Hindi gaya kahapon, maaga akong nagising ngayon dahil hindi naman ako natulog. Leche kasi si Lee Min Ho bakit ganoon umakto. Nagugulo tuloy 'yung sistema ko. Isa pa si Il Woo na kung ano ano ang sinasabi.
Dahil tulog pa ang tatlo kong kasama, naisipan kong mag luto muna ng almusal. Bacon and eggs ang iluluto ko kaya naman inilabas ko na muna ang bacon dahil frozen sa ref.
Wala na pala kaming stock ng food kaya need na bumili. Ininote ko iyon at idinikit sa pinto ng ref para hindi makalimutan. Habang hinihintay na lumambot ang bacon, nagsaing na muna ako.
Kailangan naming kumain ngayon dahil mamaya ang last part ng audition at mamaya rin malalaman kung sino ang mananalo at makakasama ni Lee Min Ho ng isang buwan.
Naisip ko pano kung ako iyon? Paano ang pag-aaral ko? Paano kung mabuntis ako? Ay charot lang. Natawa ako ng maimagine ko ang mga pwede kong gawin o ang pakiramdam na kasama mo ang idol mo sa loob ng isang bahay ng isang buwan. Ang sarap siguro sa feeling no'n. Lamang na lamang ka sa ibang fans.
"Ay waw inspired" napatalon pa ako ng biglang sumulpot si Arra. Lumapit siya at tinignan ang ginagawa ko. Piniprito ko na kasi ang itlog. "Itlog lang?" Reklamo niya.
"Baliw. Ayun bacon ikaw mag luto" sabi ko at inginuso pa sakaniya ang bacon na nakababad. Bakit kasi sa freezer nilagay nanigas tuloy.
"Ikaw na. Sinimulan mo tapusin mo" aniya at iniwan na ako ulit.
Saktong lumabas si Maricar at Ria ng matapos akong magluto kaya naman agad din kaming nakakain.
"Ready na kayo sa last part? Q and A raw ah?"
"Basic" sabi ni Ria ng nakangisi. Makapagsabing basic pero mamaya niyan kakaba-kaba. May panginig-nginig pa.
"Aysus. Ngayon lang malakas loob mo. Baka mamaya umiyak ka sa kaba" pang-aasar naman ni Arra na siyang ikinatawa namin. Hindi na nila tinigilan sa kakaasar si Ria at burong-buro na siya. Mukhang sina Arra ang dahilan kung bakit iiyak si Ria at hindi dahil sa kaba.
Nalate kami dahil sa bagal kumilos ni Ria. Napipikon na kasi at sa tuwing pikon siya ay bumabagal siya kumilos. Ewan ko ba kung bakit siya ganun. Sermon tuloy inabot niya kay Maricar.
Pagdating namin sa venue ay nandoon na lahat. Halos pagalitan pa kami ng staff dahil ten minutes nalang ay start na kaya naman agad kaming umupo sa upuang naka assign sa amin.
Hinihingal pa ako at hindi pa makapag focus. Uminom ako sa tubig na baon namin. Si Maricar ay agad na umikot ang mga mata at bumulong ng kung ano sa akin na hindi ko na inintindi dahil siguradong chismis lang naman iyon o kaya ay panlalait.
Dumapo ang mga mata ko sa harap habang umiinom. Doon nakaupo si Lee Min Ho na naka all black ngayon. May lamay sis? Naka suot siya ng black leather jacket at black cap. Parang naalala ko tuloy ang vibes niya sa drama niyang City Hunter. One of my fave!
"Titig agad ah?" Puna ni Maricar ng mapansin kung saan ako nakatingin.
Inilapag ko sa sahig ang water bottle bago ko siya hinarap at nginisian, "syemps baka mawala".
"Sayong-sayo iyan sis sigurado. Walang aagaw"
"Anong walang aagaw eh sampo nga tayong nag lalaban-laban ngayon para lang makasama siya ng isang buwan?"
"Nine lang sis. 'Di na ako kasali. Doon ako kay Il Woo, remember?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Edi sabihin mo sa staff back out kana" panghahamon ko. Agad naman siyang umismid sa akin at sinabing never niyang gagawin iyon. If siya raw ang mananalo ay pag tatyagaan nalang niya si Lee Min Ho. Kapal ng face.
May mga pakulong introduction pa ang emcee bago nag simula at mag tawag ng random. Iyon daw ang twist. Hindi sunod-sunod ang pag sagot dahil may hinanda silang box at nandoon ang mga paper kung saan nakasulat ang numbers namin.
"Let's give a round of applause to number 21! Please join us here" anang emcee.
Napatalon pa si Maricar dahil chumichismis siya sa katabi ng biglang tawagin ang number niya. Natawa tuloy ang iba dahil nagsilingon kaming lahat sa kanya noong natawag siya kaya nakita ng halos lahat ang reaction niya.
Mabilis siyang lumakad papunta sa stage. Si Lee Min Ho ang magtatanong sa lahat at magbibigay lang ng points ang mga judges base sa sagot ng mga candidates.
"Annyeonghaseyo" pagbati ni Maricar.
"Annyeonghaseyo" malalim na boses ang bumati pabalik. "How are you?" Sana all kinukumusta ni Lee Min Ho.
"Im fine, thank you" natawa ako dahil halos lahat ng pilipino ay ganoon ang sagot sa tuwing tinatanong ng 'how are you'. Namiss ko tuloy bigla ang pilipinas.
"That's not your question." Tumawa si Lee Min Ho kaya naman hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong hindi tumitig sa kaniya. Apakagwapo! "Your question is, what is something you hated as a kid but now appreciate?"
Mukhang nawala ang kaba ni Maricar dahil sa tanong. Expect kasi namin ay mahirap ang itatanong pero mukhang ramdom questions lang. Tioong kung anong pumasok sa isip ni Lee Min Ho ay iyon nalang ang itatanong niya.
"Sleep. I hate sleeping back then 'cause I only wanted to play with my friends but now, I only wanted to sleep but my school works won't let me that is why I appreciate sleep more than I sver thought I would" confident na sagot niya.
Pinalakpakan naman siya ng lahat pati na ako. May tatlong natawag na mga koreana at ang sunod na natawag ay ako. Agad na dumagundong ang dibdib ko at tila biglang parang gusto kong tumae na umihi na mag suka na hindi ko alam.
Nakatingin ang lahat sa akin habang naglalakad ako pa akyat ng stage. Si Maricar ay chumichismis na ulit doon sa upuan dahil wala na siyang kabang nararamdaman. Sana all.
"Annyeonghaseyo" agad akong bumati pagkaakyat sa stage. Bumati rin naman pabalik si Lee Min Ho pero hindi gaya sa mga nauna sa akin, pakiramdam ko ay biglang naging suplado ang aura niya na siyang lalong nagpakaba sa akin.
"Your question is, if you really learn from your mistakes, why are you so afraid of making them?"
Hindi ko alam kung mas lalo akong kinabahan sa tanong niya o guminhawa ako. Basta ang alam ko ay parang namanhind ang buong katawan ko.
"I'm not afraid of making any mistakes. I'm afraid that I might disappoint my love oned and the people around me if I ever made a mistake. I'm afraid to disappoint myself. Thd thought that I did my best but the result didn't reach the expectations of the people around me kills me. I'm afraid of what other people's thoughts about me"
Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya ang sagot ko o hindi. Hindi ko rin alam kung tama pa ba ang grammar ko basta sinabi ko lang ang mga gusto kong sabihin.
Nag palakpakan ang mga kasama namin pero tila may sariling mundo kami ni Lee Min Ho dahil nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko rin napigilan ang pagtitig pabalik. Nagsimula ulit dumagundong ang dibdib ko at nakaramdam na ako ng kaba.
"Ah thank you" tila wala sa sariling sabi ni Lee Min Ho. Kung hindi lang siya siniko ni Il Woo na katabi niya ay hindi sana naputol ang titigan namin.
Agad akong nagpasalamat pabalik at bumaba na sa stage. Pagkaupo ko ay ngiti ni Maricar ang sumalubong sa akin. Agad kong kinuha ang tubig ko at halos maubos ko iyon.
"Ayos sa titigan ah? Buti 'di ka natunaw?" Natatawang pang-aasar ni Maricar.
Sunod na nabunot ay si Ria kaya naman nagfocus kami sa panonood ni Maricar pero hindi niya rin napigilan ang sarili at paminsan-minsan akong sinusundot sa tagiliran, nang-aasar.
Nang matapos tanungin ang lahat ay binigyan kami ng ten minutes break. Hindi na kami umalis dahil busog din naman kami kaya naman nag kwentuhan nalang.
Akala ko ay si Ria parin ang aasarin gaya kaninang umaga pero nagkamali ako. Napasa sa akin ang pang aasar dahil doon sa titigan namin ni Lee Min Ho. Akala ko ay hindi nila napansin.
"Ilang segundo rin ang itinagal ng titigan ninyo ah?" Sabi ni Arra.
"Akala ko nga magtatagal pa lalo. Buti nalang nakaya pang magsalita ni Lee Min Ho!"
"Ay nako Arra, nagsalita nga mukhang wala rin naman sa sarili!" Tumawa silang tatlo dahil sa sinabi ni Maricar.
"Kita ko kaya kinalabit lang ni Il Woo si Lee Min Ho kaya natauhan bigla@" dugtong pa nito.
Hindi na ako sumabat dahil aasarin lang naman nila ako. Nakitawa nalang ako hanggang sa mag resume na ang audition.
Mabilis nalang naman dahil announcement nalang ng winner. Tahimik na ang lahat ngayon dahil nakakaramdam na ng kaba. Lahat gusto manalo dahil sino ba naman hindi diba?
"We tallied the scores given bu the judges and the score given by Lee Min Ho himself to identify the winner. We won't make the announcement long so the lucky girl who will live with Lee Min Ho for one month is," akala ko sa Pinas lang uso ang drum rolls tuwing may announcement na ganito pero hindi pala.
"Di na ako aasa girl. Feeling ko talaga ikaw yan. Iba titigan eh" hindi parin tumitigil sa pang-aasar si Maricar.
"Our winner is number 20, Ms. Anna Macaspac!" Napanganga ako ng marinig ang pangalan ko.
Ayan nanaman iyong feeling ng natatae at naiihi na di malaman. Feeling ko hihimatayin ako sa kaba.
Itinulak ako ni Maricar patayo dahil kailangan kong umakyat sa stage. Doon naghihintay ang emcee ay si Lee Min Ho. Malakas ang palakpakan ng lahat. Mabagal ang lakad ko paakyat at yumuko ako kina Lee Min Ho ng makaakyat na.
Yumuko at nagpasalamat ako ng iniabot niya ang maliit na bouquet sa akin. Humarap ako sa mga kasama kong nag audition at sa mga judges at yumuko ulit.
"What can you say, Ms. Anna?" Anang emcee at iniabot sa akin ang mic.
"Uhh I didn't expect that I will be the winner. I'm so nervous and excited at the same time. I'm looking forward to the following days with my idol, Mr. Lee Min Ho," humarap ako sa kaniya at ngumiti, "and I will treasure every memories I will make with him as this is a once in a lifetime experience. Thank you to all the judges and my fellow candidates." Sabi ko at yumukong muli.
Feeling ko nanalo akong Ms. Universe. Nakita ko pang todo picture sina Maricar at napakalaki ng ngiti sa kanilang labi. Supportive.
May photo opt pa kaya naman natagalan ako bago nakalapit kina Maricar. Kinausap muna rin ako ng mga staff at ininform lang nila ako sa mga gagawin. Ang sabi ay next week, monday ay lilipat na ako sa bahay na nakalaan para sa promo na ito. Susunduin ako ng staff ng resto at ihahatid doon.
"Congrats!" Agad akong niyakap ni Ria, "dream come true!"
Sumunod sina Arra at Maricar sa pagyakap kaya naman naipit ako sa gitna nilang tatlo. "Sabi sayo ikaw winner eh!" Ani Maricar
"Selfie bilis!" Agad kaming nag post ng itinaas ni Arra ang phone niya. Lumawak ang ngiti namin ng mapansing nakasama na si Il Woo sa picture. Nilingon agad namin siya ng matapos ang picture taking.
"Congratulations!" Aniya at umambang yayakap kaya naman lumapit ako at yumakap na. Pakapalan na ng mukha. Charot.
"I knew from the beginning that you'll be the winner!" Aniya pa
"Oh me too!" Sabat naman ni Maricar. Sa kanilang tatlo ay siya lang yata ang nakaisip na ako ang mananalo. O hindi lang sinasabi ng dalawa? Hindi ko alam dahil si Maricar lang ang madalas kong makausap sa audition.
"Congratulations" natahimik ang tatlo ng magsalita si Lee Min Ho sa likuran ko. Agad akong bumaling sa kaniya at nagulat pa ng bahagya dahil sa lapit niya. Umatras ako ng kaunti at tumingala. Bakit kasi ang tangkad bebelabs?
"Thank you!" Sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin naman siya pabalik.
Lumapit si Maricar "bakit si Il Woo may yakap si bebelabs mo wala?" Bulong niya kaya naman agad ko siyang siniko.
Nakita iyon ni Lee Min Ho kaya naman tumawa ako ng peke dahilan para mabalik sa akin ang tingin niya. Nagkibit balikat lang siya at ngumiti ulit.
"See you next week" aniya at ginulo ang buhok ko bago lumakad paalis at iniwan nanaman akong tulala at kumakabog ang dibdib.
![](https://img.wattpad.com/cover/223388018-288-k629570.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...