! Ngumuso ako at humingi ng paumanhin. Aniya ay ayos lang dahil malapit lang naman daw ang pinanggalingan niya sa school kaya naisipan niyang siya na ang nagsundo imbes na ang management ng resto.
Tingin ko ay mga trenta minuto siguro kaming bumyahe bago nakarating sa isang appartment. Malaki ito at malinis. May mga staff na nagpakilala sa akin at sinabing sa katabing appartment lamang sila para may 'kasama' kami kahit papaano.
Nilibot ko ang bahay at nang mapagod ay nagpasyang umakyat na muna sa kwarto para maligo. Nag punta ako sa kusina kung nasaan si bebelabs ko at nakita kong nangangalkal siya ng mga kung anong ingredients.
"Uhh" humarap siya sa akin at ngumiti. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko mag asawa kami! Kinagat ko ang ibabang labi dahil bigla kong nakalimutan ang sasabihin ko!
Umayos ka, Anna! Wag mo ipahiya lahi mo girl!
"You need something? Is there a problem?" Aniya at mabilis na lumapit sa akin.
Agad kong ikinaway ang dalawang kamay ko sabay ng pag-iling. "Ani ani, just wanna tell you that I will take a shower first before eating dinner, if that's ok" myghad diko sure grammar ko!
Tumawa siya at tumango "Alright. I'll wait because I wanna learn how to cook Adobo" aniya kaya naman agad akong tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko.
Bago ko pa masara ang pinto ay narinig ko siyang nagsalita, "by the way, you look cute in your uniform" at nakita ko nanaman ang mga ngiti niyang makalaglag puso.
Pagkasara ko ng pintuan ay napasandal ako at napahawak sa dibdib ko. "First day palang, Anna kaya naman umayos ka" bulong ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/223388018-288-k629570.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...