16

11 1 0
                                    

    "The first episode of 30 Days with Oppa went smoothly. Our ratings are high and we should keep it like that. Congratulations and good luck. Fighting!"
   
    Nagpalakpakan kaming lahat matapos mag announce ng producers. Ngayon lang sinabi sa amin ang ratings ng first episode ng 3p days with oppa. Ni hindi ko pa nga napapanood iyon dahil busy ako nitong mga nakaraang araw kaya naman itinatak ko sa isip ko na papanoorin ko iyon mamaya. Sana naman maganda ang rehistro ng mukha ko sa camera ano?
   
    "Congrats" kinuha ko ang inuming iniabot ni bebelabs sa akin. Ngiting ngiti siya at halatang natutuwa sa result ng show.
   
    "Congrats to the both of us" sabi ko at nakipag cheers.
   
    Sumimangot ako ng malasahan ang nestea juice imbes na wine. Silang lahat ay wine ang iniinom at may soju pa pero bakit juice ang akin? Mukhang nabasa niya ang iniisip ko at natawa. "You're still a student. Not allowed to drink"
   
    "What? But we always drink soju every after our exams." Kahit na hindi naman talaga ako umiinom. Sina Maricar lang pero ngayon gusto na itry!
   
    Mukhang nagulat siya sa nalaman niya dahil nanlaki ang mga mata niya at pumormang 'o' ang bibig niya. Bakit pati gulat na itsura niya, gwapo pa rin? Mamula-mula ang labi niya dahil siguro sa iniinom. Nag kakasayahan na ang mga kasama namin at ang iba ay kumakain na habang kami ay nandito sa sulok, tahimik.
   
    "Oh I forgot to tell you" aniya at itinaas pa ang daliri niya na akala mo ay may naisip ngang idea.
   
    "You don't have to go to your school starting on monday, which is tomorrow. The producers talked to your school and they asked if you can do Homeschooling and they agreed."
   
    What? Matagal ko ng iniisip kung paano ang school ko at ngayon ay sila na mismo ang gumawa ng way? How nice naman. Buong gabi ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magsaya lang at mag party. Tinawagan ko kanina sina Arra ta inimbita rito pero hindi raw sila pwede dahil may gagawing importante.
   
    Tuwang-tuwa ang mga staff ng magawa nila akong patikimin ng wine. Sinabi ko kasi na hindi pa ako nakakatikim noon kaya pinatikim nila. Ayaw ni Lee Min Ho pero wala siyang nagawa dahil ako ang kusang kumuha noon baso.
   
    Masama ang tingin niya sa akin na tinawanan ko lang. Wala nainom ko na. Hindi naman pwedeng iluwa ko ulit kadiri 'yun. "Let's invite Il Woo Oppa" umupo ako sa tabi niya sa sofa.
   
    "Why?"
   
    "Hmm he's your friend and I like his manager." Napabaling siya sa akin at naningkit ang mga mata.
   
    "You like Il Woo's manager? Clark?" Tumango tango ako.
   
    "Heol" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, parang hindi makapaniwala. "You like that guy?"
   
    "Yup. He's also a Filipino like me so I guess we can be friends" tumango-tango siya sa sinabi ko. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya na siyang ikinagulat ko. Hindi ko akalaing papayag agad siya?
   
    "We'll invite Manager Clark but not Il Woo, 'kay?" What? Pero pwede ba iyon? At saka kaibigan niya si Il Woo, bakit hindi niya iiinvite? Ako nga iniimbita ko sina Arra pero busy raw. Bago pa ako makapag salita ay narinig ko na siyang may kausap na sa phone. Wala akong maintindihan dahil korean ang gamit niyang salita.
   
    Imbes na nakatanga lang sa paghihintay ay kinuha ko ang phone ko para mag surf sa social media accounts ko. Nagulat ako ng makita ang napakaraming friend requests at follows sa mga social media accounts ko!Dati ay iilan lang ang friends ko at followers ngayon ay umaabot na ng libo-libo!
   
    Nagpunta ako sa twitter at nakitang nag tetrending ang hastag ng show namin kaya naman tinignan ko iyon. Magaganda nga ang feed back kaya napangiti ako.
   
    "This show is such a lowkey show. Ang raw ng mga vids"
   
    "Lee Min Ho never failed to impress me! At ang ganda ni ate gurl" thank you
   
    "How to be Anna? Nag-aaral na sa SoKor tapos nameet pa si Il Woo at Lee Min Ho! Nakasama pa nga sa iisang bahay! Swerte mo!" Oh I know. Charot
   
    Napataas ako ng kilay ng makita ang isang hastag na against sa show namin. Pinindot ko iyon at nakita ang mga negative comments kaya agad ko inalis doon. I've got no time for negativity.
   
    "They're on their way" napatingin ako kay Lee Min Ho na kabababa lang sa cellphone niya.
   
    "They? It means that it's not just Clark?" Tumango siya ss sinabi ko.
   
    "Unfortunately, Il Woo's coming" bumuntong hininga pa siya na akala mo ay malaking problema talaga iyon. Natawa ako sa itsura niya dahil mukha siyang pinagbagsakan ng langit. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin habang ako ay natatawa. Bakit ba kasi ayaw niyang papuntahin dito si Il Woo? Hindi ba bestfriends sila?
   
    Hindi ko alam kung anong oras na natapos ang mini oarty kagabi. Dumating sina Il Woo at Clark pero hindi rin nagtagal dahil may lakad pa yata. Nagpalaro ng ibang staff at namigay si Lee Min Ho ng papremyo. It was one of the best night I've ever had until the next morning, gumising ako na sobrang sakit ng ulo ko.
   
    Tatlong oras lang yata ang tulog ko dahil anong oras na nga kami natapos kagabi. Nakaupo ako sa kama at nakatulala, nag iisip kung maliligo na ba o matutulog ulit. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nakitang may email ang school sa akin patungkol sa Homeschooling na gagawin. Bale pupunta lang ako sa school para kumuha o mag pasa ng mga projects at may mga activity rin na pwedeng ipass online.
   
    Maraming messages sa gc namin nina Arra pero hindi ko na muna pinansin. Binitawan ko ang cellphone ko sa gilid at nag inat. Kahit ayaw pa ay pinilit ko ang sarili ko na maligo at mag ayos na kahit wala namang gagawin ngayong araw kundi iyong activity na kasama sa email ng prof ko.
   
    "Knock knock?" Halos mapatalon ako ng saktong paglabas ko sa cr ay siyang pagkatok ng kung sino sa kwarto ko!
   
    "Wait!" Sigaw ko at dali-daling nagpunta sa vanity table at nagpolbo. Inalis ko ang towel na nakabalot sa ulo ko saka sinuklay ang buhok ko. Naglagay narin ako ng lip and cheek tint  pero light lang tapos ay dali-daling nagtungo sa pinto.
   
    Pagbukas ko ay si Lee Min Ho ang bumungad. Sarap namang gumising ng ganito, gwapo agad ang bubungad sayo! Ngumiti ako. "Uh your cheek tint isn't equally distributed" what?
   
    Nanlaki ang mga mata ko ng ilagay niya ang index finger niya sa pisnge ko at siya na mismo ang nag ayos sa tint. Omayghad! Halos pigilan ko ang hininga ko ng ilapit niya ang mukha niya sa akin saka tinitigan ang mukha ko . Ang puso ko ay mabilis na kumakabog ng malakas at tingin ko ay any minute lalabas na ito sa ribs ko!
   
    "There you go" amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Halos habulin ko pa nga nang bigla siyang lumayo sa akin at ngumiti. Damn. "Ah we will go out today so change to your most comfortable clothes, okay? We will leave after thirty minutes"
   
    Wala na akong nagawa dahil umalis na agad siya. Aalis kami? Saan naman kami pupunta? Dahil hindi ko alam kung saan ang punta namin ay naisipan kong mag pants nalang at rubber shoes. Nagsuot ako ng white tshirt na pinatungan ko ng black hoddie.

    Bago lumabas ay sinulyapan ko pa ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang cheek tint na inayos niya kanina. Sinuklay ko pa ng dalawang beses ang buhok ko bago lumabas at nagpunta sa sala.
   
    True enough, saktong Thirty minutes nga ang nakalipas ng umalis kami. Sunod talaga sila sa oras hindi gaya sa Pinas na sasabihing on the way na kahit kagigising lang.
   
    Medyo nagtagal kami sa byahe bago nakarating sa isang building kung saan isoshoot daw ang TVC project ni Lee Min Ho. Kanina ay nakinig ako habang pinaliliwanag ng manager niya ang mga gagawin niya kaya napag alaman ko na isang brand ng kape ang ieendorse niya.
   
    Kasama ko ang manager niya sa isang gilid habang pinapanood siyang mag shoot. Tawa pa kami ng tawa ng kailangan niyang sumayaw pagkatapos uminom ng kape, pinapakita na ang brand ng kapeng iyon ay nagbibigay ng energy.
   
    Ilang oras na ang lumipas at hindi pa tapos ang shoot. Katatapos lang naming kumain ng lunch at nagpahinga lang sila ng bahagya bago ipinagpatuloy ang shoot. Naiinip na ako kaya naman nag scroll muna ako sa social media accounts.
   
    Natatakot man ay binalikan ko iyung hashtag kanina na kontra sa show namin. Madami ang hate comments doon pero marami rin namang nagtatanggol. Kunot noo kong binabasa ang mga hate comments at hindi ako makapaniwala na may mga taong kayang idown ang mga kapwa nila.
   
    "Anna doesn't deserve to win. She's not even pretty"
   
    "How unlucky Lee Min Ho Oppa is. He needs to sacrifice for 30 days just for the sake of this sick show"
   
    "Ang pangit ni Anna. Ang arte pa"
   
    "Anna pabebe mo! Hindi dapat ikaw ang nanalo sa audition dapat si Arra!"
   
    "Ang pabebe mo naman Anna. Mukha pang maarte."
   
    Nagulat ako ng biglang may umagaw ng phone ko. Tiningala ko kung sino iyon at nagulat ng makitang si Il Woo iyon! Bakit siya nandito? Tumayo ako at ambang aagawin na ang cellphone ko pero inilayo niya iyon sa akin.
   
    Binabasa niya ang mga hate comments at pansin ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya. Akala ko ay ibabalik na niya ang phone ko ng ibaba niya ito pero mabilis siyang lumakad palapit kay Clark at kinausap. Agad akong lumapit sa kanila at narinig na ipinapatranslate niya kay Clark ang mga hate comments na naka Tagalog.
   
    Sumulyap silang pareho sa akin pero agad ding ibinalik ang pansin sa ginagawa. Kunot na kunot ang noo ni Il Woo nang ibalik niya sa akin ang cellphone ko. "Those people doesn't have manners. Degrading others just because they don't like them? Are you okay?"
   
    Tumango ako at ngumiti saka ibinulsa ang cellphone ko. "I'm fine."
   
    "She'll always be fine as long as she's with me" sabay kaming napalingon kay Lee Min Ho na nakalapit na pala.
   
    "Haba ng hair mo girl" tumawa si Clark sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko kaya tumawa nalang ako.
   
    "It's your turn now" nilingon nilang pareho ang pwesto kung saan sila nag soshoot.
   
    "You sure she's okay?"
   
    "What do you mean?" Nilingon niya ako, "you're not okay?"
   
    "Ah I'm fi-" napalingon kaming lahat kay Il Woo ng bigla niyang putulin ang sinasabi ko.
   
    "She's not. She saw the post hating her and the show. Bashers and trolls are attacking her" bakas sa mukha ni Lee Min Ho ang gulat dahil sa sinabi ni Il Woo. "I'll look for a way to stop those batminded people" aniya pa bago umalis para sa shoot.
   
    Magkasama pala sila ni Lee Min Ho sa TVC na ito. Hindi ko maalala kung nabanggit iyon ng manager ni Lee Min Ho kanina. Nagkatinginan kami ni Clark at nagkibit balikat lang siya.
   
    Tahimik lang si Lee Min Ho at pagtingin ko ay nakatutok na siya sa cellphone niya. Mukhang binabasa na niya ang mga hate comments patungkol sa akin at sa show dahil bakas sa mukha niya ang magkahalong gulat at inis. Kunot na kunot ang mga kilay niya habang nakatingin sa cellphone.
   
    "Uh" umamba akong magsasalita nang ibaba niya ang phone niya. Imbes na matuloy ang sasabihin ko ay agad niya akong hinatak at hinanap ang manager niya.
   
    Nakasalubong namin ito kaya pareho kaming huminto. "Contact the producers of 30 days with oppa. I need to talk to them" aniya sa seryosong boses bago tumuloy sa paglalakad.
   
    "We need to stop those trolls and teach them lesson" what?
   
    "Wait! You don't have to do that! I'm fine, really. I won't let them ruin my life, you know." Sabi ko, nagbabakasakaling mapanatag siya pero walang epekto.
   
    Oo aaminin ko na naapektuhan ako ng mga hate comments pero bakit ko ipapahalata? Baka mamaya ay mag cause pa ako ng problem kung sabihin ko na naapektuhan nga ako.
   
    "Nope. If we can file a case against them, then we'll do it. No matter what"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, LMHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon