4

12 2 2
                                    

    "Hindi ko talaga malimutan iyong itsura mo sa stage, Anna!" Kanina pa tawa ng tawa si Ria at may kasama pang paghampas. Tinignan ko ang braso kong namumula na dahil mula sa dorm hanggang dito sa campus ay ulit-ulit nalang siya sa pag hampas at pagtawa.
   
    Tinatawanan niya kasi 'yung itsura ko raw noong dunating si Lee Min Ho at noong tinanong niya ako. Mukha raw akong constipated na di malaman. Alam ko namang nagmukha talaga akong tanga non kaya nga sising-sisi ako eh. 'Bat kasi hindi ako naniwala kay Maricar noong sinabi niyang si Lee Min Ho ang actor na sinasabi noong resto? Nakakainis.
   
    "Sinabi ko naman kasi sayo na 'yung pinapangarap mong si Lee Min Ho ang actor di ka pa naniwala. Ayan tuloy" natatawang saad ni Maricar
   
    "Eh kasi naman ikaw madalas puro kalokohan lumalabas sa bibig mo paano ako maniniwala?"
   
    "Sa ating apat, ako ang dapat na mas pagkatiwalaan mo sa mga ganyang bagay. Mas marunong ako sa mga bagay na may kinalaman sa mga artista at pangi-stalk" kumindat pa siya sa akin bago nag paalam. Aniya, may klase pa raw siya at mauna na kaming mag lunch.
   
    Nakatambay kasi kami rito sa bench, kaharap ang isang field kung saan may iilang students na nag jojog pa ikot. Ang iba naman ay nag lalaro ng bola. Soccer yata. Hindi ko sure.
   
    "Pogi nun oh" ngumuso si Arra sa bandang kaliwa. May grupo ng studyanteng nakatayo at nanonood yata sa mga nag lalaro sa field. Tatlo doon ay mga babae at apat na lalaki.
   
    "Sino dun? Dami nila" ani Ria
   
    "Yung may bag. Katabi noong kulay pula ang buhok" tinignan ko yung sinasabi ni Arra. Medyo cute. Medyo lang. Mukhang bata pa. Sa hula ko mga nasa high school palang siguro.
   
    "Mas gwapo si Lee Min Ho" bulong ko na narinig pala nila kaya sabay silanh lumingon sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Ria at natawa naman si Arra sa sinabi ko
   
    "Malamang. Artista yang Lee Min Ho mo tapos ico-compare mo sa estudyante lang? Ayos ka lang sis?"
   
    "Dead na dead ka talaga diyan sa Lee Min Ho ano po?" Natatawang saad ni Arra na tinanguan ko naman.
   
    "Walang titibag" natatawang sabi ko.
   
    Tumayo si Ria at pinagpag ang jogging pants na soot nya. "Tara cafeteria. Gutom na ako" agad naman kaming sumunod sa kanya dahil oras na rin para mag lunch. Actually, mamaya pa dapat kami kakain pero dahil wala ang prof namin, maaga kaming makakapag lunch.
   
    "Sana di full pack. Hirap mag hintay sa pila"
   
    "Di yan. Maaga pa naman" at tama nga si Ria, pagkadating namin sa cafeteria ay konti palang ang tao. Siguro nasa klase pa ang iba.
   
    Habang kumukuha ako ng pagkain ay napansin kong medyo maraming tumitingin sa grupo namin. Kinalabit ko si Arra na siyang nauuna sa akin. "Bat tumitingin sila sa atin? May hinarot kang campus crush?" Bulong ko
   
    "Gaga. Hindi mo ba alam na inaupload sa social media 'yung audition? Ini-air iyon every sunday." Eh? Wala akong maalala na may sinabing ganoon noong first day ng audition. O baka hindi lang ako nakinig at hindi ko binasa ng maayos iyong form? Ewan.
   
    Ayoko pa naman minsan ay iyong maraming tumitingin sa akin tapos mag bubulungan pa. Nakakainis sa feeling. Para kang hinihusgahan lagi. Mahirap kumilos.
   
    "Hayaan mo na sila. Ayaw mo nun sikat tayo dito sa Korea? Sa Pinas ordinary people lang tayo" natatawang usal ni Ria pagkaupo namin.
   
    Halos hindi ako makakain ng maayos dahil pinagtitinginan talaga kami ng mga estudyanteng nandito. Yung iba ay titingin tapos mag bubulungan pa. May iilan pa akong nakitang pasimpleng kumukuha ng letrato.
   
    Mukhang napansin din iyon ni Arra kaya kinuha niya muna iyong salamin at tint nya at nag ayos agad ng mukha. Pasimple ko naman sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. Si Ria ay parang wala lang at nag simula na agad siyang kumain.
   
    "Nakakailang naman sila" bulong ko
   
    "Wag mo nalang pansinin. Kumain kana" ani Ria na nakalahati na ang pagkain. Nakasimangit ako ng unti unting nag simula sa pag kain. Si Arra ay nag simula na rin pagkatapos mag lagay ng lip tint.  Gaga talaga. Parang hindi matatanggal yung tint kapag kumain siya.
   
    "Uh excuse me?" Sabay sabay kaming napalingon ng may lumapit na babae sa amin.
   
    "Yes? Do you need something?" Si Ria ang sumagot dahil sya palang ang tapos kumain sa amin
   
    Ngumiti naman ang babae at mukhang nahihiya. Lumingin pa siya sa gilid niya kaya tinignan ko rin kung ano tinitignan niya. Mukhang mga kaibigan niya iyong mga nasa mesa sa di kalayuan. Chinecheer kasi siya eh.
   
    "Uh... can I take a selfie with you? I watched the first episode of Thirty Days with Oppa and I liked you since then" aniya sa akin. Nag tataka naman akong lumingon kina Ria at Arra na mukhang gulat rin. Naunang nag react si Ria. Tumawa siya at siya pa ang nag presintang mag pipicture kahit hindi pa naman ako pumayag.
   
    Pagkaalis noong babae ay halos hindi na ako makakain dahil sunod sunod na ang lumapit sa table namin. May iilang nag papa picture, ang iba'y nag papa pirma ng mga papel at kung ano anong gamit nila. Ang iba ay nakikiusyoso lang ata.
   
    First time kong makaranas ng ganito. Sa Pinas ay si Ria lang ang madalas kong kasama noon. Ilag ako sa ibang estudyante at kaklase ko dahil lahat ay mayayaman. Pero hindi ko akalain na magbabago iyon pagdating ko rito sa Korea.
   
    "Excuse me. Excuse me" nilingon ko ang pamilyar na boses at nakita kong si Maricar iyon na hirap na hirap sumingit sa mga estudyante.
   
    "Uh, please let her through" mahinang sambit ko. Hindi ko sigurado kung narinig iyon ng mga estudyante o sadyang nakita lang talaga nila si Maricar na sumisingit kaya nag give way na rin. Pawis na pawis siya at mukhang tumakbo ng napakalayo
   
    "Anyare sayo sis?" Nilingon siya ni Ria. Agad ko naman inabutan ng tubig si Maricar dahil mukhang anytime ay mag papass out sya sa sobrang pagod.
   
    "Hinabol ako ng mga students mula library hanggang dito." Hirap na hirap pa siya sa pagsasalita.
   
    Nawala naman agad ang attention ko sa kanya ng may tumawag sa akin para mag pa picture. Hindi rin nag tagal ay may mga nag papapicture na rin kay Maricar.
   
    Kung hindi siguro kami tinulungan ng mga nag tatrabaho sa cafeteria ay hindi kami matatapos doon. Mas dumami kasi ang estudyante noong mag lunch time na at nag simula na ring magkagulo ng bahagya kaya tumawag na ng security sa school.
   
    "Grabe. Ganoon pala feeling ng sikat. Parang ayoko na at nasisira ang beauty ko" usal ni Ria habang nakaharap sa salamin.
   
    "Napagod ako doon ah. Biruin nyo, napakalayo ng library sa cafeteria tapos hinabol ako ng mga estudyante. Langya parang gusto ko na mag quit sa audition"
   
    "Sige na, quit kana para madagdagan chance ko na manalo" ngumiti pa ako ng malapad kay Maricar na agad naman niyang inismiran.
   
    "Aayaw ayaw mag audition noong una pero ngayon parang gusto mo ng solohin ah?" Aniya
   
    "Iba talaga nagagawa ng charisma ni Lee Min Ho. Nabubuhay kalandian sa katawan ni Anna" sabat ni Ria.
   
    "Ano pala balak nyong gawin sa friday? Ako mag lilinis ng kwarto habang sumasayaw" ani Ria at nag pakita pa nga ng dance moves raw nya.
   
    "Di ko sasabihin sa akin baka gayahin nyo" sabi ko na kinainis nila.
   
    Mamaya pagkauwi ay sisimulan ko ng mag practice. Balak ko ay magluluto ako ng Nilagang baboy dahil paborito ko iyon. Hahaluan ko siguro ng kanta at sayaw para hindi boring.
   
    Gusto ko kasi sana ay yung makita rin nila ang pagka Pilipino ko bukod sa pagiging wife material. Pakiramdam ko boring kapag literal na luto lang kaya dapat may twist para masaya
   
    "Ah shit!" Sabay sabay kaming tumakbo ng bigla nanamang dumating iyong mga babaeng 'fan' kuno. Sabi nila eh. Sila rin daw ang naghabol kay Maricar kanina at ngayon ay kaming apat na ang hinahabol.
   
    Dumirediretso lang kami sa pag takbo at ganoon rin iyong mga estudyante. Sumisigaw pa sila pero hindi ko maintindihan dahil Korean!
   
    "Aray" muntik na aking mapaupo ng mabangga ako sa taong nakatayo sa harap ko kung hindi lang ako nito nahawakan sa balikat. Sina Maricar ay tuloy tuloy lang sa pagtakbo at mukhang hindi nila napansin na naiwan na ako!
   
    "You okay?" Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang pamilyar na boses. Unti unti kong inangat ang ulo ko at ang una kong napansin ay ang isang napakatangos na ilong.
   
    Unti-unti akong napanganga ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ko at may hawak sa akin ngayon. Mapulang hugis pana na labi, matangos na ilong, magagandang mata, medyo makapal na kilay, maputing balat at matangkad. Myghad!
   
    "Oppa" bulong ko bago ko naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko at ang pagdilim ng paningin ko.

Love, LMHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon