chapter 13

22 2 0
                                    

Balik na sa maayos ang klase. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin sa loob ng sasakyan. Inayos ko pa ang buhok ko na nilagyan pa ng gel kanina. Medyo napangiti pa nga ako sa sarili. Matapos naman naming mag usap ni Ara tungkol sa pagmamahal ay umuwi naman na kaagad ako. Baka kasi mapaamin ako ng wala sa oras.

Maganda ang bungad ng umpisa ng araw ko kaya napaaga ata sa school. Magugulat talaga si Sir Marasigan na absent ako sa guidance office. Masisibak ata ang top 1 nila. Napailing nalang at ngumisi sa naisip.

Bumaba na ako sa sasakyan nang nakampante na sa itsura. Kaonti palang ang estudyante pero mukhang agaw pansin pa rin ata kahit tahimik ang paglalakad ko. Maling ideya ata na nakasunglasses ako ngayon.

Tinuro pa nila ang buhok saka nagbulungan. Oo tama ang hinala nila. Nasa kabilang mundo na ata kami kasi pinagupitan ko ang dating mahaba kong buhok. Pinasadahan ko tuloy ng kamay dahil panay ang tingin nila. Baka mamaya may dumi pala ako sa buhok o kung hindi naman ay sa mukha. Nakakaconscious tuloy.

Nakangiti akong papalapit sa building namin pero nang nadaanan ko ang field ay mukhang naagaw ata ang atensyon ko. Nakabalik na nga si Klaudius.

Kahit gamonggo ang imahe nila sa mata ko ay memorya ko si Ara. May nilahad na kumpol ng bulaklak si Klaudius sa kanya na nagpababa sa suot kong salamin.

Napakrus tuloy ako ng braso kung ano ang magiging reaksyon ni Ara gayong inindyan siya nito noong nakaraan.

Nasisiraan na siguro siya ng bait kung tatanggapin niya iyon. Kaya mayabang ako nakapameywang na para bang naghihintay sa susunod na scene ng isang palabas.

Pero binigo ako ni Ara. Para ngang nagzoom ang paningin ko sa kanila dahil tinanggap iyon ni Ara. Sigurado akong nakangiti iyon at binigyan pa talaga ng yakap ang lalaki.

Napangisi nalang ako sa sarili dahil bakit niya nga naman hindi tatanggapin yun eh galing sa crush niya. Napakamot nalang ako sa ulo. Mukhang sa ibang silid ata ako magaattendance nito.

Tinype ko ang id number saka nagpatuloy na sa pagpasok sa library. Dito lang naman ako nagkakaroon ng magandang imahe. Akalain mong nakikisabay ako sa mga matatalino na tumambay dito.

Naglakad na ako at naghanap ng bakanteng lamesa. Syempre dito nalang muna ako papalipas ng oras. Hindi ko pa kasi kayang makita muli si Ara. Kahit naman ngumiti yun sa harapan ko ay hindi ko pa ring maiiwasang masaktan. Tao din naman ako. Kaibigan na umaasa.

Nagpop up naman ang message na galing kay Celestia. Buti nalang hindi pa ako nagsisimula maglaro.

Celestia:
Can we have it later?

Napaisip naman ako sa text niya. Oo nga pala hindi natuloy yung date-kuno namin kaya ito ngayon nangungulit na naman.

Ako:
Ok.

Hindi na ako nagexpect ng reply galing sa kanya at kung meron man ay wala na akong planong magreply.

Binuksan ko na ang laro at sakto namang online si Lito. Kaya nagsama kami pati mga alipores niya. Kung naka mic on lang kami paniguradong magtatanong nato kung nasaan ako pero dahil nasa library ako ay naka off na muna. Pati ata tong si Lito ay nasa loob ng classroom.

Nakapulot agad ako ng AKM syempre pinakapaborito ko tong baril na gamitin dito. SKS naman ang gamit ni Lito. Inabot na kami ng lagpas kalahating oras at tatlo nalang kami ng isang kalaban natitira sa laro. Kung magpakabobo na naman itong si Lito kahit na pagbabarilin ko to sa laro ay wala akong magagawa.

Pamalit ko ang Kar98 na may nakakabit na 4x scope. Pabor naman sa amin ang safe zone. Naghihintay nalang kaming may makitang marka ng paa sa mapa para mapatay ang kalaban.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon