10

12 0 0
                                    


    "Anna, tumatawag si Papa mo!" Umungol ako ng may pesteng babaeng sumigaw sa tapat mismo ng ears ko.
   
    "Ano ba? Kanina pa tumatawag si Papa mo gumising kana!" Ulit niya at ngayon ay inaalog-alog pa niya ang katawan ko.
   
    Padabog akong umupo sa kama at masamang tinignan si Arra na nasa gilid ko. "Paybmins" usal ko at ibinagsak ulit ang katawan sabay talukbong ng kumot.
   
    "Hello po, Tito? Si Arra po ito." Nanahimik sandali kaya akala ko ay umalis na siya pero bigla ulit siyang nagsalita "opo tulog pa po. Kanina ko pa nga po ginigising pero 'di ako pinapansin."
   
    Hindi ko na narinig ang buong usapan nila dahil nakatulog na ulit ako. Pag gising ko ay masamang tingin ni Arra ang bumungad sa akin. "What?"
   
    "Tumawag si Papa mo. Ang sabi ay tumawag ka raw sa kanya pag gising mo" aniya "at may pagkain diyan sa table. Nag luto akong pancake pero medyo sunog kaya 'di kinain nina Maricar"
   
    Agad akong nag tungo sa kusina. May nakatakip na plato roon kaya inangat ko iyon at bumungad ang pancake na kulay itim. "Akala ko ba medyo sunog lang? Eh parang mas maitim pa ito kesa sa uling" reklamo ko
   
    "Aba pasensya na po first time ko lang mag luto niyan " nakasimangot siyang lumapit sa akin at padabog na kinuha ang pancakes.
   
    Medyo naawa naman ako dahil minsan lang mag luto si Arra at nilait pa namin. Madalas kasi si Maricar ang nagluluto dahil siya ang bihasa sa kusina. Akmang itatapon na sana niya sa basurahan ng agawin ko sa kanya. "Kakainin ko wag ka na umiyak" natatawang sabi ko.
   
    Nakipag agawan pa siya pero tumakbo ako sa kwarto at doon nagkulong. Kumatok pa siya pero hindi ko pinansin kaya agad ding tumahimik. Mapait ang pancakes dahil nga sunog pero pinag tiyagaan ko nalang para hindi ma hurt si Arra at iyakin pa naman iyon.
   
    Kinuha ko ang phone ko para imessage sina Papa sa messenger at sabihin tatawag ako after ko kumain. Nag pop up bigla ang pangalan ni Arra kaya agad ko itong pinindot.
   
    Arra: wag mo na kainin. Luto nalang tayo bago baka sumakit tiyan mo diyan.
   
    Ako: sarap naman ah? Mapait
   
    Nilagyan ko pa iyon ng tumatawang emoji at puso. Pagkabasa niya ay agad nag ring ang phone ko. Tumatawag siya.
   
    "What? Ubos na,wala na, wag na manghingi, Arra" sabi ko at agad na binaba ang tawag.
   
    Naka isa't kalahati lang ako noong pancake dahil mapait talaga at 'di ko na kayang pag tiyagaan. And besides busog naman na ako. Matapos uminom ng kape ay agad kong tinawagan sina Papa. Naka tatlong try pa ako bago nila sinagot.
   
    "Pa? Musta po? Tumawag daw kayo kanina?"
   
    "Ha? Hindi ako 'yun" aniya sa tila nalilitong boses. Bago pa ako makapag salita ulit ay narinig ko na siyang sumigaw at tinatawag ang dalawa kong kapatid, "sinong nakialam sa cellphone ko? Mike?"
   
    "Hayaan n'yo na po 'tay. Video call tayo tutal wala naman po akong ginagawa" agad kong in-on ang camera ko at bumungad ang mukha ni Mike na ngiting-ngiti.
   
    Kumaway ako at ngumiti rin. Namimiss ko na ang kapatid kong bunso. "Hello, baby"
   
    "Ate! Uuwi na ikaw? Susunduin ka na namin sa airplane? Kailan? Pasalubong ate" tuloy-tuloy na sabi niya. Mabuti nalang at hindi siya nag reklamo ng tawagin ko siyang 'baby'. Nitong mga nakaraan kasi ay sinabihan niya ako na huwag na siyang tawaging ganoon dahil binata na raw siya. Eh mag na-nine palang naman sa birthday niya.
   
    Tumawa ako dahil tumakbo siya dala-dala ang cellphone kaya naging shakey ang video. Nakita kong kumuha siya ng sapatos at agad na isinuot iyon. Kinuha rin niya ang favorite cap niya na lagi niyang suot tuwing umaalis.
   
    "Saan ka pupunta?" Taong ni Jany ng mapansing nakasapatos ang kapatid. "Hi ate. Kamusta?" Aniya
   
    "Ayos lang. Kayo kamusta? School?"
   
    "Ayos lang, ate. Ganun pa rin medyo busy" hinampas niya ang cap ni Mike pataas kaya natanggal iyon at nahulog sa sahig. "Para kang tanga"
   
    "Jany" saway ko. Sumimangot siya sa akin
   
    "Ang kulit na ate eh. Nagdedesisyon na minsan ng hindi muna nag tatanong. Katwiran eh binata na raw siya"
   
    "Oh? May nililigawan na ba?" Natatawang tanong ko
   
    "Pa'no manliligaw eh 'di pa nga tuli" sinulyapan ni Jany si Mike na masama ang tingin sa kaniya ngayon. "Oh 'bat galit ka? Totoo naman" pang-aasar pa niya.
   
    Tumawa ako at bahagyang iniiwas ang mukha sa camera dahil may pumatak na luha. Namimiss ko na sila. "Jany" tawag ko ng mahimasmasan na.
   
    "Po?"
   
    "Nasaan si Tatay? Kausapin ko"
   
    "Ay ate umalis. Nagpunta kina Lola. May pinapagawa yata" aniya at umamba pang tatawagin pero pinigilan ko siya. Pwede naman akong tumawag ulit.
   
    "Anong plano sa birthday ni Mike? Malapit na ah?" Tanong ko.
   
    "Ate sa susunod na buwan pa iyon. Hindi ko alam pero baka walang party. Mukhang ayaw rin ni Mike eh" aniya
   
    "40 days nalang birthday ko na. Pera nalang bigay n'yo po kesa party" singit ni Mike ng marinig na pinag uusapan namin ang birthday niya. Umupo siya sa tabi ni Jany at pilit na iniharap ang camera sa kaniya, "may request ako, Ate"
   
    "Ano? Laruan? Damit? Wag mahal ah 'di ako nag tatrabaho rito" sabi ko
   
    "Hindi. Diba diyan sa Korea si Mama? Gusto ko po siya makita" aniya na nagpatahimik sa amin ni Jany. Dalawang taon palang si Mike ng umalis si Mama. Hindi ko alam kung tanda ba niya ang itsura ni Mama dahil matagal na niyang hindi nakikita iyon.
   
    "Baliw ka ba?" Usal ni Jany
   
    "Bakit? Gusto ko lang naman makita si Mama. Masama ba?"
   
    "Alam mo namang matagal na tayong iniwan 'nun! Kalimutan mo na siya! Walang kwenta" padabog na tumayo si Jany at umalis.
   
    "Jany!" Sigaw ko, umaasang babalik siya pero kalabog ng pinto nalang ang narinig ko. Mukhang nag kulong sa kwarto.
   
    "Ano ate? Kaya po ba?" Tanong ni Mike patungkol sa request niya.
   
    Pilit akong ngumiti at dahan-dahang tumango. "Susubukan, Mike. Paano kapag hindi ko nahanap?"
   
    "Ayos lang po. Ibig sabihin 'nun ay wala na talaga. Move on" aniya.
   
    Nagkuwentuhan pa kami ng ilang saglit bago siya nag paalam na aalis daw dahil mag sesearch pa raw siya ng assignment niya. Pagkatapos ng tawag ay natulala ako saglit bago nagpasyang lumabas.
   
    Nadatnan ko roon sina Maricar na nanonood lang ng TV habang kumakain ng popcorn. "Hala ang daya 'di nagtawag!" Sabi ko at agad na umupo sa tabi ni Ria sa sahig.
   
    "Nakausap mo na si Papa mo?" Tanong ni Arra na agad ko namang tinanguan. Kinuwento ko sa kanila ang request ni Mike at sinabi nilang tutulungan nila akong maghanap.
   
    Bukas na raw simula dahil mas maaga mas maganda. Nangako rin si Maricar na mag sesearch siya sa internet at baka makita ang mga social media accounts ni Mama if meron.
   
    Nag offer naman si Arra na maghahire ng isa sa agents nila dahil may law firm ang Papa niya, para mas madali daw maghanap pero tinanggihan ko. Nakakahiya. At isa pa ok ng kami nalang maghanap dahil kung kukuha pa ng agent ay baka matakot si Mama at isiping wanted siya at lalong magtago. Charot.
   
    Nagpasalamat ako sa kanila at tinawanan lang nila ako. Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa mapunta ang topic sa audition. Inasar nila ako at nag abot pa ng lingerie si Ria! Suotin ko raw sa first night! Parang honeymoon. Myghad.
   
    "Magsi-tigil nga kayo! Parang tanga ay" usal ko at binato pabalik ang lingerie. Nagpasahan lang kami paikot noong kulay pink at lacey na lingerie. Buong gabi yata kaming nag aasaran at nakalimutan na na may pinapanood kaming movie.
   
  

Love, LMHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon