chapter 1

40 2 0
                                    

Nag lag bigla ang cellphone ko dahil sa sunod sunod na texts galing kay Ara. Syempre alam niyang paglalaro lang ang aatupagin ko buong araw dahil walang pasok at talagang tinawagan pa ako.

Bago ko pa sagutin ay namatay na ang tawag at patay na din ako sa laro. Inexit ko nalang at nagtipa ng reply sa kanya.

Ara:
Hoy help me

Ara:
Yuhoooo

Ara:
Hoy kumag samahan mo ako

Ara:
Hindi ka mananalo ngayon!

Ara:
Bilis na

Ako:
Bakit? Anong nangyari?

Nagtataka kong pinindot ang send sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ngayon ang date nila ni Klaudius. Paniguradong naiihi nato doon sa kaba kaya nanghihingi ng tulong. May balak pa atang gawin akong thirdwheel amp.

Ara:
May emergency kasi si Klaudius kaya ako lang mag isa sa resto. Dali na samahan mo ko.

Napabangon naman ako sa reply niya at agad kumulo ang dugo ko sa nalaman.

Ako:
Saan yan?

Pagkasend niya sa akin ng pangalan ng isang Italian restaurant ay agad na akong nagbihis. Nagmamadali kong pinulot ang susi ng sasakyan para puntahan siya. Medyo maulan pa naman kaya paniguradong mahihirapan si Ara pauwi.

Pagkatapos kong ipark ang sasakyan ay agad kong hinagilap kung saan nakaupo si Ara. Syempre dahil memorya ko ang kaibigan ay hindi na ako nahirapan. Suot niya ang biniling pink dress at ligpit ang wavy niyang buhok ngayon na may hinayaang ibang hibla sa gilid ng tengang kumawala.

Kabaliktaran nang nakakabinibining suot niya ay tinaas niya ang kamay at nakangiting kumaway sa akin.

Inayos ko pa ang buhok kong medyo naambunan pagkaupo.

'Mabuti nalang pumunta ka dito. Andami pa naman naming inorder' pagtutukoy niya sa mga pagkaing nakalapag sa harap na lamesa. Kung hindi ko alam na matakaw si Ara ay talagang magtataka na ako kung sino ang uubos sa lahat ng ito.

'Bat andami niyo atang inorder?' Kunot noo kong tanong sa kanya. Huminga siya ng malalim sabay ngumiti. Kahit na pagtakpan niya ang pagtatampo sa lalaki ay kita ko ang tunay niyang nararamdaman.

'Natakam kasi ako sa mga pagkain sa menu nila. Huli na nang marealize kong dapat pala kaonti lang ang kakainin ko sa harap niya. Pero buti nalang hindi ko na pipigilan ang sarili kong kumain ng madami kasi ikaw kasama ko ngayon' nangingiti niyang sabi sa akin saka nagsimula nang kumain.

'Ginawa mo pa akong alibi sa pagiging patay gutom mo' pang aasar ko sa kanya.

'Ang sama mo saken. Kakaganyan mo wala ka tuloy girlfriend' pang aasar niya naman pabalik sa akin. Napangisi naman ako sa sinabi niya.

'Nang asar ka pa eh ikaw nga din walang jowa' tinutok niya naman ang tinidor niya sa akin.

Yan! Nagmukha tuloy siyang demonyo sa itsura at hawak niya. Napailing nalang ako sa naisip. Kulang nalang ng sungay pati buntot.

'Sobra to. Kapag ako nagkajowa who u ka talaga sa akin' napahinto naman ako sa sinabi niya pero agad ding ibinalik ang wisyo at inayos ang paghiwa sa baby backribs.

Umangat ang tingin ko sa kanya sabay natawa dahil sa katakawan niya ay may sauce na naman ng pasta sa gilid ng labi. Hindi na ako nag atubiling bigyan siya ng tissue baka hindi na naman niya tanggapin kaya binalewala ko nalang. Nilibot ko pa ang tingin sa mga tao sa restaurant.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon