chapter 12

32 3 2
                                    

Maingat akong nagpaplano para sa sarili naming imbestigasyon ni Gaston. Gusto kong ipahanap sa kanya yung lalaking nahubaran ng maskara. Sya muna ang pinaasikaso ko dahil huling araw na ng foundation week bukas kasabay ng valentine's day.

Plano kong bigyan ng sariling gawa na cookies si Ara kaya andito ako sa kusina nang biglang dumating si Safiya na nakapajama.

'Kuya what are you doing?' tanong niya saka lumapit sa kitchen island.

'Im going to bake cookies. Do you want to help kuya?' tumango tango naman siya sa akin.

Matapos kong e mix ang mga ingredients ay tinulungan ako ni Safiya na bilugbilugin ang dough. Nangingiti ako sa liit ng kamay niyang pinambilog. Madami akong ginawa para may baunin din si Safiya sa school kaya kinabukasan ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko.

Nasa bag ko ang box ng cookies. Busy pa din sa booth namin dahil madaming bumibili. Naghihintay naman akong maging bakante si Ara para maibigay ko ang cookies.

Nang nangyari nga iyon ay agad kong binuksan ang bag ko para kunin ang box. May mga nakakita sa ginawa kong pag abot kay Ara at kumantsaw kaya pinamulahan siya ng pisngi.

Napakamot tuloy ako sa batok ko kung tama ba ang ginagawa ko.

'Gawa mo to para sa akin?' inosente niyang tanong sa akin. Tiningala niya ako habang hinihintay ang isasagot. Baka mahalata niya akong may nararamdaman sa kanya at maging awkward kami sa isat isa kaya tumango ako pero umiling din pagkatapos kaya nagtaka siya.

'S-si Safiya gumawa niyan' pang aalibi ko. Pinagmasdan niya naman ang homemade cookies.

'Awwe ang sweet talaga ni Safiya' napangiti naman ako sa kanya. Kahit hindi direkta niyang sinabi sa akin ay parang ako na din ang tinutukoy niya. Syempre parte ako sa gumawa.

'Anong plans mo ngayon?' Maingat kong tanong sa kanya. Baka kasi may ka date siya pero kung wala naman edi tapusin nalang namin ang araw nato na magkasama tss.

'Hmm may plano kami ni Klaudius. Baka daw makahabol siya' napatango tango naman ako sa kanya. Ah si Klaudius. Tapos na ba ang mga maliligayang araw ko?

Tinalikuran ko na siya dahil plano kong tumulong sa pagluluto sa booth. Nilapag niya naman sa isang lamesa ang cookies at nakiusyoso ang mga kaklase ko. Dahil mabait si Ara ay shinare niya ang pagkaing binigay ko kahit sa katakawan niya. Hindi naman na sa akin yun pero bakit dumaplis sa utak ko ang pagkamadamot na dapat sa kanya lang yun.

Nang natapos na kami sa school ay inayos na namin ang mga gamit dahil balik na ang klase sa lunes. Pinagmamasdan at binabantayan ko lang si Ara. Wala din naman akong gagawin sa araw na ito kaya plano kong sundan siya at makiwatcher sa magiging date nila ni Klaudius. Naging hopeless romantic pa ata ako sa lagay na ito.

Syempre hindi ako nagoffer na ihatid si Ara kung saan sila magdidate ni Klaudius. Brutal na ata sa sarili ko kung ihahatid ko pa siya patungo sa lalaki niya.

Nagcommute siya at sa hindi kalayuan nakasunod naman ang sasakyan ko. Nagtaka na nga ako kung bakit medyo malayo ang pinuntahan niya. Nanibago ako sa lugar pero nagets na din na sa isang mamahaling restaurant sila magdidate.

Pinark ko lang ang sasakyan kung saan makikita ko siya mula sa labas. Hindi naman ata ako mapapansin dito. Sisiguraduhin ko lang na walang palya si Klaudius at hindi sila magagawan ng masama ng ibang tao. Lalo na at hinahabol ata ng gulo si Klaudius nung nakaraan.

Naglaro na lang ako sa cellphone ko at nakakadalawang round na nga pero mag isa pa din sa loob si Ara. Ngayon ko lang napansin na may dala siyang paperbag galing sa loob ng shoulder bag niya. Regalo niya ata sa lalaki.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon