"Pa, ilang buwan pa ang bibilangin bago ako umuwi. Hindi na po ba talaga madadaan sa matinong usapan iyan?"
Kausap ko ngayon sina Papa sa skype. Nag away raw kasi ang Tito at Tita ko, parehong kapatid ni Papa. Dati pa man ay hindi na magkasundo ang dalawang iyon kaya naman hindi na kami gaanong nagugulat sa tuwaing nag aaway sila.
"Mukhang hindi eh, nak. Malaki ang tampo ni Tita mo" ewan ko ba sa kanila. Ang tatanda na ay hindi pa marunong mag usap ng maayos. Maliit na bagay ang pinapalaki nila.
Ang sabi ni Papa ay tungkol ata sa mangga ang pinag awayan nila. May puno ng mangga sa likod bahay ni Lola at hindi ko alam kung paanong naging dahilan iyon ng away nila. Ayaw sabihin ni Papa.
Nagtagal din ng mahigit dalawang oras kaming nag uusap ni Papa dahil hindi raw umuwi ng gabing iyon si Tito at nag aalala sila. Puyat tuloy ako at halos hindi makatayo kinabukasan.
Kung hindi pa ako ginising ni Ria ay siguradong tanghali ang gising ko. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang part two noong audition. Ang alam ko ay bukas ang huling part kaya naman kinakabahan na ako. Question and answer yun 'no kaya nakakatakot.
"Nagluto ako ng fried rice and eggs. Nasa lamesa" ani Maricar ng makitang gising na ako.
Nagkakape sila ni Arra sa sala at mukhang may ginagawang school project or something dahil kaharap nilang pareho ang mga laptop nila at nagkalat ang iilang papel sa sahig.
Nag sandok ako ng pagkain at sa kusina na nag almusal dahil wala rin naman akong puwesto sa sala. Mabuti nalang at wala kami gaanong ginagawa sa school ngayon dahil malapit narin naman ang school festival kaya hindi na kami binigyan ng maraming gawain.
"Ang hirap!" Sigaw ni Arra pero agad din namang itinuloy ang ginagawa niya. Mag rereklamo pero tuloy sa gawain! That's the spirit.
Nang matapos kumain ay kinuha ko ang phone ko at nakitang dead batt ito kaya naman nag charge muna ako bago naligo. Nagtagal ako ng kaunti dahil nag babad pa para naman kahit hindi ako agad maligo mamayang gabi ay ayos lang.
Wala rin naman akong lakad ngayon araw at siguro ay mag rereview nalang para naman hindi ko makalimutan ang mga lesson namin. Nahihirapan rin kasi ako sa iilang lesson namin lalo na sa Analytical Chemistry.
"Anna peram phone!" Sigaw ni Ria, "Ano password?"
"Sandale! Nag bibihis na ako" sagot ko at nagmadali ng mag bihis. Binalot ko muna sa towel ang buhok ko at agad ng lumabas.
Iniabot agad ni Ria ang phone ko sa akin at agad ko rin namang tinipa ang password saka ibinalik sa kanya. "Ano ba gagawin mo?"
"May sinend si Jack sa akin. Hindi ko makita kaya isinend ko sa email mo. Titignan ko lang" aniya ng hindi tumitingin sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin na parang gulat na gulat.
"Bakit?" Tanong ko dahil mukha siyang nakakita ng multo.
"Anong oras na leche ka?" Natataranta niyang tanong.
"Aba malay ko! Pwede mong tignan sa dalawang phone na hawak mo sis" sarkastiko kong tanong.
"Alas onse na! Tae may appointment ka ng alas siete!" Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya at agad na inagaw ang phone ko. Doon, nakita kong naka open ang isang email na kagabi pa sinend sa akin.
JIWPersonal to me:
Good Evening, Ms. Anna Macaspac. This is Clark Pineda from the office of Mr. Jung Il Woo. We are sorry for the short notice but our boss wants set an appointment with you. Please give us a heads up anytime you are available but it would be greatif you are available tomorrowat 7 Am. Thank you and have a good night.
Iyan ang nakalagay sa email. Mabilis kong pinindot ang reply button at sinabing ngayon ko lang nabasa ang email nila at agad na nag tanong if tuloy pa.
"Bakit magkikita kayo ni Il Woo?" Tanong ni Arra ng ikuwento ni Ria ang kabobohan ko raw.
Nagkibit balikat ako at naalalang nagpapaturo nga pala siyang maluto ng adobo. Baka iyon ang rason kaya ayon ang sinabi ko sa mga kaibigan ko.
Bumaling si Ria kay Maricar "diba nag email rin sayo si Lee Min Ho? Bibili ng painting?" Ehhh? Napatitig ako kay Maricar ng tumango siya. Bakit hindi niya sinabi? I feel betrayed! Charot.
"Bukas pa siya titingin ng gawa ko." Aniya. Lumingin siya sa akin at kumunot ang noo kaya naman tinaasan ko siya ng kilay "sabi ko akin si Il Woo sayo bebelabs mo. Anyare?"
"Hala ewan ko. Kung gusto mo palit tayo ako makikipag kita kay Lee Min Ho ikaw kay Il Woo" sabi ko pero biro lang.
"Ay waw nung isang linggo mo pa hindi tinatawag na bebelabs si Lee Min Ho ah? Di mo na idol?" Aniya
"Baka kay Il Woo na. Gwapo rin yun" sagot ni Arra habang nag pipipindot doon sa calculator niya. Mukhang math ang sinasagutan.
"Lee Min Ho parin walang titibag" sabi ko at tumayo na. Nag reply na kasi ang secretary ni Il Woo at sinabing ngayong alas kwatro ng hapon nalang kami mag kita-kita dahil nasa taping pa yata si Il Woo or something.
Alas dos na kaya nagpasya akong mag ayos na. Ayokong malate sa restaurant na pagkikitaan namin dahil late ko na nga nabasa message nila tapos mag papalate pa ako ngayong namove ang oras. No way. Nakakahiya iyon.
Kinantyawan pa ako nina Ria dahil ang aga ko raw. Thirty minutes bago mag alas kwatro ako nakarating sa restaurant ng isang hotel dahil doon ang sinabi ng secretary ni Il Woo na meeting place.
May naka reserve na table at agad naman akong iginiya ng waitress doon. Nasa malayong sulok iyon at isang maliit na kwarto. Mukhang private room ng restaurant iyon.
Pagpasok ay nagulat pa ako ng makitang nakaupo si Il Woo roon at may katabi siyang medyo chubby na lalaki. Akala ko maaga ako pero mukha h mas maaga sila.
Agad akong yumuko at sila naman ay tumayo at yumuko rin. Nagpasalamat ako sa waitress ng umalis siya. Sinenyasan akong maupo ng kasama ni Il Woo kaya naman sinunod ko agad iyon.
"Hi" ani Il Woo sa baritonong boses. Naka soot siya ng polong itim at ang kasama naman niya ay puti. Mukhang pilipino at nakumpirma ko iyon ng ipakilala siya ni Il Woo. "This is my Filipino secretary, Clark Pineda. He's the one who emailed you last night" aniya
Nakipag kamay ako kay Clark. Malaki ang ngisi niya sa akin at tila nang aasar ang mga tingin. Akala siguro niya ay may kung anong namamagitan sa amin ni Il Woo dahil sa mga tingin niya sa akin.
Kumain lang kami ng kaunti doon sa restaurant at agad ding umalis papunta sa apartment ni Il Woo dahil mag papaturo na siyang magluto. Aniya ay nanood na siya ng mga videos sa internet at nakapag try na rin. Inimbita raw niya ako para maging judge ng niluluto niya.
Maganda ang apartment niya at malinis. Kulay itim at light brown ang kulay at unang tingin palang ay alam mo ng lalaki ang nakatira dahil sa mga naka display.
Pinaupo niya ako sa breakfast table habang siya ay abala sa paghahanda ng mga ingredients. Si Clark ay nasa sala at abala sa mga kausap sa phone. Hindi ko alam kung jowa niya ang kausap niya o tungkol sa trabaho.
Tumayo ako at lumapit kay Il Woo na nakapamewang habang tinitignan anh niluluto niya. Hinihintay nalang iyon maluto. Amoy na amoy ang maasim na suka kaya naman sinilip ko ang niluluto niya.
"I think you put too much vinegar in it" sinulyapan ko siya
Tinaasan niya ako ng isang kilay at tila nacoconfuse pang tumingin sa akin "you think? Nevermind I can still cook another one if this one's fail" waw yaman dami ingredients.
Tama nga ako dahil nang tikman namin ay parang sinigang ang niluto niya at hindi adobo! Kahit siya ay muntik ng malukot ang mukha dahil sa asim. Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil hindi ko nakita kanina. Busy kasi akong katext sina Ria dahil tanong ng tanong kung ano nang nangyayari sa amin dito.
"Try again" aniya at nagsimula ulit mag luto. This time ay binitiwan ko na na ang phone ko at sinamahan siyang maluto doon.
Siya parin naman ang gumagawa pero ginagabayan ko na. Natawa pa ako ng mapansing hindi pala siya marunong humawak ng knife!
"Yah. You're holding it wrong!" Sabi ko ng makitang baligtad ang oaghawak niya sa peeler. Alam na alam mong hindi talaga nagluluto dahil simpleng paghawak sa mga gamit sa kusina ay hindi alam.
Hinawakan ko ang kamay niya at iginiya sa tamang paraan ng pagbabalat ng patatas. Tawang tawa pa ako dahil hindi niya makuha kaya naman hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang sa matapos mabalatan ang isang patatas.
"Il Woo" halos mag mura ako ng may boses lalaking bigla nalang nagsalita.
Sabay naming nilingon ang entrance ng kusina at doon nakatayo ang bebelabs ko. Naka itim na tshirt lang ito at shorts na hanggang itaas ng tuhod.
Yumuko ako ng magtama ang tingin namin. Ganoon din siya pero ni hindi man lang nag smile. Sungit. Naghugas ng kamay si Il Woo at lumapit sa kanya. Nag usap sila saglit sa lenggwahe nila kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagbabalat ng patatas.
Agad din naman bumalik si Il Woo sa kusina at tinapos na ang pagluluto niya. Nag hain na si Clark at tutulong sana ako kaso ayaw niya at ni Il Woo. Si Lee Min Ho ay prenteng nakaupo lang sa dinning table kaya naman ganoon nalang din ang ginawa ko.
Nakasimangot pa rin siya at tila galit sa mundo. "jal meokgetseumnida" sabay sabay naming sinabi bago nagsimulang kumain.
"How is it? Is it bad?" Ani Il Woo, tinutukoy ang adobong luto niya.
"Yes it's bad" sagot ni Lee Min Ho kaya naman napalingon ako sa kaniya. Kinunotan ko siya ng noo. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin kaya at nag kibit balikat.
Binalingan ko si Il Woo na natatawa ngayon. "It's delicious" sabi ko na siyang lalong nagpalaki sa ngiti niya. "For a first timer, it's good".
Sinang-ayunan naman ako ni Clark kaya wala ng nagawa si Lee Min Ho kundi ang kumain ng tahimik. Nag kuwentuhan kami at nagtawana ni Il Woo habang ikinukuwento ko ang mga ginagawa ko sa Pinas.
Aniya pa ay gusto raw niyang makapunta sa Pilipinas kaya naman biniro ko siya na sumama sa ami pag uuwi na kami.
"I'll drive you home" nagpabalik balik ang tingin ko kay Lee Min Ho at Il Woo ng halos sabay nilang sinabi iyon. Napaangat pa ng tingin si Clark sa amin na kanina ay abala sa laptop niya.
"Mukhang magiging magkaribal pa 'tong dalawa diyan sa puso mo, ah?" Natatawang usal ni Clark na sinimangutan ko lang.
"She's my visitor, I'll drive her home" ani Il Woo.
"My apartment is not that far from her dorm. I'll bring her home" si Lee Min Ho naman.
Ngumuso ako "Il Woo will drive me home. He's the one who invited me so" sabi ko at nagkibit balikat.
Mas lalong nagdilim ang mukha ni Lee Min Ho na siyang ininagulat ko. Walang kibo siyang tumayo at naglakad palabas. Nang linungin ko si Il Woo ay nakita kong tumatawa pa siya.
"What?" Inosenteng tanong niya ng makitang nakatingin ako. Patuloy parin siya sa pag tawa at si Clark ay naririnig ko na rin ang mumunting halakhak.
"Let's go. I need to bring you home as fast as I can 'cause I don't want to die yet" aniya at hinila na ako palabas.
"Is Lee Min Ho oppa mad at you?" Tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe.
"Ani. Don't mind him." Sabi niya.
Nagpasalamat ako bago bumaba sa kotse. Papasok na sana ako sa loob ng tawagin niya ako. Nakababa na ang bintana ng sasakyan niya at nakasilip lang siya.
"Don't worry about Lee Min Ho. He's just jealous 'cause your with me" aniya bago umalis.
Sinalubong ako ng mga tanong nina Ria pagkarating ko sa dorm. Sinagot ko naman ang mga tanong nila at ng matapos ay nagayos na ako para matulog.
Pero dahil sa sinabi ni Il Woo ay napuyat ako ulit. Leche. Araw araw nalang ako puyat. Magdamag na bumagabag sa akin ang huling sinabi ni Il Woo. Pangalawang bese na niyang sinabing nagseselos lang si Lee Min Ho pero hindi naman niya sinasabi kung bakit.
May gusto ba sa akin yun? Imposible. Baka ako may gusto sa kanya pwede pa pero si Lee Min Ho magkakagusto sa akin? In my dreams.
![](https://img.wattpad.com/cover/223388018-288-k629570.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...