chapter 36

12 1 0
                                    

May kaonting selebrasyon sa kompanya ng Hermann Holdings dahil sa nakuhang bagong investor. Lahat ng empleyado ay nagtipon tipon para sa kaganapan. Napilitan akong umattend kahit na kaonti lang naman ang kontribusyon pero naienjoy ko naman ang pagtanaw sa mga tauhan ng kompanya namin na naging bahagi ng tagumpay nito sa mga nagdaang taon.

Sumimsim ako sa kupita habang pinagmamasdan ang iilan sa mga ito na masayang nag uusap. Kahit papaano ay napapangiti nila ako sa imahe nilang masaya sa kaonting hakbang. Mas lalong humigpit ang kapit na salbahin ko ang pangalan namin.

'Congratulations hijo. Manang mana ka talaga sa akin pagdating sa negosyo. Everything here will be yours someday' nangingiti niyang akbay sa akin.

'Kung hindi lang naman namatay si Inddefonso, hindi naman ako mangengealam dito' natigilan siya sa pagbigkas ko sa pangalan ng yumaong kapatid at napasimsim sa baso na may kulay amber na likido.

Kahit naman ilang taon kong pinilit na humanap ng hustisya at sundin siya ay hindi pa rin nawawala sa akin ang pagtataka. Ilang beses niya akong dinadala sa dead end. Una na doon si Martin na napagkamalan kong killer na yun pala ay hindi. Sumunod ang Lauron na siya ngang pumatay kay Inddefonso pero pinatay na pala ni Sire.

Pagsira sa kompanya namin ay katumbas ng pagsira sa pamilya ko. Pero bakit ko pa nga ba nilalayo ang usapan gayong nandito lang naman talaga ang totoong sagot. Ganti? Oo gantihan ang mga Lauron dahil pinatay nila ang kapatid ko. Patunayan sa kanila na malakas kami? Sa totoo lang gulo naman to ni Sire at nadamay kami dahil sa kabulastugan niya. Yes. My family is fucked up. Pero hindi ko na kontrolado ang mga nangyari. Ang importante nalang ngayon ay kung paano ako magrereact sa lahat ng bagay.

Nilingon ko siya dahil kanina pa ako nagtataka.

'Hindi ko ata napansin si Madea dito? Have you seen her dad?' tumaas ang kilay niya at hindi man lang ako binalingan. Kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin.

Unang beses.

Unang beses palang ako nagkaroon ng pakealam kung nasaan si Madea. May masamang kutob ako kung bakit napalampas niya ang ganitong pagdidiwang kaya umayos na ako ng tayo. Iniwan ko na ang baso sa isang lamesa para hanapin si Madea.

Hindi ko na naisipan pang magpaalam kay Sire. Wala sa bokabularyo ko iyon.

Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan para makauwi sa mansyon. Normal lang na tahimik ang tahanan namin pero mas tahimik iyon ngayon. Dumiretso ako sa opisina ng mga magulang ko at kahit inaasahan ko naman ay gulat pa din akong makitang walang tao doon.

Naglakad ako sa unang palapag at tinawag ang isang kasambahay.

'Manang nakita niyo po ba si Madea?' nakapameywang ko nang tanong.

'Hindi po sir eh' tumango ako sa sinabi ng kasambahay at bumalik sa sala. Umupo ako doon at mukhang ako na ata ang pinakabobo sa buong mundo o hindi pa rin nasasakupan ng sibilisasyon dahil huli sa listahan ko ang pagtawag sa numero ni Madea.

Dinial ko ang number niya at sinagot niya sa pangatlong ring ang tawag.

'Nasaan ka?' napataas na boses kong sabi dahil may iba akong pakiramdam sa pagsasawalang bahala ni Sire sa asawa niya. Tahimik lang ang kabilang linya habang naghihintay pa rin ako ng sagot sa kanya.

Taliwas sa inaasahan ko ay pinatay niya ang tawag na hindi ko man lang narinig ang boses niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Umakyat ako sa kwarto niya at napansin ang ilang bakanteng parte ng closet niya. Naiinis akong napaupo sa kama habang napapasabunot sa sariling buhok. Para na naman akong nasa gitna ng isang laro. Wala man lang akong ideya kung ano ang nangyayari. Bigla nalang naglayas si Madea.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon