chapter 35

15 1 0
                                    

I now have a huge adoration for myself. Kahit na sobrang sakit ng ulo ko kinaumagahan ay minabuti kong mag ayos para makauwi sa Pilipinas. Sobrang tuyo ng lalamunan ko kaya napainom ako ng sobrang daming tubig na animoy ngayon palang nalaman ang hiwaga ng tubig.

Kahit sa sobrang bango naman ang amoy ng bodywash ay may kaonting sipa pa din ang amoy ng alak sa katawan ko. Sabog ang mukha ko pagkakita sa salamin hanggang sa minabuti kong lumabas ng silid dahil naghihintay na ang mga kasama ko sa biyahe.

Direkta at puno ng galit ang mga mata ko kay Sienna nang magkasalubong kami sa corridor. Hindi ko na siya binigyan ng pansin nang makulong kami sa elevator hanggang sa makarating na nga sa plane. Dun na ako kumain at minabuting matulog nalang muli.

Bilang palang ang pagkakamali ko sa babae at dumagdag siya sa listahan. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang lakas ng loob para gawin ang nangyari kagabi. It was considered rape. Pero ano nga ba ang masasabi ng mga lalaki sa salitang rape.

I also dont want to be vocal about it dahil ikinahihiya ko ang nangyari. Hindi ako makapaniwalang sinubukan niya akong baboyin kagabi. Woman like her is a disgrace!

Gabi na nang nakarating kami sa Pilipinas. Pagod ang katawan ko kaya hindi ako nagkapanahon na kontakin si Ara pagkalapag sa kama pero first thing in the morning ay siya ang inatupag ko.

Dumiretso ako sa bahay nila habang bitbit ang ilang pasalubong. Sinalubong niya ako sa may pinto na magulo pa din ang buhok at mukhang kakagising lang. Hindi ako makapaniwala na mas maganda siya kapag bagong gising. Simple at walang arte. Tumingkayad siya at pinaunlakan ang hinihingi kong halik habang mahigpit ang yakap ko sa kanya.

'Good morning gorgeous!' nakangiti kong bati sa kanya.

'Good morning caveman. Welcome home' natatawa niyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo dahil nakapagshave naman ako pero tinatawag niya pa din ako ng ganyan. Nahihiya akong pinagmamasdan ang mga mata ni Ara dahil minsan ko lang siya nakausap nung nasa Italy ako. Kung hindi siya nang iinggit ng mga luto niya sa tawag ay hindi niya naman ako sinasagot.

'For you and Tita nga pala' abot ko sa kanya ng mga paperbag.

'Thank you nag abala ka pa' malambing niyang sabi at abot sa binigay ko. Iginiya niya ako sa sala dahil pinangakuan niya akong lulutuan ng agahan. Wala naman daw si Tita dahil nanatili sa isang kaibigan nito. Binalot tuloy ako ng kaba dahil ibig sabihin mag isang natulog dito si Ara kagabi. Hindi ko din naman alam kong sasaktan din siya ni Felix pero talagang hindi ako panatag kapag ganoon.

Naglakad ako patungo sa kusina at nakita siyang nagluluto sa may stove na nakatalikod sa banda ko ngayon. Bigla tuloy sumilay ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya sa ginagawa. Marahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan niya hanggang sa narinig ko ang mahinang pag hum niya sa kung anong musika.

Kinulong ko siya sa bisig ko at nakapagsalikop ang mga daliri sa bandang tiyan niya habang pinagmamasdan siyang nagluluto.

'What are you doing?' natatawa na din niyang sabi sa akin. Tinagilid niya pa ang leeg niya kaya nagkaroon ako ng tamang anggulo para ipatong ang baba ko doon. Nagmistulang piraso kami sa isang puzzle na sakto ang sukat sa isat isa.

'I miss you' malambing kong bulong sa kanya saka hinalikan ang pisngi niya.

Tumawa pa siya ng bahagya na mas lalong nagbigay enerhiya sa akin. Akalain mong ilang araw kong sa telepono lang yan nadidinig pero ngayon nasa harapan ko na siya.

'Pambihira ka pala mangulila, masyadong malambing Asterius' sabi niya. Bumaba ang tingin ko sa niluluto niya at natigilan.

Sinubukan kong umuwi ng maaga hanggat kaya dito sa Pilipinas. Hindi naman ako nagrereklamo pero laman ng tiyan ko lagi sa Italy ay kung hindi pasta ay pizza. Madalas akong engganyuhin ni Ara na umuwi dahil lulutuan niya ako ng pagkain pero look here!

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon