Nagtagal ako sa banyo. Kanina pa ako tapos maligo at magbihis pero parang hindi ko pa kayang lumabas. Nakatitig lang ako sa harap ng salamin.
"You look cute in your uniform" halos mapasigaw ako ng maalala ulit ang sinabi niya kanina.
'Yung ngiti niyang nakakaakit at contagious. Mga mata niyang hindi yata kayang magsinungaling at magtago ng feelings. His perfect teeth, beautiful nose. Myghad napakagwapo!
Kinagat ko ang labi ko habang paulit-ulit na naiisip ang sinabi niya kanina at ang fact na makakasama ko siya sa loob ng tatlumpung araw.
Halos mapatalon ako ng biglaang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakitang sina Maricar ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"HOY BRUHA KA NASAAN KA? AKALA KO BA NAUNA KANG UMUWI SA AMIN BAKOT WALA KA DITO! NASAAN KA? YARI KAMI SA TATAY MO KAPAG HINDI KA NAKAUWING BRUHA KA!"
Doon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapag text sa kanila. Kay tatay lang ako nag text kanina bago ako maligo at nakaligtaan ko sina Maricar.
Hindi ako makapag salita dahil sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Maricar. Nasa gilid niya pareho sina Anna at Arra na mga mukhang nag-aalala.
"ANO? TATAHIMIK KA LANG? DI KA SASAGOT?" aniya pa
"Sandale pa'no 'yan magsasalita kung hindi ka tumitigil kakadakdak diyan" singit ni Arra at tinakpan pa niya ang bibig ni Maricar na siyang nagpatawa sa amin ni Ria.
"Nasaan ka ba, Anna?" Malumanay na tanong ni Ria. Kinuha niya ang cellphone at lumayo sa ngayon ay nag aaway ng si Arra at Maricar.
"Nakalimutan ko kayong itext. Nawala sa isip ko na ngayong araw pala ang unang araw noong 30 Days with Oppa promo."
"So? Nasaan ka nga?"
"Nandito sa appartment na provided ng resto. Kasama si bebelabs"
"HA?" Sabay-sabay nilang sigaw at nag simula ng mag-agawan sa cellphone at nagtatanong. Wala naman akong maintindihan sa kanila.
Hinayaan ko lang sila at lumabas na ako ng banyo. Umupo ako sa harap ng vanity table katabi ng bintana ng kwarto. Isinandal ko ang cellphone sa salamin at nagsimula ng magsuklay.
"SANDALE ISA ISA LANG!" sigaw ni Ria ng magsawa siguro sa kakaaway nila.
"Ako muna! Ako pinakamatanda" anang Maricar at siya ang hunawak sa cellphone, "anong sinabi mo kanina? Kasama mo si Lee Min Ho?"
"Oo nga. Bakit ba gulat na gulat kayo eh dapat expected niyo na dahil ako nanalo doon sa promo."
"Ako naman" singit ni Ria bago pa makapagsalita ulit si Maricar, "Paano ka napunta diyan?"
"Pauwi na ako kanina ng may kotseng sumalubong sa akin at-"
"At si Lee Min Ho 'yun?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Tumango ako bilang sagot.
"Ano? Magsurvive ka kaya diyan? Pwede bumisita?" Ani Arra "may dala ka bang make-up kit? Bawal haggard at baka ma turn-off si Oppa"
Sasagot na sana ako ng may kumatok. Bago pa ako makatayo ay bumukas na ito at dumungaw ang ulo ng isang napakagwapong nilalang. Ngumiti si bebelabs kaya ngumiti rin ako. Ngiting nag eendorse ng toothpaste.
"Sorry. I got worried 'cause its been thirty minutes since you went here and you're not answering when I knocked earlier" aniya
"Oh? Didn't notice the time. I'm talking to my friends" ipinakita ko ang cellphone ko. Kumaway siya ng matutok sa kanya ang camera. Impit na tili nina Maricar ang narinig ko kaya naman kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa.
"It's alright." Tumingin siya sa relo niya saglit, "dinner time but I can wait till you finish that" aniya at ngumiti bago ang paalam ulit na bababa raw sa sala.
"OMG OMG OMG" sigaw nina Maricar.
Saglit pa kaming nag-usap bago ako tuluyang nagpaalam. Nakakahiya kung paghihintayin ko si bebelabs. Baka mamaya isipin noon pa VIP ako masyado.
"Sorry" sabi ko ng datnan ko siya sa sala na nanonood ng movie.
Pagka kita niya sa akin ay mabilis niyang pinatay ang tv at tumayo, "can you teach me how to cook adobo?" Aniya na tila nahihiya pa.
Tumawa ako at tumango, "yeah sure."
"Is it easy? My goal is to beat Il Woo's adobo version"
Ha? Akala ko ba ayaw niya ang adobo dahil hindi niya nagustuhan noon nagluto kami ni Il Woo? Naaalala ko pa nga ang pagkakasabi niya ng 'it's bad'
"Why do you want to beat his?" Kinapalan ko na ang mukha ko at ako na mismo ang nagbukas ng ref para kumuha ng mga ingredients, "what do you want? Chicken adobo or pork adobo?" Nilingon ko siya at nakitang mukhang nagtataka siya
"There's two kinds of adobo? I didn't know. Let's do both" what? Dalawa lang kami at masyado iyong marami. "Let's eat it with the staffs"
Kinuha ko na lang ang chicken at pork na nasa freezer at ibinabad ito sa lababo para mawala sa pagka frozen. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang may mga camera sa bawat sulok.
Ie-air kasi ito pero ang sabi ay ieedit naman at pili lang ang ie-air. Parang gagawing reality show at kung mag boom daw, itutuloy-tuloy nila sa iba't ibang actors.
"Here's the garlic, bay leaves, and peppercorn" ipinatong niya ang mga ito sa chopping board.
Nice. Mukhang nagresearch si koya kung pa'no mag luto. Lumakad siya sa gilid at kinuha ang dalawang apron na nakasabit doon. Ibinigay niya sa akin ang kulay blue na apron kaya naman isinuot ko ito.
Kulay brown ang sa kanya. Tinitigan ko siya ng maisoot na niya ito. He looks good. Always naman.
"Let me help you" aniya, itinuturo ang likod ko. Tumalikod ako at hinayaan siyang mag tali ng apron habang ako naman ay inipon ang buhok ko at itinali ito.
Bago pa ako makalayo sa kanya ay naramdaman kong hinatak niya ang ponytail ko dahilan kung bakit bumagsak ang buhok ko. Mabilis akong humarap sa kanya, gulat.
"Don't tie your hair" aniya at ibinulsa ang ponytail.
"Why?"
Nagkibit balikat siya, "secret". Kumuha siya ng kutsilyo at kinuha ang bawang, "how should I cut this?"
"Crush it for better result" ipinakita ko sa kanya kung paano at nang makuha na niya ay siya na ang gumawa.
Ibinabad ko ang manok at karne ng baboy sa toyo at suka pagkatapos ay ininit ko na ang cooking pan. Tinignan ko ang oras at nakitang alas otso na pero ngayon palang kami mag sisimulang mag luto.
"It's already eight. Is it okay if we'll eat late at night?" Tanong ko rito. Inilagay ko ang crushed garlic sa naka marinate.
"Ne. Gwaenchanha" aniya "do you understand korean? You study here, right?"
"I understand the basics. I study Biology at KU. Exchange student"
"You seems smart" tumawa ako sa sinabi niya.
Inilagay ko ang manok sa pinainit na pan. "Let me do it" kinuha niya ang sandok sa akin kaya naman wala na akong nagawa.
"I thought you don't like adobo." Nilingon niya ako
"I don't like it only when Il Woo's the one who cooked it" tumawa siya kaya nakitawa nalang din ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw niya kay Il Woo eh ang alam ko bestfriends sila ever since. Magkasama pa nga silang na aksidente noon.
"Il Woo" nag isip ako ng idudugtong ko, "he's a good cook. Maybe you liked the dish but not the person who made it?"
"Are we going to talk about Il Woo whole night?" Umakto siyang nasasaktan at sumimangot pa.
"Sorry."
"Na. It's ok. I'm just kidding."
Nag kwentuhan pa kami tungkol sa kung ano ano. Nag kwento siya ng mga lugar na magagandang puntahan at sinabi niyang isasama niya ako sa taping kung may pagkakataon.
Mag aalas nuebe ng matapos kaming magluto at agad naman din kaming kumain kasabay ng mga staff. Natuwa naman ako dahil mukhang nagustuhan nila ang adobo at nagtanong pa ang ilan ng ibang putaheng tatak Pilipino.
"Who's the better cook now? Il Woo or me?" Tanong niya ng matapos kaming kumain
Umakto akong nag iisip at tahimik naman siyang naghihintay sa tabi, "Il Woo?" Hindi siguradong sagot ko.
Sumimangot siya at humawak sa dibdib niya, "ouch."
Tumawa ako kaya tumawa rin siya. Parang tanga charot. "Wait until I beat Il Woo's adobo version"
"Try and try until you succeed"
Nandito kami ngayon sa sala at parehong nakatingin sa screen ng TV. Nag -yaya kasi siyang manood ng movie at hindi ko matanggihan. Ten thirty na ng gabi at inaantok na ako pero nahihiya akong mag sabi.
May pasok pa ako bukas pero mag aalarm nalang ako para hindi ma late. Siguradong mapupuyat ako ngayon eh.
Love story ang napili niya. Tungkol sa couple na parehong may sakit ang bida at nakakaiyak ito. Tahimik lang kaming nanonood at paminsan-minsang nagpapalitan ng insights at comments patungkol sa pinapanood. Tinawanan niya ako ng makitang umiiyak ako sa tabi. Hindi ko kasi napigilan dahil naaawa ako sa dalawang bida.
Patapos na ang movie ng maramdaman kong bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, yakap-yakap ang maliit na unan.
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...