13

7 0 0
                                    

    Malakas na tunong ang gumising sa akin kinabukasan. Nakapikit kong kinapa ang side table para sa cellphone ko na tumutunog. Nang makuha ay pinindot ko ito at yinakap ang unan para matulog ulit.
   
    Patulog palang ulit ako ng tumunog ulit ang phone ko kaya wala akong nagawa kundi tignan kung sino ang tumatawag.
   
    "Ano?" Inis na bungad ko kay Ria
   
    "Anong oras na wala ka pa dito sa school? Papasok ka ba?"
   
    Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ang oras, "Oh shit" bulong ko ng makitang late na ako para sa first subject.
   
    "Masyado ka yatang nag enjoy na kasama mo bebelabs mo at nakalimutan mong estudyante ka pa?" Hindi ko na sinagot si Ria. Bastos man pero pinatay ko nalang ang tawag at dali daling kumuha ng towel at nag ayos.
   
    Mabilisang ligo na lang ang nagawa ko dahil wala na akong oras para magtagal pa. Pulbo at liptint lang ayos na at dinala ko nalang ang suklay. Bitbit ko sa kaliwang balikat ang backpack ko at ginamit ko naman ang kanang kamay para magsuklay.
   
    Dumaan ako saglit sa kusina at binati si Lee Min Ho na nakaupo sa table at nagkakape.
   
    "Good morning" aniya
   
    "Mornin'" kumuha ako ng dalawang pirasong toast bread at kinagat ang isa habang hawak ko ang isa.
   
    Dali dali akong tumakbo palabas, hindi na nagawa pang magpaalam kay Lee Min Ho. Mag eexplain nalang ako mamayang pag-uwi.
   
    Five minutes late ako sa second subject namin. Swerte dahil late rin ang prof at halos sabay lang kaming pumasok sa room.
   
    Habang nagkaklase ay ramdam kong gustong-gustong pumikit ng mga mata ko sa sobrang antok. Wala ng pumapasok sa isip ko kundi matulog. Leche. Hindi na ulit ako magpupuyat.
   
    Laking tuwa ko ng matapos na ang mga pang umagang klase ko kaya dali dali kong minessage sina Ria. Wala na rin akong pasok mamayang hapon kaya malaya akong makakagala o baka umuwi nalang din ako. Hindi ko alam.
   
    Me: Nasaan kayo? Break ko na.
   
    Pumunta akong cafeteria para bumili ng pagkain. Madaming estudyante kaya naman nag decide ako na sa labas nalang bumili dahil meron namang malapit na mini store doon.
   
    Habang naglalakad ay maraming estudyante ang tumitingin sa akin kaya naman nakayuko akong naglalakad. Malamang ay kilala nila ako dahil sa 30 Days With Oppa. Hindi ko alam kung na air na nila ang first episode dahil hindi ko naman nakausap ang staff kaninang umaga dahil nga nagmamadali ako.
   
    Kumuha ako ng Samgak Kimbap at Binggrae Banana Milk. Gusto ko pa sana kumuha ng ibang pagkain pero naalala ko na nag titipid ako at nag text rin si Ria na naghihintay sila sa field.
   
    Matapos mag bayad ay dali-dali akong bumalik ng school. Minessage ko sina Ria na papunta na ako. Habang naglalakad ay kumakain ako dahil gutom ako. Dalawang tinapay lang ang kinain ko kaninang umaga tapos may stat pa kami kanina kaya drain na drain ako.
   
    "Finally!" Sigaw ni Maricar ng matanaw ako.
   
    "Pasalamat ka wala na kaming klase kaya nahintay ka namin" umusog si Arra kaya doon ako umupo.
   
    Pabilog ang mesa at upuan. Naka gitna ako kay Ria at Arra habang katabi naman ni Ria si Maricar. Malilim dahil sa mga punong nakapaligid. Sa gitna ng field ay may mga naglalaro ng soccer at meron din namang nanonood lang.
   
    "Kumain na kayo?" Tanong ko
   
    "Oo kanina pa. Ikaw?" Ipinakita ko kay Maricar ang kinakain ko, "ano bang meron bakit atat na atat kayong makita ako?" Inubos ko ang banana milk na iniinom at tumayo saglit para itapon ang lalagyan sa basurahan.
   
    "May magandang balita ako, Anna!" Excited na usal ni Arra. Pagkaupo ko palang sa tabi niya ay yinugyog at hinampas-hampas na niya ako.
   
    "Pero bago 'yun, mag kwento ka muna! Kamusta first night with oppa?" Silang tatlo ay inilapit ang mukha sa akin. Interesadong interesado sa kung anong sasabihin ko.
   
    "Anong first night? Parang honeymoon naman!"
   
    "Oh anong gusto mo? Unang gabi? Ang berde ng utak mo" anang Maricar.
   
    "Nagpaturo lang siya magluto ng adobo" sabi ko. Mukhang hindi sila naniniwala na iyon lang kahit iyon lang naman talaga. Ano bang ineexpect nila? Party? Charot
   
    "Tapos?" Halos sabay sabay na sabi nila
   
    "Anong tapos? Kumain tapos natulog" naiinis na sabi ko. "Ano ba kasing magandang balita, Arra?"
   
    Binalingan ko si Arra pero inisnob niya lang ako. "Di ko sasabihin hanggat 'di ka nagkukwento ng maayos"
   
    Umandar nanaman ang pagka chismosa nilang tatlo. Gusto nila detalyadong detalyado ang bawat kwento. Wala aking nagawa kundi ang mag kuwento nalang dahil hindi rin naman sasabihin ni Arra ang magandang balitang sinasabi nila hanggat 'di ako nag kukwento.
   
    "Nagluto kami ng adobong manok at baboy tapos kumain kasama ang ilang staffs. Tapos natulog na. 'Yun lang talaga. Oh ano na ang magandang balita?" Dire-diretsong sabi ko, medyo naiinis na.
   
    "Yun lang talaga? As in? Weh?" Hindi makapaniwalang usal ni Ria
   
    "'Di ako naniniwalang 'yun lang. Eh bakit ka late?" May mapang asar na tingin si Maricar
   
    Bakit nga ba ako late? Naalala ko bigla na nag movie marathon nga pala kami kagabi kaya napuyat ako at na late kanina. "Nakalimutan ko nanood nga pala kami ng movie"
   
    Pero sa sala kami nanood tapos nung nagising ako, nasa kwarto ko na ako? Kinagat ko ang lower lip ko ng may maisip na medyo nakakahiyang bagay. Hindi kaya binuha ako ni bebelabs papunta sa kwarto ko para doon matulog?
   
    Oh shit. Ano kaya itsura ko? Baka tulo laway ako? Ganoon pa naman ako kapag masarap ang tulog! Baka nakanganga ako? Myghad!
   
    "Anong iniisip mo? May iba ka pang ginawa ano?"
   
    Napatitig ako kay Maricar ng bumuhos sa isipan ko ang mga posibleng itsura ko kagabi. Nakakahiya! "Myghad!" Paimpit na tili ko
   
    Nagtataka at natatawa naman akong tinignan ng tatlong kasama ko. "Nakatulog ako kagabi sa sala noong nanonood kami ng movie tapos pag gising ko kaninang umaga nasa kwarto na ako.!" Dire-diretso at mabilis ang pagsasalita ko.
   
    Bakas siguro sa mukha ko ang kaba, hiya at pagsisisi dahil tumawa silang tatlo. Imbes na icomfort ako ay lalo lang nilang ginatungan ang mga naiisip ko at tinawanan pa ako.
   
    "Ang pangit mo pa naman kapag tulog!" Ani Ria habang may kinakalkal sa phone niya. "Ganito oh!"
   
    Sa cellphone ni Ria ay naroon ang picture ko na natutulog ng nakanganga, tulo laway at may magulong buhok. Ang pangit nga. Umamba aking aagawin sa kanya ang phone pero mabilis niyang inilayo sa akin iyon. "Wag mo burahin. Pambati 'to sa birthday mo!"
   
    "Nakakahiya!" Sigaw ko at yumuko nalang sa table.
   
    Tawang-tawa naman ang tatlo at mukhang masaya sila sa mga kahihiyang dinaranas ko. Nagtagal pa ang pang-aasar nila sa akin. Muntikan pa akong mapikon.
   
    "Unang araw palang iyan ha. Ano pa kayang kabaliwan ang gagawin mo sa susunod? May twenty nine days ka pa!" Ani Arra at hinampas-hampas pa ang braso ko dahil tawang-tawa siya.
   
     "Aray! Wait masakit" tinulak ko siya palayo, "Teka walang hampasan" naka-cross ang kamay ko sa harapan ni Arra, umaaktong pinoprotektahan ang sarili laban sa mga hampas niya.
   
    "Hindi ba hinahanap mo mama mo?"
   
    Nang marinig ko ang word na 'mama' ay agad akong nagseryoso at tila kinabahan. Nakita na nila? Ipinakita ko noon ang litrato ni Mama na pinadala ni Papa kaso matagal na iyong litrato at baka nagbago na ang itsura ni mama.
   
    "Nakita n'yo na? Saan? Paano?" Sunod-sunod na tanong ko.
   
    "Si Arra tanungin mo. Kanina lang din namin nalaman na may clue na 'yang babaitang 'yan" nginuso ni Ria si Arra kaya binaling ko ang atensyon sa kanya. Si Maricar ay tahimik lang na nakikinig at paminsan-minsang sumusulyap sa akin para siguro tignan ang reaction ko o ano.
   
    "Hindi ba sabi ko hihingi akong tulong kina Mama? Sa mga agents nila?" Tumango ako. "May pinadala silang dalawang agent dito at tumawag kagabi sa akin dahil may idea na sila kung saan posibleng nakatira ang mama mo."

Love, LMHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon