Nagising ako dahil sa ingay na narinig. Parang may bumagsak na tray yata or something sa malapit. Pag mulat ko ay nakita ko ang nurse na patayo na at mukhang may pinulot.
"Sorry I dropped this" aniya at ipinakita ang isang tray na lalagyan ng pagkain.
Ngumiti ako sa kanya, "It's okay". Mabilis naman siyang umalalay sa akin ng makitang uupo ako kaya nginitian ko ulit siya at nagpasalamat ng makaupo na ako ng maayos.
"You're food is there," aniya at itinuro ang bedside table kung saan may pagkain at prutas na nakapatong "You should eat. It's already past one so you must be hungry."
"It's already past one? I need to go I'm late" mabilis akong pinigilan ng nurse sa tangka kong pagtayo
"No, it's alright. You are excused in your class so don't worry, okay? You need to rest"
Naalala ko ang nangyari at sobrang nakakahiya! Sa harap pa talaga ni Lee Min Ho, Anna? Seriously? Hindi ko alam kung bakit ako biglang hinimatay. Siguro sa sobrang excitement, kaba o kilig dahil napakalapit namin ni bebe Lee Min Ho ko o dala ng pagod sa pagtakbo. Basta ang alam ko, sobrang nakakahiya iyong nangyari!
Nang hapong iyon ay hindi na nga ako pumasok sa mga klase ko. Sinundo nalang ako nina Arra sa clinic at sabay sabay na kaming umuwi. Marami pang ibinilin ang nurse sa akin bago umalis kaya medyo nagtagal din kami doon.
"Daan muna tayong seven eleven. Gusto ko soju" ani Arra
"Gaga makakabili ka ba? Twenty one yata ang legal age dito sa Korea eh twenty ka palang" angil naman ni Maricar
"Edi ikaw bumili tutal ikaw pinakamatanda sa atin"
"Ayoko. Ako pinakamatanda tapos ako pa pasimuno? No thanks"
Napailing nalang ako sa kanila. Sa huli, napapayag din ni Arra at Ria si Maricar. Silang tatlo lang naman talaga ang umiinom. Hindi kasi ako sanay uminom at minsan ng nasabihan ng tita ko na wala raw sa lahi namin ang hindi umiinom. Sila kasi malalakas uminom. Iyong tipong ginagabi talaga tuwing may handaan sa amin.
Sa labas ng dorm namin hinintay si Maricar. Aniya baka raw makita kami ng may ari ng convenient store kung pati kami sasama at maging dahilan pa iyon para di kami makabili. Hindi kasi kami nakadaan sa seven eleven dahil out of the way rin sa dorm kaya sa convenient store nalang na nasa likod ng dorm bumili si Maricar.
"Iinom ka?" Tumaas-baba pa ang kilay ni Ria sa akin
Umiling-iling naman ako "Hindi ah. As if umiinom ako"
"Try mo lang. Tikim lang" pagpilit pa niya na paulit ulit kong tinatanggihan
"Oo nga pala. Grabe hinimatay ka talaga sa harap ni Lee Min Ho sis? " tumawa ng napakalakas si Arra ng maalala ang nangyari kanina. Akala ko nakalimutan na nila kaya natuwa ako ng walang bumanggit sa kanila noong nag lalakad kami pauwi.
Hanggang sa pag akyat namin sa dorm ay hindi nila tinigilan ang pang-aasar sa akin. Maging si Maricar na madalas ay neutral lang, nakisali na rin sa asaran.
Wala naman akong sakit kaya hindi ko talaga expect na hihimatayin ako. Okay lang naman sana kung sina Ria ang kasama ko o kahit sinong estudyante o professor pa kaso hindi eh. Lee Min Ho, sis! Si Lee Min Ho lang naman ang nakakita and worst siya pa ang nakasalo sa akin. Well, semi worst lang yung nakasalo na part kasi atleast nahawakan niya ako charot. Pero nakakahiya talaga
"Yung reaction talaga ni Lee Min Ho ang nagdala eh. Parang natatae na ewan sa sobrang gulat" pag kwento pa ni Arra na kanina pa hindi matigil sa kakatawa
"Tama na nga. Nakakahiya. Gusto ko na kalimutan yung nangyari" sabi ko
"Sis, yung mga ganoong bagay ay hindi basta basta nakakalimutan" binuksan ni Maricar ang isang soju. Si Ria naman ay kumuha ng mga shot glass at iniabot sa akin ang isa na tinanggihan ko.
"Kunin mo. Tatry mo lang naman uminom." Aniya
"Ayoko may pasok bukas. Baka pag uminom ako hindi ako makapasok" sabi ko at kumuha nalang ng dubu kimchi o yung kimchi namay tofu, at fish cake.
"Wag mo na pilitin baka mapano pa iyan. Kitang hinimatay na kanina" natatawang suway ni Maricar kay Ria na agad naman nitong sinunod.
Nagpatuloy ang pang-aasar nila at tinanong pa ako kung bakit ako hinimatay. Naalala ko yung itsura ni Lee Min Ho noong nakabangga ko siya. Napaka tangos ng ilong nya, ang pula ng labi, sobrang puti ng balat at makinis pa. Ang yummy sis.
Kaso mahirap makita ng mas maayos ang mukha nya dahil matangkad. Hanggang balikad lang yata nya ako o baka nga wala pa sa balikat dahil maliit ako. Hiyang hiya rin iyong morena kong balat sa maputing balat niya.
"Anna Macaspac!" Napabalikwas ako ng hampasin ni Arra ang legs ko.
"Aray ko naman! Bakit ba?" Inis na sabi ko
"Kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo ng chicken. Tulala ka diyan inday?" Ipinakita ni Maricar ang hawak niyang drumstick.
"Baka iniisip si bebe niya" at nagsimula nanaman ang pang aasar nila sa akin.
"Kahit siguro ako matutulala ako kung ako yung naka experience nung na experience ni Anna." Umakto pa si Ria na parang nahihimatay
"Napaka swerte mo talaga, Anna. Sana all sinasalo ng Oppa"
"Kinabog beauty mo, Arra. Tapon mo na mga cosmetics mo" natatawang pang-aasar ni Maricar na agad namang ginantihan ni Arra.
Tumakbo ang sa pinto ng may mag doorbell. Lumapit na rin si Maricar at siya na ang sumilip sa hole para makita kung sino ang kumakatok.
"May delivery. Sino nag order sa inyo ng bulaklak?" Tanong niya. Lumapit sina Ria at Arra at sinabing hindi sila. Lalo naman hindi ako kaya umiling ako.
Nagpasya si Maricar na buksan nalang ang pinto. Agad namang yumuko ang delivery guy at bumati. May sinasabi siya pero hindi namin gaanong maintindihan dahil basics lang naman ang alam namin sa korean. Pero one thing is for sure. Pangalan ko ang binaggit niya kaya itinuro ako ni Maricar.
"No korean please. English only" aniya pa habang tinutulak ako palapit "iba talaga ganda mo inday" bulong niya
"For you" anang delivery guy sa bulol na English. Kinuha ko ang bulaklak na nakalagay sa box. Daisies. "Please sign here" itinuro niya iyong cellphone niya at pumirma ako doon. Agad naman siyang nag paalam pagkatapos.
Nag unahan sina Ria at Arra sa pagkuha noong envelope na nakaipit sa mga bulaklak. Binitawan ko ang bulaklak at inagaw sa kanila yung envelope na ibinigay rin naman nila agad.
"Buksan mo na dali!" Excited na sabi nila
Binuksan ko iyong envelope at kinuha ang kulay pink na card sa loob. Binuksan ko iyon at binasa sa isip ko ang sulat pero nagreklamo si Arra at sinabing basahin ko raw ng malakas.
"Hi! How are you? I hope you're fine now. I hope this daisies will help you recover faster. Please rest well and see you at the part two of the audition. Love, LMH" may puso pang nakalagay pagkatapos ng pangalan.
Napakagat labi ako at nag sisigaw naman sina Ria at Arra habang tumatalong ng magkahawak kamay. Natatawa ako sa reaction nila pero hindi rin matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.
Kinuha ni Maricar ang card at binasang muli. Tinapik niya ako sa balikat pag kabalik ng card at nginitian "mukhang nakabingwit ka ng oppa, ah?"
"Naiinggit ako. Sarap mong oppa-kan, Anna. Kinabog mo ganda ko!" Sigaw ni Arra ng makarecover na sila.
"Wag mo kami kalimutang iinvite sa kasal mo ah?" Sabi naman ni Ria. As if naman. Siguro kaya lang iyon nagpadala ng bulaklak ay dahil nag-aalala sila na baka hindi ako makapag participate sa contest ng resto nila. Oo tama.
Tulong na ang mga kasama ko pero ako heto nakahiga sa higaan ko at hawak hawak ang card. Pinicturan ko kanina iyon pero nakasara at ipinost sa Instagram ko.
Paulit-ulit kong binabasa kanina pa ang sulat as if na mababago. "Love, LMH" bulong ko habang nakatitig sa sulat kamay niya. Pero siya nga ba kaya ang nag sulat? Busy yon sa trabaho at walang time sa mga ganito. Saka sino ba ako diba? Isang hamak na fan lang at contestant sa promo ng resto nila bakit niya ako pagkakaabalahan?
"Matulog kana" nagulat ako ng magsalita si Ria. Akala ko tulog na sya. "Hindi ako makatulog sayo. Baka matunaw yang card itabi mo na."
"Akala ko tulog kana" sabi ko
"Pano ako makakatulog kung paulit-ulit kong naririnig yung 'love, LMH'. Bukas mo na ituloy yan anong oras na" aniya at nagtalukbong na sa kumot niya.
Tumayo ako at inipit sa journal ko yung card saka nahiga ulit. Pumikit ako pero ilang saglit lang ay dumilat ulit. Hindi ako makatulog. Ito na ba iyong Lee Min Ho Syndrome na sinasabi nila Maricar sa akin?
Walang hiya naman bebe Lee Min Ho. Wag pabigla bigla baka mamaya ma fall talaga ako sayo at makalimutan kong hindi tayo pwede. Masakit yun.
"Tulog na, Anna" halos mapatalon ako ng magsalita ulit si Ria.
"Oo na eto na matutulog na" sabi ko at umayos na ng higa.
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...